CHAPTER 1
"Naging sila kahit kami pa"
Bea’s POV:
"BESS, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?", tanong ng kaibigan ko sa akin.
Nakatingin ito sa mata ko na tila sinusuri kung seryoso ba ako sa aking plano.
Tanging pagtango ang naitugon ko bilang sagot dito.
"Pero delikado ang--",
"I don't care anymore. Wala na ang anak ko. So what do you expect? Magpakasaya ako?", sakrastikong bigkas ko sa kanya.
"Hindi naman sa ganon. Iniisip ko lang ang magiging--",
"H'wag ka ng magsalita kung pipigilan mo ako, Claire. Dahil kahit anong sabihin mo, my decision is final.",
"--Nagdusa ako ng ilang taon. Binalot ako ng kalungkutan dahil sa ginawa niya. Tapos, mababalitaan kong masaya sila habang kasama ang anak nila? Tsk. Hindi ko hahayaan na magpatuloy ang kasiyahan nila.", mariing sambit ko.
Puno ito ng galit dahil sariwa pa rin sa aking ala-ala ang pagpatay ni Mark sa mismong anak ko.
Napakuyom ako ng kamao habang binabalikan ang matamis na pangako nito sa akin.
It's been four years, pero yung sakit nandito pa rin sa puso ko.
Nang dahil kasi sa lalaking 'yon, nawala ang anghel ko.
Dapat sana naglalakad na siya ngayon at nakakausap ko, kaso wala eh. Hindi na 'yon mangyayari pa.
"Bea, makinig ka naman. Para sa kaligtasan mo ang sinasabi ko. Hindi tama na patayin mo si Mark. Isipin mo naman yung bata. Mawawalan siya ng ama. Paano kung lumaki--",
"I SAID, SHUT UP!",
"I DON'T NEED YOUR OPINION.", pasigaw na saad ko.
Natahimik ito bigla at dahan-dahan na umiling.
I admit na wala na ako sa tamang pag-iisip.
Pero isa lang ang gusto kong mangyari sa mga oras na 'to, ang patayin ang taong pumatay sa anak ko.
Buhay ang kinuha niya, kaya buhay rin ang kukunin ko.
At wala na akong pakialam kung makulong ako ng panghabang-buhay.
Kinuha ko sa drawer ang baril na binili ko. Linagyan ko ito ng bala para mapabilis ang paghiganti ko.
Nang mahanda ko ang lahat, lumabas na ako ng bahay.
It's already 11:00 o'clock in the evening.
Pinagplanuhan ko ito ng maigi para walang may makahalata sa akin.
Nakasuot akong black na damit at nakatakip din ang mukha.
Huminto ako sa mismong bahay na tinutuluyan ngayon ni Mark. Ang bahay nila ni Fiona.
Akma na sana akong aakyat para makapasok, kaso may humila bigla sa bewang ko dahilan para matumba ako.
Pero sa puntong ito, natumba ako sa dibdib ng isang tao.
"Kung balak mo magnakaw Miss, mabuti pang sumama ka na lang sa akin sa presinto.", bulong na sabi nito sa tenga ko.
"At sino ka ba para sabihin 'yan?", mataray kong tugon.
Hindi ko pa nakikita ang itsura ng lalaki dahil nakatalikod pa rin ako.
"Pulis ako. Kaya kung ano man ang binabalak mo, nasisiguro kong sa kulungan ang bagsak mo.", seryosong wika niya.
Unti-unti na akong napalingon para tingnan kung sino ba talaga ito.
And s**t!
Naka-uniporme nga s'yang pang-pulis.
"H-hindi ako magnanakaw.", lunok-laway na sambit ko.
Ngumisi naman ito na tila hindi naging kumbinsido sa sinabi ko.
"Are you sure? Sa postura mo palang, alam ko na kung ano ang pakay mo.",
"Manong pulis, hindi ka yata tinuruan ng magandang asal ng magulang mo, ano? Nakaganito lang, magnanakaw na? Masyado kang mapanghusga.", turan ko sa binata.
"Kung hindi ka magnanakaw, bakit ka aakyat ng gate?",
"Diba obvious? Malamang nakasara ang gate kaya aakyat na lang ako. Hays.", pabalang na sagot ko.
Muli namang bumalik sa pagkaseryoso ang ekspresyon niya na animo'y hindi nagustuhan ang pagkasabi ko.
"Sumama ka na lang sa akin para walang problema, Miss.",
"Ba't ako sasama sayo? Jowa ba kita? Jowa?", asar na sambit ko.
"Isa.", pagsisimulang bilang nito para sumunod ako sa kanya.
"H'wag mo akong bilangan. Hindi ako bata.", diretsang litanya ko.
"Sasama ka ba o gusto mong kaladkarin kita papuntang presinto?", pananakot nitong wika.
Tinaasan ko lamang siya ng kilay at hindi na ito pinansin.
"Hoy, sa'n ka pupunta?", sitang bigkas n'ya nang talikuran ko siya.
Balak ko sanang tumakbo kaso mabilis niyang nahawakan ang braso ko.
"Tatakasan mo pa talaga ako?", saad nito na may ngiti sa labi.
"O-of course not. Hindi ako tatakas. And besides, inosente ako. Kaya 'wag mo akong itrato na parang kriminal.", inis kong turan.
"Then prove it. Sumama ka sa akin para mapag-usapan natin 'yon.", ngising pahayag niya.
Umapaw naman ang kaba sa aking damdamin nang masilayan ko ang kotse ng pulis. Umiilaw kasi ito na tila papalapit sa aming pwesto.
Hindi pwede.
Hindi ako pwedeng pumunta ng presinto dahil malalaman ni Mark ang plano kong pagpatay sa kanya.
Kaya malakas kong sinipa ang gitnang parte ng binatang ito dahilan para mamilipit siya.
At do'n, nagkaroon ako ng tyempo na tumakbo palayo.
I'm sorry.
But I need to do this.