CHAPTER 15 Nico's POV: "BAKIT MAY DALA KANG GAMIT, ASH?", tanong ko sa dalaga na ngayon ay naka-upo sa sofa. Mabilis akong lumabas ng kwarto nang marinig ko ang boses niya. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko kasi, nakabalik na siya sa New York para do'n mag-aral. Tapos bigla s'yang susulpot na hindi man lang ako sinabihan. "I want to stay here. Hindi ka ba masaya, Nico?", nakangiting turan niya. Ano bang kalokohan ang pumasok sa kokote ni Ash? Kung makapagdesisyon siya, halatang hindi pinag-iisipan ng mabuti. "Come on, Nico. Alam kong na-reject kita, noon. Pero nandito na ako, ohh. Standing infront of you.", wika ng babae nang tumayo ito sa mismong harapan ko. Yeah. Si Ash ang unang nanakit sa akin. Hindi ko siya girlfriend. Hindi ko rin siya naging girlfriend.