-Geraldine POV- Ang totoo ayoko talagang pumunta ng Estados Unidos pero kailangan dahil iyon ang nais ni Tita Thalia. Sino ba naman ako para tumanggi sa mga taong kumupkop sa akin? Kasalukuyan inayos ko ang ilang damit sa luggage na ibinigay sa akin ni Tita Thalia. Pero bago kami umalis ng Pilipinas may welcome party muna para sa akin na siyang desisyon ni Tita Thalia para naman daw makilala ako ng ibang mga Lucchese bilang miyembro ng pamilya. "Pero ayokong baguhin ang pangalan ko," ani ko sa sarili. Pagdakay hindi sinasadyang narinig ko ang pamilyar na pagtikhim ni Tita Thalia. "Kung 'yan ang gusto mo ay hindi kita pipilitin, hija." Awtomatikong nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang nakangiting mukha ni Tita Thalia. "Tita..." Nasambit ko na lamang, ni hindi ko alam kung anong s