Maaga pa lang panay na tawag ng abuelo ni Terrence sa kan'ya para ipaalala lang sa kan'ya ang kasunduan nila kaya heto sinunggaban niya na ang opurtunidad na makipag meet sa apo ng kasosyo niya sa negosyo na si Mr. Schmidt. Atlis may mapapakita na siya sa lolo niya na nakipag date siya at matutuwa ito pati na rin si Mr. Schmidt.
"Siguro naman maganda siya, dahil hindi naman siya papasang Models kong swangit siya." usal ko habang kinakausap ko ang sarili ko sa salamin. Nag-aayos ako ng buhok ko at panay check kong okay lang ba ang buhok ko. Hindi naman kasi ako mahilig makipag date noon pa man napipilitan lang ako, dahil sa kagustuhan ng lolo ko at ayoko namang sumama ang loob nito sa akin.
Nang makatapos ako sa pag-aayos at nang masiguradong presentable na ako at ma realized na bakit ba ako nag e-effort pa hindi naman ako magtatagal sa date na 'yon. I took a selfie then I will sent it to abuelo's account right away para malaman niyang sinunod ko ang gusto niya.
Ten to fifteen minutes bago ako makarating sa place na sinabi ng secretary ni Mr. Schmidt. Naghanap muna ako ng mapaparking-an bago ako lumabas ng sasakyan sa pag-aakalang naroon na rin ang apo nito.
Habang si Sandra naman ay nahihimbing pa rin s pagtulog nga bulabuhin ng lolo niya ang kwarto niya.
"Sandra, hija. Are you still sleeping??" tanong nito ngunit hindi naman nagsasalita ang kan'yang apo kaya napilitan siyang pabuksan ang pintuan sa maid nila. Hindi palaging sa bahay niya natutulog ang apo kagabi lang at medyo late na kaya hindi na pumayag ang matanda na umuwi pa ito. At isa pa he wanted to make sure na sisiputin nito si Terrence ngayon. Nang mabuksan na ang pintuan ng kwarto ng apo dire diretso nang pumasok ang matanda at gayon na lamang ang inis niya ng makitang tulog na tulog pa ang kan'yang apo gayong tirik na tirik na ang araw.
"S..Sandra, hija, wake-up." uyog niya sa balikat ng apo baka sakaling magising na ito. Kaso, nanatiling tulog pa ito o baka nagtutulog tulugan na lang kaya napasigaw ang matanda na; "Sunog! Sunog! May sunog." diretso sa tainga ng kan'yang apo at si Sandra na nagtutulog tulugan ay napabalikwas ng bangon na lang.
"S...Saan, saan ang sunog Lo?" nakakunot ang noo na tanong niya sa kan'yang lolo.
"W..Walang sunog apo. Mabuti naman ay gising ka na at halika na't nang maihatid na kita sa ka date mo at tiyak kong kanina pa 'yon naroon. Bilisan mo at nakakahiya sa tao na pinaghihintay mo." paalala ng matanda kaya walang nagawa si Sandra kundi tumayo at dumiretso ng comfort room, dahil meron siyang sariling comfort room sa kwarto niya na kapag dito siya natutulog sa bahay ng kan'yang lolo.
(Twenty Minutes Later)
Lumabas na si Sandra ng comfort room na nakabihis na, dahil kilala naman niya ang lolo niya at hindi siya nito titigilan man lang.
"Okay ka na hija?" tanong nito sa apo. Tumango lang siya at nauna na ang matanda na lumabas ng kwarto. Sinukbit na lang niya ang shoulder bag niya sa balikat at kaagad na sumunod sa lolo niya baka pagalitan pa siya.
Nang nasa sasakyan na silang mag-lolo hindi na siya umimik pa at baka ano pang masambit niya na ikasama ng matanda.
Isang oras ng makarating silang dalawa at paalis na sana si Terrence noon ng makasalubong ng matanda.
"Mr. Stuart, I'm really sorry if we are late." wika ng lolo niya at maya maya lang may binulong ang lolo niya sa lalaking nakasuot ng shades at nagtawanan na sila pagkatapos. Hindi na lang niya pinansin ito at lalo lang siyang nabuburyo.
"I...It's okay. Shall we, Mr. Schmidt?" yakag ng lalaki na hindi naman niya makita ang mukha nito gayonh nakasuot ito ng shades pero, tiyak niyang gwapo ito, dahil sa ilong nito na napaka tangos. Mukha ngang may lahi ang lalaki. Nang makapasok na ang dalawa sumunod na lamang siya kahit alam niyang labag sa loob niya ang lahat. Kaso wala siyang magagawa at ayaw niya namang magalit at bigyan ng sama ng loob ang lolo niya at eto na lang talaga ang pamilya niya na kasama niya. Nang nakaupo na ang dalawa siya namang pagdating niya at halos magkulay suka siya sa putla ng makita ang lalaki nang wala na itong suot na shades.. Gusto na lang niya yatang lamunin ng floor ng makilala ito. Siya ang lalaking naka s*x niya. Hindi siya pwedeng magkamali at ito nga 'yon. Pasimple siyang nakaupo sa harapan nito. Sana lang nakalimutan na siya nito kaso hindi siya pinakinggan ng Universe at tila nang aasar pa ang lalaki ng sabihin nito na; "You must be a lonely girl and ag--"
"I don't know what you are talking about." pagpapatigil niya dito sa pagsasalita at baka kong ano pa ang masabi ng lalaki sa harapan ng lolo niya. Wala pa naman itong alam sa mga pinag gagawa niya. Lalo na' ang alam ng lolo niya ay wala pa siyang naging boyfriend sa tanang buhay niya. Totoo naman kasi 'yon, nakipag s*x lang naman siya at isang pagkakamali lang naman ang lahat ng 'yon sa pagitan nilang dalawa.
"Hehehe! Nope, maybe we should to order now. Before, we talk something." dagdag ko pa niya para madivert ang isip nito sa mga sinasabi ng lalaki.
"T..That's good. Lets go, hija?" alok ng lolo niya at ngumiti lang siya dito ng kaunti. Naasiwa kasi siya sa panakaw nakaw na tingin ng Terrence na 'yon sa kan'ya kong hindi siya nakatingin.
Nang dumating ang order nila sinimulan nang kumain ni Sandra para hindi niya mapansin ang lalaki na kausap ng lolo niya na parang close na close na nga sila sa pag-uusap nilang dalawa at nagtatawanan pa. At parang nakalimutan na nga siya ng lolo niya.
"Hmmm! Lo, comfort room lang po ako." paalam ko sabay tayo at excuse sa kanilang dalawa.
Naglakad ako ng mabilis patungong comfort room at hindi pa nga ako nakakapasok ng may humila ng kamay ko.
"Bull--" natigilan ako bigla ng makita kong sino ito at ang pagnakaw niya ng halik sa labi ko.