CHAPTER FOUR
Bea's POV:
Pumayag na ako sa kagustuhan ng pulis.
Wala rin naman akong choice kundi ang tanggapin ito.
Alam kong delikado, dahil magiging malapit ang loob naming dalawa. At baka magkataon, na makita ako ni Fiona.
Yes, kilala ako ni Fiona dahil nagkita na kami noon.
Kaya hindi na ako magugulat pa kapag nangyari 'yon.
But for now, hindi ko muna iisipin ang bagay na ikagugulo ng plano ko.
Kung kinakailangan na umiwas ako para hindi magtagpo ang landas namin, gagawin ko. To make sure, that my plan will be success soon.
"Saan ba tayo pupunta?", tanong ko sa binata.
Kanina pa siya nagda-drive. And I was so curious, kung saan ba ang tungo namin.
"Sa bahay ko. Gusto kong simulan mo ngayon ang pagiging yaya.", diretsang turan niya.
"What? As in, ngayon na talaga?", bigkas ko na tila nabigla pa ako.
"Bakit Miss, may angal ka? Dahil kung oo, pwede natin 'yan pag-usapan sa presinto.", balik na wika niya.
"W-wala naman. Akala ko kasi, bukas pa.", iwas kong sagot.
My ghad!
Naba-blackmail niya ako!
"Good.", tipid na sambit nito.
And after 20 minutes, huminto na kami sa tapat ng bahay.
Hindi siya gaanong malaki, pero masasabi ko na maganda ito.
Kaya lumabas na kami ng kotse para pumasok sa loob.
Bumungad naman sa akin ang lola na nasa wheelchair habang inaasikaso siya ng isang babae.
"Ohh, hindi na pala ako kailangan. Bakit mo pa ako kinuha?", bigkas ko sa lalaki.
"Just shut-up.", sambit niya para patigilin ako.
So humakbang ang pulis at nagmano sa matanda.
"Manang, simula sa araw na 'to, tanging pagluto, paglaba at paghugas ang gagawin mo. Kasi meron ng mag-aalaga kay lola.", saad na bilin niya sa yaya.
Napanguso tuloy ako, dahil talagang buo na ang desisyon nito.
"Okay po Sir. Salamat ho.", tugon ng babae at tsaka umalis.
"Apo, sino ba ang kasama mo? Girlfriend mo ba 'yan?", lingon na tanong ni lola sa akin.
Nakaturo na rin ang hintuturo niya sa gawi ko na tila ako ang tinutukoy.
"Hindi po lola.",
"--Siya ang mag-aalaga sayo.", wika ng pulis.
"Gano'n ba? Sayang naman. Akala ko kasi jowa mo na. Ang ganda niya.", saad nito dahilan para matuwa ako.
"Enebe lola. Meleet ne begey. Metegel ke ng elem yen.", pabebe kong sambit pero binatukan lang ako ng binata.
"Tumigil ka nga. Para kang tanga. Ulyanin na ang lola ko at malabo ang mata.", pagsusungit niya para kontrahin ang sinabi ng matanda.
Ang galing!
Isa s'yang malaking stupid father fucker!
Pero 'di bale, hindi ko na siya papatulan pa. Baka biglang magbago ang isip niya at kaladkarin ako patungong police station.
Kaya ang ginawa ko, naglibot-libot ako at tiningnan ang bawat sulok ng bahay.
Nasilayan ko naman do'n ang mga pictures nila.
Pero sa kabilang dulo, nakita ko ang larawan nila ni Fiona.
Sa ngiti palang nila, mahahalata mo na malapit sila sa isa't isa.
"Close ba kayo ni Fiona?", baling na tanong ko sa kanya.
Gusto ko pa rin marinig mula sa bibig niya ang totoo.
"Yah.", tugon nito sa akin.
Awtomatikong napatingin ako sa pwesto ng lalaki para pakinggan ang susunod n'yang sasabihin.
"--Sa sobrang close namin, nagawa akong pagselosan ni Mark. Yung asawa niya ngayon. Dati kasi, hindi pa alam ni Mark na magpinsan kami. Kaya siguro, inakala nito na magjowa kami ni Fiona.", pagkekwentong saad ni pulis.
Mapakla akong napangiti nang banggitin nito ang pangalan ng ex ko.
"Ahmm, matanong ko lang, may boyfriend ka na ba?", bigkas niya dahilan para mapangiwi ang labi ko.
"I'm just asking. Baka kasi, magselos ang boyfriend mo kapag nalaman n'yang nagtatrabaho ka rito.", he continue.
"Wala. Wala akong boyfriend ngayon.", sagot ko at tumalikod.
"--Pero nagka-boyfriend na ako.", patuloy kong sambit.
Mapait ko 'tong binigkas habang hinahawakan ko ang picture frame nila ni Fiona.
"--Kaso, yung boyfriend ko dati, pinagpalit ako sa iba.",
"--At alam mo yung masaklap?", saad ko ulit at muli s'yang hinarap.
Humakbang na rin ako para malapitan ang binata.
"Nabuntis niya ako.",
"--Binuntis niya ako, pero pinatay niya rin ang anak ko.", madiin kong wika.
Umaapaw na naman sa damdamin ko ang galit sa tuwing bumabalik sa ala-ala ko ang ginawa ni Mark.
Napaatras ng konti ang pulis at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Ginawa niya 'yon?", turan niya kaya agad akong tumango.
"Oo, ginawa niya 'yon. Pinatay niya ang anak namin para panagutan ang anak niya sa iba.", paliwanag kong pahayag.
"Sino ba ang taong 'yon?", tanong nito na tila gustong alamin ang lalaking tinutukoy ko.
"Do you want to know his name?", mapaglaro kong tugon.
"Yes. Gusto kong malaman.",
"Well, this is not the right time para sabihin ko kung sino 'yon.", tanging saad ko at bahagyang pinisil ang pisngi niya.
Ayoko munang ipaalam sa kanya ang lahat dahil sa huli, pinsan niya pa rin si Fiona.
At alam kong ito ang kakampihan niya.