-Dante POV- "Hop in," utos ko kay Geraldine. Agad naman itong tumalima at pumasok sa may front seat. I'm surprised at marunong na itong magkabit ng seat belt. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagiging tense nito kapag kasama ko ito. "Do I look like a monster?" "Hindi naman sadyang natatakot lang ako kapag nagsusuplado ka k—kuya," sagot nito na medyo nauutal pa. Mapapansin sa bawat kilos nito na tila may pag-iingat wari bang takot itong magkamali sa harapan ko. Bibiyahe kami patungo sa puntod daw ng babaeng kinikilala nitong ina. Napasulyap ako sa front view mirror at napansin ko ang tila lungkot na bumabalot sa anyo nito. "Tunay mong ina si Aling Farrah?" Basàg ko sa katahimikang namumuo sa amin. Kahit na sabihing alam ko namang hindi niya itong tunay na ina. "Siya ang nag-