"Ready?" masayang wika ng daddy niya.
May pupuntahan silang business party at hindi siya makatanggi sa ama kahit na anong sabihin niya, kahit anong rason ang ibinigay niya rito. Kung noon ay hinahayaan lang siya nitong hindi sumama kapag sinabi niyang hindi siya sasama rito ngunit itong party na ito ay hindi siya nito hinayaan. Ilang araw bago ang party na ito ay sinimulan na siyang kumbinsihin ng kanyang ama na sumama. Walang araw na hindi nito binabanggit ang party na ito hanggang sa wala na rin siyang magawa kundi ang pumayag at sumama rito lalo na't grabe ang ginawa nitong pangongonsensiya sa kanya. Grabe kung maka-drama ang kanyang daddy na wala na siyang choice kundi pumayag at tuwang-tuwa naman ito. Nagtataka tuloy siya kung ano ang meron sa party na ito at gustong-gusto siya nitong isama.
"Ang baby ko, dalagang-dalaga na talaga," puri nito sa kanya. "Maghahanda na ba ako ng itak?" nakangiting tanong nito sa kanya. "You really look like your mother, hija. Kamukhang-kamukha mo siya at halos pareho rin kayo ng pag-uugali. Halos lahat ay namana mo sa kanya," madamdaming wika nito sa kanya na ikinangiti niya.
Her father was proud of her and the fact that she took her features most from her mother made him less lonely. Halos araw-araw rin nitong sinasabi iyon sa kanya. At sasabihing namimimis nito ang kanyang mommy.
Sumimangot siya sa sinabi ng ama at medyo nalungkot na rin. "Dad, naman bawal malungkot. At tsaka, Dad gusto mo na ba akong mag-asawa? Sige ka wala ka ng baby niyan," balik-tanong niya sa ama.
"Bakit may ipapakilala ka na ba?" ganting-tanong nito sa kanya. "Wala namang problema sa akin kung meron ka nang ipapakilala. You're in the right age already to have one. Basta priority mo ang pag-aaral."
She chuckled. "You know, I don't have time for that, Dad. At sigurado naman akong hindi ka basta-basta papayag na lang. Sigurado akong bantay-sarado ka rin naman sa akin. Baka nga kuhanan mo pa ako ng bodyguard eh. At tsaka magiging doctor muna ako tapos magpa-practice pa ako. Then maybe that time, pwede na akong mag-boyfriend. Ayaw ko rin namang maging old maid 'no. Sayang iyong lahi natin," she proudly said to her father.
"Well, hindi naman kita pagbabawalan, anak. Pero babantayan talaga kita," natatawang wika ng kanyang ama sa kanya. "Natural lang naman iyan basta alam mo ang priorities mo. Kami nga ng mommy mo since high school pa kahit hindi ako gusto ng parents niya wala rin silang nagawa."
Yes, her parents were in a relationship since high school. Hindi rin naman naging madali ang kanilang relasyon. maraming up and down din ang naranasan ng mga ito lalo na't hindi boto ang mga magulang ng kanyang mommy sa kanyang daddy noon. Pero wala ring nagawa ang mga ito dahil pinaglaban ng mga magulang niya ang pagmamahalan ng mga ito hanggang sa nagpakalayo-layo na silang mag-anak lalo na noong ipinagbubuntis na siya ng kanyang ina.
Ganoon katagal ang pagmamahalan ng mga ito. It was a true love and she wished to have that kind of relationship also. Gusto rin niyang maranasan ang magkaroon ng ganoong klaseng pag-ibig, iyong tunay at magpasahanggang kamatayan. But she was a snob. Aral lang nang aral. She wanted to be a doctor dahil na rin sa nangyari sa mommy niya. Relationship would come next. Open-minded naman siyang tao kaya kapag dumating na ito ay hindi naman niya hahayaang mawala na lamang at masayang. She will treasure it. In God's perfect timing, she knew her true love will come.
Sa ngayon she was focused on her schooling. She was on her second year now as a medical student at ilang taon pa ang bubunuin niya para maging ganap na doctor at kakayanin niya iyon. Ipinangako niya sa libingan ng ina na magiging doctor siya balang araw at tutuparin niya iyon. Isa pa kailangan niyang tuparin iyon dahil gusto niyang alagaan ang kanyang daddy lalo na at tumatanda na rin naman ito.
"Hindi mo ako pagbabawalan pero lagi ka lang nakabantay," tukso niya sa ama na ikinatawa nito."Magiging doctor muna ako, Daddy. Tsaka na lang 'yang boyfriend-boyfriend. Promise kapag meron na ikaw ang una-una kong pagsasabihan."
"That's a promise?" tanong ng kanyang ama.
"Yes, Dad. Tara na, Dad. Baka ma-late pa tayo," tawag niya sa ama dahil baka hindi na matapos ang bolahan nilang dalawa. She was happy for her father now, but she wondered kung may balak pa itong magka-lovelife.
Kung magkaroon man ito ay hindi naman niya ito tututulan. She would like her father to have someone he can share his thoughts, love aside from her. Matanda na rin naman ito kaya kailangan na rin nito ang mag-aalaga at magmamahal sa kanya bukod sa kanya. Iba pa rin naman kasi ang pagmamahal ng isang lalaki sa babae. Para namang alam niya. But nevertheless, she wanted her father to be happy.
Pagkatapos ng mahabang bolahan ay nakarating na rin sila sa venue ng party. As usual, hindi na naman niya na-enjoy ito. Since she was a child, attending a party wasn't really for her. Noong bata pa lamang siya at nabubuhay pa ang ina, ay hindi na niya ito nakahiligan. Madalas ay nasa table lamang siya at pinapanood ang mga tao sa party. Mabuti na lamang at may dala siyang cellphone na maraming lamang movies o kaya libro na pinagkakaabalahan niya. But most of the time, she would just stay at home. Mas gusto na lamang niyang matulog o kaya ay manood ng pelikula keysa sa mapuyat sa party.
She doesn't want to mingle, too dahil alam naman niyang lahat ng taong naroroon ay may motibo, for business. Aside from that, ayaw niyang makipagplastikan sa mga mayayaman at maaarteng tao na naroon. So, since her mother was gone, she rarely goes with her father. Mas madalang pa keysa sa patak ng ulan ang pagsama niya at kung sumama man siya ay naroon lamang siya sa mesa nila hanggang sa matapos ang party o hanggang sa umuwi sila ng ama. Lately, ang garden ng venue ang madalas niyang tambayan.
"Is this your daughter? Oh my God, she's gorgeous," puri sa kanya ng isa sa business partner ng kanyang ama. "Bagay sila ng anak ko," dagdag pa nito na ikinatawa ng kanyang ama. Ito ba ang motibo ng daddy niya kaya siya pilit na isinama?
"Padre, bata pa ‘yang anak ko. And an arrange marriage wasn't for her. Siguradong isusumpa ako ng batang iyan kapag ginawa ko iyon," sagot naman ng kanyang ama. She was impressed. Love na love talaga siya ng daddy niya.
"Well, mapag-uusapan ‘yan," makahulugang wika nito sa kanyang ama.
Her father took her to their seat at kagaya nang nakagawian ay nandoon lamang siya, tahimik na nagmamasid sa nagaganap habang ang kanyang ama naman ay busy sa pakikipag-usap sa iba pang mga bisita. Hindi naman siya inistorbo ng ama na ipinagpasalamat niya. She just busied herself with the delicious food and the drinks.
"Ma'am?!" tawag ng isang waiter sa kanya at may inilapag na inumin.
Nagtatanong ang mga matang napatingin siya rito dahil hindi naman siya siya kumuha o nag-order. Kaya ipinagtataka talaga niya ang pagbigay nito sa kanya ng inumin. Baka sabihin ng mga ito na napakatakaw niya.
"Ubos na kasi ‘yang inumin niyo, Ma'am," wika nito at may inilagay pang pagkain sa harapan niya.
"Oh! Thank you!" nakangiting wika niya at inabot ang kopita na naglalaman ng four seasons flavored juice pagkatapos ay uminom. She doesn't take alcohol when she's with her father baka kasi kapag nalasing siya, maeskandalo ang ama niya. Nakakahiya. Iginagalang pa naman talaga ang daddy niya at kapag nalasing siya at kung ano-ano ang magawa madudungisan ang pangalan ng ama.
Wala na ang waiter na nagbigay sa kanya ng inumin when she noticed a piece of paper placed under the glass. Napansin niya ito nang abutin niya ang baso upang uminon sana. Nagtatakang inabot niya ang kapirasong papel, binuklat at binasa.
"The night would shine bright if only you could smile."
That was written on the note. Luminga-linga siya upang tingnan kung sino ang nagpadala ng sulat na iyon ngunit wala naman siyang nakitang kahina-hinalang tao so she eventually ignored it and continued watching at the people busy doing monkey business.
There she noticed her father talking to a woman. Mukhang hindi nagkakalayo ang edad ng mga ito. Her dad maybe broke some jokes which made the woman laughed. A smile broke from her lips as she watched her father having some fun. Pagkatapos ay napansin niyang ibang tao na naman ang kausap nito at ganoon pa rin ang reaksiyon ng kanya ama. Masaya. Nag-e-enjoy.
Muli niyang ibinaling sa ibang direksiyon ang tingin at ng walang bagong makita ay nagdesisyon siyang lisanin ang kinauupuan. Nilapitan niya ang kanyang ama na busy sa pakikipag-usap sa ibang negosyante at nagpaalam na tutungo sa garden ng bahay. Pumayag naman ito at sinabing mag-iingat siya at tawagan kung sakaling magkaroon ng problema. Her father set his phone on vibrate in case tumawag siya. Ganoon din ang ginawa niya pagkatapos ay nagpaalam sa mga ito at tinahak ang daan patungo sa garden. Ganoon naman siya at alam na iyon ng kanyang ama. Her father would fetch her in the garden kapag uuwi na sila.
She felt relieved as she sat on the swing. The quietness of the garden made her feel at ease. This is what she wanted and not the noisy crowded party. She started humming the tune of the song from the party. Though she can still hear, hindi na ito nakakasakit ng tainga at ng ulo. She rested her head on the swing and closed her eyes.
Ilang minuto rin siyang nasa ganoong posisyon nang maramdamang hindi siya nag-iisa sa garden. She automatically opened her eyes and looked around but no one was there. Ipiniksi niya ang ulo. Baka guni-guni lamang niya ito. Pero hindi rin naman malabong magkaroon siya ng kasama dahil party ang pinuntahan nila at maraming tao. Malay ba niya kung mayroon ding kagaya niya na napilitan lang dumalo. She went back closing her eyes but she was now uncomfortable. Her guts was telling her someone was really watching her and that made her uneasy.
So, she fished her phone from her handbag and looked at the time. It was 12:05 am. Kaya pala, baka may maligno lang sa garden o kaya may nuno sa punso na nagmamasid sa kanya. Mabuti na rin iyon para may kasama siya. With that, she calmed herself. Hindi naman siya matatakutin sa multo because she doesn't believe ghost could harm. She believed humans do. She scanned her phone and looked for the Kdrama she was watching. Mas mabuting manood na lamang siya at baka may matutunan pa siya.
As of the moment she was watching the Kdrama with doctors as the characters. It was a story that talks about medical school and practices which was related to her course. Kaya naman na-hook talaga siya rito. Aside from that, the protagonist was really awesome and amazing. Well opinion niya lang naman iyon but she dreamt to be like that in the future. Kung hindi man ganoon kagaling, just close to it, okay na siya.
She plugged in her earpiece and she was engulped in the world of the series. Hindi na niya namalayan ang oras maging ang paligid niya dahil naka-focus na ang attention niya sa pinapanood. Napukaw lamang ang kanyang diwa sa realidad nang lapitan siya ng ama at yayain nang umuwi.
Pero bago nila tuluyang lisanin ang lugar ay muling bumalik ang ama sa party at nagpaalam. He was now talking to a couple so she guessed they were the hosts of the party. Masayang namaalam ang kanyang ama sa dalawa pagkatapos ay umalis na sila roon.
Leaving the party, she felt uneasy again as if someone was watching her again just like when she was at the garden so she looked back hoping she could see who it was.
"May nakalimutan ka?" tanong sa kanya ng ama.
"Wala, Dad." She smiled then headed to the car.
She took one last glanced at the party venue and unexpectedly she found someone's silhouette at the balcony of the mansion, maybe watching them, as they rode away from there.