-DANTE POV-
"REALLY, Dad?" Kunot-noong tanong ko sa aking ama.
"C'mon, naawa lang kami ng Mommy mo don sa bata."
"What? You're so unbelievable, Dad." Napahilot ako sa sariling sentido.
"Relax, Dante. Geraldine is a good girl and your mom like her. She's fond of her, ayaw mo bang maging masaya ang Mommy mo?"
"Hindi naman sa gano'n pero bakit dinampot niyo pa ang batang babae na 'yon? Hindi natin alam baka pagnakawan tayo niya'n. Alam niyo naman siguro ang ugali ng mga batang kalye. Hindi niyo ba naisip 'yon?"
"Dante, Dante, Dante. You know what son, alisin mo ang ugaling 'yan. Mapagduda ka masyado, hindi sa kung saan lang namin dinampot si Geraldine. Siya ang nagligtas sa Mommy mo sa muntik na kapahamakan."
Palibhasay uhaw ang aking ina na magkaroon ako ng kapatid na babae kaya lang hindi ito nabiyaan.
"Where's Mom?"
"With your step-sister, Geraldine?"
"What?!" Gulat kong sabi.
"Yes, dahil iyon ang nais ng iyong ina ang ampunin si Geraldine since naawa siya sa bata."
"For pete's sake, Dad, at sumang-ayon ka naman?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Mas lalo akong nakaramdam ng matinding frustration.
"Dàmn it, Dante. Minamaliit mo ba ako?" Inis na tanong ng aking ama. Kaya tumahimik na lamang ako, I know my limit, kaya it's time for me to keep my temper down.
Fúck!
Nagpakawala na lamang ako ng isang marahas na buntong-hininga. "I'm sorry Dad. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko."
"Pwes, umayos ka! Mamaya pupunta rito ang Mommy with Geraldine at nais niyang ipasyal dito ang bata, kaya ayusin mo iyang ugali mo, Dante." Inis na sagot ni Dad at galit na tinalikuran ako nito.
Nasundan ko na lamang ito ng tingin palabas ng aking opisina. Napahilot akong muli sa aking sentido. Ewan ko ba, sumasakit ang ulo ko sa isiping may kahati ako sa atensyon ng aking mga magulang at pati sa manang para lamang sana sa akin.
Narinig ko ang katok mula sa aking pinto. "Come in."
Bumukas iyon at iniluwa ang aking sekretarya. "Sir, magsisimula na po ang meeting niyo with the board."
"Sabihin pupunta na ako," sagot ko.
"Y—Yes, sir."
Mula sa aking swivel chair ay tumayo ako at lumabas ng opisina. Tinungo ko kaagad ang conference room. Pagdakay nang makarating sa naturang conference ay pumasok na ako sa loob, lahat ng tingin ay nasa akin at tinungo ko ang aking swivel chair at naupo.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "As we begin, I encourage each of you to share your thoughts and ideas openly. Your perspectives are important in shaping our decisions and strategies."
Napansin kong nagtaas ng kamay si Mr. Co kaya tumango ako rito. "Yes, Mr. Co?"
"I have an idea for a new feature that could enhance our product's usability and appeal to a wider audience. It involves incorporating interactive elements to improve user engagement."
"You mean, innovative product features?" turan ko.
"Yes, Mr. Lucchese."
Napatango ako sa suggestion nito. "Better, anyone?"
"How about, I believe we should explore entering new markets to diversify our customer base. Targeting emerging markets or expanding our reach through strategic partnerships could drive growth," suggestions naman ni Mr. Gomez.
"Market expansion strategies?" ani ko.
"Yes, Mr. Lucchese."
"I see," sagot ko at napasulyap sa aking sekretarya. "Do you take down all their suggestions?" tanong ko rito.
"Yes, sir."
"Mr, Lucchese how about ways to streamline our internal processes to increase efficiency. Implementing automation tools or refining our workflow could help us save time and resources, and focusing on enhancing our customer experience by personalizing our services. Implementing a loyalty program or improving our customer support channels could boost satisfaction," suhestiyon ni Mr. Lim.
"You mean, efficiency improvements and customer experience enhancements?" tanong ko rito.
"Yes, Mr. Lucchese."
"Alright, we should take note of it. Any more suggestions?" tanong ko pa.
"I propose integrating sustainable practices into our operations to reduce our environmental impact. Implementing eco-friendly packaging or adopting renewable energy sources could align with our values," hirit naman ni Mr. Solis.
Tumango lang ako rito. "Sustainability and Initiatives. And I also suggest employee development programs, I think investing in employee development programs could boost morale and productivity. Offering training opportunities, mentorship programs, or wellness initiatives could benefit our team. Plus, digital marketing strategies,
I have ideas for optimizing our digital marketing strategies to reach a wider audience. Utilizing social media influencers, creating engaging content, or exploring new advertising platforms could drive engagement."
Pansin kong na impressed sa suhestiyon ko ang ilang board of directors. Narinig ko ang ilang palakpakan ng mga ito.
"So, any more suggestions?" tanong ko. Nang wala ng magtanong ay agad kong tinapos ang naturang meeting.
"I appreciate everyone's valuable input and collaboration in shaping our decisions. As we move forward, please remember your action items and deadlines. If you have any questions or need clarification, feel free to reach out to me or the team. Thank you all for your dedication and commitment to our shared goals. Let's continue to work together towards success. Have a wonderful day, and I look forward to our next meeting."
Kahit masakit ang ulo ko dahil na stress akong bigla sa tingin ko'y salot ng pamilya na idaragdag ng aking magulang ay mas pinili kong maging kalmado.
"Honey!" Narinig ko ang pamilyar na boses ni Karina.
"Hon, hindi ka man lamang tumawag na pupunta ka rito?" tanong ko rito kahit na nga sabihing nawalan na ako ng gana rito, kumbaga sawa na ako rito.
Nakangiting lumapit ito sa akin. Aaminin kong Karina didn't satisfy my needs as a man, para bang may kulang at tila parang may hinahanap ako.
"Ayokong ma-istorbo ang meeting mo with the boards. So, hinintay ko na lang hanggang matapos ka. Wala ka bang naalala?" tanong nito sa akin.
"What?" Nakangiting tanong ko rito. Napanguso ito sa sagot ko at inis na tinalikuran ako.
"Hmm, wala talaga akong maalala. I'm so sorry, my mind is occupied with a lot of things to do. Alam mo namang busy na tao ang boyfriend mo, right?"
"Yeah, forgiven. Pero...wala ka ba talagang naalala? Palagi mo nalang nakakalimutan ang anniversary natin." Batid ko ang himig pagtatampo sa boses nito.
"Dàmn, I'm so sorry, honey. Don't worry, babawi ako sa'yo. So, saan mo gustong mamasyal tayo?"
Mayamaya ay humarap sa akin si Karina at ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. "Ikaw na ang bahala, nakakahiya naman kung magdemand pa ako," sabi nito.
Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang pumasok sina Mommy kasama ang isang tila dalagita na babae.
"Hijo. Hi, Karina!" Si Mommy.
"Mom, who is she?" Inis kong tanong.
"Hmm, I'd like you to meet Geraldine. Alam mo bang muntik na akong madisgrasya? Kung hindi dahil sa dalagitang ito ay malamang pàtày na ako ngayon, hijo. Ipinasyal ko lang naman si Geraldine rito."
"Mom, really? Nang gano'n kabilis?" Hindi ko maiwasang naging sarkasmo ang aking boses.
"Hey, umayos ka nga. Baka nakalimutan mong ina mo ang kausap mo, hon?" Pasimpleng bulong ni Karina sa aking punong-tenga.
Napahilot akong muli sa sariling sentido. Inis na pinukol ko ang dalagita ng isang matalim na tingin. Napayuko ito nang salubungin nito ang aking titig.
"C'mon, hon. Pati ba naman bata pinag-supladuhan mo?" Bulong ulit sa akin ng girlfriend kong si Karina.
"Fúck, I hate that girl. Kailangan siyang ibalik nina Mommy sa kung saan siya nanggaling. Dagdag sakit sa ulo ko pa 'yan kung sakali." Inis kong sagot kay Karina sa mahina paring boses.
"May problema ba, hijo?" takang-tanong ni Mommy sa akin.
"Nothing, Mom." Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga.
Naramdaman ko ang masuyong paghagod ni Karina sa aking likuran. Ni hindi ko tinapunan ulit ng tingin ang dalagitang kasama ni Mommy.
"Geraldine, meet your Kuya Dante. Hijo, matatawag na step-sister mo itong si Gera since balak kong kupkupin siya. Naawa nga ako sa batang ito dahil palabuy-laboy lang sa kalye, alam mo bang mag-isa na lamang siya sa buhay?"
Ayokong maging bastos sa harapan ng aking ina kaya minabuti ko na lamang na makipagplastikan sa dalagitang kasama nito. Pero alam kong batid nitong hindi ko ito gustong pumasok sa pamilyang meron ako.
"And I'm plan to set a party para ipakilala siya sa buong-angkan. Geraldine is our princess at ayokong ma out of place siya sa circle ng pamilyang meron tayo."
Pinilit kong ngumiti para lamang pagbigyan ang sariling ina. "Ikaw ang bahala, Mom."
"Thank you, hijo. Paano aalis na kami at mukhang na istorbo namin ng kapatid mo ang sweetness ninyong dalawa ni Karina. I want to give Gera a tour her in our company since tulad mo ay papasok siya rito, 'yan ay kung nais nito." Nakangiting sabi ni Mommy sabay sulyap sa dalagitang kasama nito.
"What?!" Hindi ko napigilang isambitla. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Karina sa aking kabilang braso.
"Yes, hijo. You've heard it, right?" Mababakas sa mukha ng aking ina ang kasiyahan.
Fúck, akala ba ng dalagitang kasama nito ay papayag ako. I won't let that happen.
"Sumabay ka na lang," mahinang bulong ni Karina sa aking punong-tenga.
Umigting ang aking mga panga sa narinig mula kay Mommy. Mabuti na lamang at nasa tabi ko ang aking girlfriend, dahil kung hindi ay kanina pa ako nakipagtalo sa aking ina patungkol sa kasama nitong dalagita.
Hanggang sa nagpasyang magpaalam ang aking ina. Nang tuluyan na itong makalabas ng conference room hindi ko napigilang sipain ang isang swivel chair dahil sa matinding inis.
"What the héll, Dante!" Gulat na sabi ng aking girlfriend na si Karina. Hindi nito inaasahan ang gagawin ko.
"Fúck that silly girl!" Inis kong tugon.
"For pete's sake, she's a little girl, Dante. Hindi ka ba naawa kay Geraldine?"
"Shut up, Karina. Alam mong ako ang taong hindi basta-basta agad nagtitiwala. I need to hire a private investigator para alamin kung tunay ba ang sinasabi ng dalagitang iyon sa mga magulang ko."
"That's too much, Dante."
"I don't care, importante sa akin ang pinagpaguran ng aking mga magulang tapos bigla na lamang may bagong miyembro ng pamilya na hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling? What if kasamahan iyan ng mga sindikato?"
"Gosh, Dante. Ganyan ba kahangal ang tingin mo sa mga magulang mo? Siguro naman naisip nila iyon bago nila pinapasok sa buhay nila si Geraldine."
"I'm hoping na gano'n nga ang nangyari, but I know my Mom. Kahit sino na lang ay tinutulungan at walang pakialam kung nauuto na ba siya o hindi ng mga taong mapagsamantala."
"Hindi mo masisisi si Tita Thalia lalo na at alam naman nating dati na niyang gustong magkaroon ng isang anak na babae, and I think nakita niya iyon sa dalagitang si Geraldine."
Ang totoo nawalan ako ng gana para sa anniversary na dapat sanay i-celebrate namin ni Karina. Sinira ng Geraldine na iyon ang aking mood.
"Tuloy pa ba tayo since mukhang sirang-sira na ang mood mo?" Untag sa akin ni Karina.
Napasulyap ako rito. Masasabi kong kilala na nga ako nito. Pero sa totoo lang, hindi ko ma-figure out na si Karina na talaga ang magiging future wife ko in the future. Lalo na at naghahanap pa rin ako ng ibang babae para lang ma satisfy ako bilang lalaki sa pleasure na nais kong maramdaman sa tuwing inaatake ako ng kalib0gan.
Mayamaya ay narinig ko ang marahas nitong buntong-hininga. "By the way, is it true na nakita ka raw nina Rhea at Olive na pumasok sa isang motel kahapon with other woman. You know that I trusted you, Dante."
"Kung maniniwala ka sa kanila hindi ko na iyon problema. Ipakita mo muna sa akin ang ilang ebedinsya nila kung talagang ako nga ang nakita nila kahapon," simpleng sagot ko.
"Dante, alam kong totoo. Mahal kita kaya handa akong magpakatanga para sa'yo. Pero kung nais mong makipag-sēx bakit hindi ako ang pinagsabihan mo para naman magawa natin ang nais mo?"
Hindi nakaligtas sa akin ang garalgal na boses ng aking girlfriend. "Alam mong gusto ko ng makipag-kalas sa'yo pero ayaw mo, then you must face the consequences."
Kitang-kita ko ang sakit sa anyo ni Karina. Well, alam ko namang ginagamit lang naman ako nito para makilala ito ng madla. Lalo na at isa na ngayon itong sikat na modelo. Ako man ay gano'n din dito, ginamit ko lang ito sa pakinabang na makapag-benefits din naman ako.
"Aalis ba tayo ngayon?" tanong nito sa akin.
"If you want we can go," simpleng sagot ko rito.
Nang biglang tumunog ang cellphone nito. "Excuse me?"
Ipinilig ko ang sariling ulo at iritadong naglakad na palabas ng naturang conference room, iniwan ko ito. Tinungo ko ang aking opisina at pumasok sa loob.
So far kahit bago pa lang akong sabak sa kompanya ay nagampanan ko naman ito ng maayos.