CHAPTER 30

1183 Words

-ESPERANZA- Maayos at maganda ang bahay na hinintuan ng taxi'ng sinasakyan namin. Totoong namangha ako. Bungalow type na napapalibutan ng bermuda grass ang bakuran, may mga halaman ring namumulaklak sa paligid. Ganitong-ganito ang dream house ko kaya naman sandali akong napapikit upang punuin ng sariwa at mabangong hangin ang dibdib ko. "Mama, mama, dito na ba tayo titira?" Masayang tanong ni Emman sa akin habang iginagala din ang paningin sa paligid. "Oo, anak. Dito muna tayo sa ngayon." "Wow, ang ganda-ganda po dito pati na yung bahay natin. Parang hindi na siya mainit sa loob, Mama." Excited na wika niya pa saka marahang tumakbo patungong pintuan. Mainit kasi tuwing tanghali doon sa bahay na inuupahan namin sa tagaytay. Kaagad namang sumunod sa kanya si Ben at binuksan iyon. Mangha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD