"Mi decisión es final, Bryan!" malakas na sigaw sa kanya ng kanyang ama. (My decision is final Bryan!)
Anger rose from him when he heard those words from his father. Hindi niya lubos maintindihan ang nais ng ama sa kanya. For heaven's sake, he's already twenty years old with a college degree yet parang bata pa rin siyang ituring ng ama. Nasasakal na siya, nagsasawa na siya sa pangingialam nito maging ang pagbabawal nitong pumunta siya sa mga kaibigan.
"No puedes hacerme esto, Papá! May sarili na akong buhay, ano pa ba ang gusto mong gawin ko?" ganting-sigaw niya sa ama. (You can't do this to me, Papa!)
"Sariling buhay ba ang tingin mo sa paglalakwatsa mo, paglulustay mo ng pera ko, ‘yang kawalan mo ng trabaho? Damn it, Bryan! Gamitin mo iyang pinag-aralan mo!" litanya na naman ng kanyang ama. "Halos araw-araw kang laman ng club at bar kasama ang ibat-ibang babae. Cuando vas a ser responsable?” (When are you going to be responsible?)
"Solo quiero un descanso!" sagot niya rito. (I just want to take a break!)
His father slammed his fists on the table. "I already gave you a break pero ano ang ginawa mo?" Parang kulog ang boses ng ama sa galit. "Sugal, alak, babae! It's not even your money! So whether you like it or not, you will go there. I already arranged your stay. So go and pack your things. Hinihintay ka na ni Sebastian. No pruebes mi paciencia contig, Bryan. Puedo repudiarlo. Ni piso wala kang mamanahin sa akin," banta sa kanya ng ama. (Don't try my patience with you, Bryan. I can disown you.)
Balewalang nilisan niya ang ama at ipinagwalang bahala ang sinasabi nito. Disown him? Nag-iisa siyang anak, so kanino nito ipapamana ang mga ari-arian nila? Ngunit hindi pa niya naisasara ang pinto ng study ay naghihintay na ang kanyang ina sa labas.
"Mama, don't." He closed the door and started walking towards his room. His mother was following him.
"Hijo, sundin mo na lang ang Papa mo. It's for your own good," pakiusap ng ina niya sa kanya.
"Mama, I-"
"I'll talk to the manager. Ako na ang bahala sa kanya. Just go para hindi na magalit ang Papa mo. And besides, mag-e-enjoy ka roon," wika nito sa kanya. Napailin na lamang siya sa sinasabi ng ina.
How can he possibly enjoy his stay there? Sa probinsiya? He was wondering kung may bar ba roon, club, o casino? Life in the rural areas was boring. He's a city boy, for goodness sake!
"I already packed your things. Kinuha na ni Sebastian. Don't try to trick your father, hijo. El tiene ojos y oídos sobre ti." bilin sa kanya ng ina. (He has eyes and ears on you.)
So wala na talaga siyang magagawa. Maging ang ina niya ay sumang-ayon na rin sa kanyang ama. His freedom was snapped in an instant. Padabog na naupo siya sa panan ng kama, hands on his head trying to think how to get away from this predicament. Pero makakaya ba niyang itakwil ng ama? Makakaya ba niyang wala siyang manahin? He lived in luxury since he was born and just because he was having fun for a short period of time, mawawala na kaagad iyon, at hindi siya papayag.
His mother will back him up so why not do what his father say and have fun at the same time. He headed out and went to see Sebastian, his father's trusted secretary, who had been working for almost two decades. Sebastian was waiting for him in the car. Nang makita siya nito ay agad nitong binuhay ang sasakyan, kaagad naman siyang lumulan dito. And there he saw his father in the balcony together with his mother waiting for him to depart from their mansion.
Binaybay nila ang daan patungo sa probinsiya ngunit labis niyang ipinagtaka ang paghinto nila sa terminal ng bus. Sebastian went out of the car and removed his luggage from the tank of the car. Ibinababa nito iyon and ordered him to come out of the car at the same time.
"Magkita na lamang tayo na lang tayo sa hotel, Bryan," wika nito sa kanya na labis niyang ipinagtaka lalo na't walang sir ang pagtawag nito sa kanya.
"What do you mean magkita sa hotel?" kunot-noong tanong niya rito.
"You will commute." Iyon lamang at mabilis na itong lumulan ng sasakyan at pinaandar paalis.
"What the f**k!?" hindi makapaniwalang sambit niya habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. Paano ngayon siya pupunta ng probinsiya? Obvious ba? Ride a bus. His mind was battling himself.
Naiinis na pumila siya sa ticket booth. Sakto naman dahil mayroon nang paalis na bus patungong La Union. Ilang oras lang naman ang biyahe mula Maynila patungo roon. Ngunit nais na ata niyang magback-out na lamang habang nakatingin sa sasakyang bus.
He stepped in on the bus, an ordinary one. Mukhang ilang pirmi na lamang ng kalawang ay siguradong makakatay na ang naturang bus. Wala siyang mapagpipilian dahil iyon lamang ang bakante. If he wanted to ride on a decent one ay kailangan pa niyang pumunta sa ibang terminal but too bad, dito sa naturang terminal na ito siya ibinagsak ni Sebastian. Mukhang pinagplanuhan talaga nito kasama ng ama.
The bus was too crowded. On the ride side, it was three-seater and on the left side, two- seater pero puno na roon kaya naman no choice na roon siya sa pang-tatlohang upuan. Sinipat niya kung saan ang bakanteng upuan, it was almost at the end. Dahan-dahan ang paghakbang niya dahil ayaw niyang masagi ang mga pasahero. Nang makarating doon ay maingat niyang inilagay sa compartment ang maleta ngunit dahil sa laki nito ay hindi magkasya.
"Boss, sa ibaba na lang ‘yan!" sigaw sa kanya ng konduktor at kinuha nito ang maleta niya.
Nakukunsuming naupo siya sa bakanteng upuan and to his dismay, tanging ang isang pisngi ng puwet na lamang niya ang nakaupo dahil sa liit ng upuan. He wondered why it was meant for three gayong dapat ay pang-isahan na lamang ito. Mas lalo pang nadagdagan ang pagkadismaya niya dahil sa init ng paligid. Halos maligo na siya sa pawis lalo na't sira pa ang bintana sa kanilang pwesto. Pagminalas ka nga naman, nilulubos-lubos pa.
He felt relieved when the bus started to move. At least may kaunti ng hangin na pumapasok sa loob niya. He wiped his sweaty oily face. Hindi talaga siya komportable but he has no other choice.
Tiniis niya ang halos apat na oras na biyahe. Ilang siko na rin ang natikman niya simula nang tumakbo ang bus dahil na rin sa liit ng espasyo sa gitna ng bus na dinaraanan ng mga pasahero. Kung siya ang mag-iinspeksiyon sa bus na ito ay hindi niya ito ipapasa. Nunca niya itong ipapatakbo sa lansangan.
After the ride on a bus, kailangan pa niyang sumakay ng tricyle papunta sa hotel. Mabuti na lamang at mas komportable na ito kompara sa bus na sinakyan niya. He arrived at the hotel na hindi na yata niya kilala ang sarili. He was sweaty, magulo ang buhok at super haggard ang itsura dahil sa alikabok at usok.
Sebastian was waiting for him in the waiting area. Kampante itong nakaupo at nakadekwatro pa habang hinihintay siya. Nang makita siyang bumaba ng tricycle ay agad siya nitong sinalubong.
"You pay," utos niya rito at tumalima naman ito at nag-abot ng bayad sa tricycle driver. Pagkatapos ay ibinaba nito ang kanyang maleta.
"Mukhang nag-enjoy ka sa biyahe, Bryan," komento nito sa kanya na ikinasimangot niya at ikinakulo ng dugo.
"Enjoy? Sa tingin mo nag-enjoy ako? Look at me now!" Itinuro niya ang basang damit, ang buhok at ang mukha to give emphasis na hindi siya nag-ejoy sa byahe, sa ginawa ng mga ito sa kanya.
"Wala namang nagbago sa itsura mo," balewalang komento nito sa kanya pagkatapos ay nagsimula nang maglakad papasok ng hotel.
"My luggage!" he shouted pero tiningnan lamang siya nito.
Padabog na hinila niya ang maleta at sinundan ito. Sebastian guided him to his room. Disappointed once again dahil sa nakita niyang itsura ng kanyang kwarto. It was a small room. No aircon, no tv, no ref, no other furnitures nor appliances aside from a single bed and a small closet. He disappointely glared at Sebastian ngunit dedma pa rin ito sa reactions niya.
"You'll stay here as Don Armando instructed," wika nito sa kanya. "I will give an hour to rest then meet me at the lobby."
"An hour?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.
"Yes, an hour," maikling sagot nito.
"Hindi biro ang nangyari sa akin sa biyahe and you'll give an hour? Aren't you too much about it?" protesta niya. "Pagpahingahin niyo naman ako ng isang araw."
"I'm just following orders from your father, Bryan," he said then went out of the room.
Iniikot niya ang mata sa loob ng kwarto and found another door. He stood up and he was relieved because it was the bathroom. Mukhang bagong linis pa ito rather bagong gawa dahil halatang hindi pa ito nagagamit. With that, at least they gave him a little consideration. Walang sabing pumasok siya ng banyo at sinimulang linisin ang sarili.
Saktong isang oras ang lumipas ng katukin siya ni Sebastian. Iginiya siya nito sa kusina ng hotel at sinamahang kumain. Pagkatapos ay ipinakilala siya nito sa manager.
"This is Miss Diaz. She's the manager of this hotel at siya na ang bahala sa iyo," imporma sa kanya ni Sebastian. Humarap ito sa manager. "Take charge." Na ikinatango naman ng huli.
"May mga guest na dumating, asikasuhin mo sila patungo sa mga kwarto nila." Agad-agad na utos nito sa kanya at ibinigay ang ilang pares ng uniporme na ginagamit ng mga ordinaryong staff ng hotel.
Hindi niya ito tinanggap. "I thought I am here to learn how to manage the hotel?"
"Yes, Bryan. You are. And you will start from the bottom," Miss Diaz informed him na labis na ikinagulat niya.
He was expecting, he will work here as manager, and not lower than that position. "No!" protesta niya. "No, no! Akala ko ba kinausap ka ni Mama?!"
"Yes, we did."
"Then why?" galit na tanong niya.
"It was the chairman's order. Your mother asked for a nice accommodation, and we did. Nakita mo naman siguro," Miss Diaz answered. He can see her as a strict manager na kung magkamali ka lamang ay baka masesante ka na.
"I can't belive it!" bulalas niya rito.
"You can call them." Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at ibinigay sa kanya.
And to his dismay once again, nagsasabi nga ito ng totoo. Nais niyang ibato ang cellphone na hawak ngunit hindi naman niya ito pagmamay-ari. Matapos ibalik ay inutusan na siya nitong pumunta sa lobby upang salubungin ang mga paparating na guest. He was also paired with someone na babantay sa mga galaw niya.
"Bryan?!" tawag sa kanya ni Sebastian. Inilahad nito ang palad sa harap niya.
"What?" sikmat niya rito.
"Phone and wallet."
He closed his eyes with frustration. Sinabi nga pala ng ama na i-co-confiscate nito ang wallet at cellphone niya. He will live as an ordinary staff and looking merely at his phone, people will doubt him kung bellboy lamang ba siya. Halos ayaw niyang bitawan ang hawak ngunit pilit itong kinuha ni Sebastian mula sa kanya.
Inabutan siya nito ng isang libo. "Your allowance until payday."
"It's not enough," reklamo niya rito.
"Pagkasyahin mo," wika nito at nilayasan niya. Iniwan siya nito kasama si Miss Diaz at ang isang staff na babantay sa kanya.
"Mario, ikaw na ang bahala sa kanya," bilin ni Miss Diaz.
So Mario pala ang pangalan nito. Super Mario dahil sa laki ng katawan nito. He was fat and tall. Para itong bouncer ng club. Konti na lamang at papasa na itong sumo wrestler.
"Tara na," yaya nito sa kanya.
Kahit gustong-gusto niyang takbuhan ito at pumunta ng kwarto para magpahinga ay hindi niya magawa. Why? Because he only has a thousand piso bill on his pocket. No work, no pay. Even his meal was not for free. He really needed to work his ass out if he wanted to survive.
Dagsa ang turistang paparating and this was his eighth time to deliver their luggage on their rooms. Pagod na pagod na siya. Gusto na niyang magpahinga ngunit hindi pa raw tapos ang duty niya. Ilang oras pa ang dapat niyang bunuin.
He went to the kitchen to asked for bottled water. Maging ang nakaboteng tubig ay may bayad rin kaya naman napilitan siyang kumuha ng baso at kumuha ng tubig mula sa dispenser. Nakakaisang baso pa lamang siya ng dumating si Miss Diaz sa kusina.
"Kanina pa kita hinahanap," bungad nito sa kanya. "Kulang kami ng isang waiter kaya sumama ka na sa catering," wika nito sa kanya at pinasunod siya.
It was a party of some businessmen in the province. Nais niyang umalis doon ngunit hindi niya magawa dahil nakabantay si Mario sa kanya. He just stayed in the corner dahil sa sobrang pagod at hinayaan naman siya ng mga kasamahan. Mukhang nabilin ang mga ito na bigyan siya ng pahinga.
Lumipas ang oras and they were all busy because of the party. Hindi na siya nakaligtas sa pagiging waiter dahil na rin sa ilang oras na pinagpahinga siya. He was really a waiter now. Kanina bell boy. Tagahatid ng pagkain at inumin ng mga mayayamang tao sa lugar. Wala naman siyang reklamo sa ginagawa kahit sa loob-loob niya ay nais na niyang umalis sa lugar at magpahinga, matulog.
Until a beautiful face caught his attention. Too beautiful that he can't take his eyes off her hanggang sa lisanin nito ang party.