Naging successful naman ang operasyon ni Emman. Sa mga panahong iyon ay pinili kong manatili sa tabi ni Esperanza dahil alam kong naroon ang pangamba niya. Sinamahan ko siya dahil kasalukuyan ring nagpapagaling si Ben sa mga tinamo nitong sugat ng tinangkang manlaban sa mga tauhan ni Mr. Chu noong gabing dukutin sila ng mga ito. Ako na rin muna ang nag-asikaso sa kanilang mag-ina. Ewan ko ba kung anong klaseng mahika mayroon itong Esperanza para maging ganito ako kapursigido sa kanya. Naki-usap na rin ako sa trabaho na magle-leave muna kahit 2 weeks. Plano ko pa ring kausapin si Kuya at yayain muna sa probinsiya namin sina Esperanza upang doon ay tuluyan silang mailayo sa nakaamba pang panganib dito sa Maynila. "P-pero, narito sa Maynila ang trabaho ko, Zyair. Gustuhin ko man e alam mo n