Fashion Show Night na naman kong saan nanunuod ang lolo ko. Yes, nandito sa Europe ang family ko nag migrate na silang lahat dito at ako lang ang nag paiwan dati sa Pilipinas para kay Drake. Matagal kong naging boyfriend ito at hindi ko magawang iwan. Pero, nang mabigyan ako ng magandang oportunidad na magmodel sa sikat na fashion show ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. I grab it and fly here in Europe. Bumalik lang naman ako at umasa na may babalikan pa ako kaso wala na.
Pagkatapos kong rumampa sinalubong agad ako ng abuelo ko. Nagmano ako dito at kinamusta niya naman ako. Hindi ko alam na nakabalik na pala siya at sinurpresa ako. Siya na lang ang natatanging kamag-anak ko simula ng mamatay ang mga magulang at kapatid ko dalawang taon na ang nakakalipas ng makabalik ako dito. Hindi ko alam kong paano ko pa ipaparamdam na mahal ko sila gayong maliit lang ang binigay na time sa akin. Hindi ko naman pinag hinayangan pa ang nangyari sa akin. Bagkus ginawa ko itong inspirasyon sa lahat lahat.
"Hija, are you free this weekend?" tanong ni abuelo sa akin. Hmm! Nag-isip muna ako bago ko sagutin si Lolo.
"Ahmm! Not really Lo. Why??" balik na tanong ko dito at malakas ang kutob ko na may ipapa blind date na naman siya sa akin. He always set up on me a date or blind date.
"Lo, if you want me to have a boyfriend let me be. Hindi ko pa naman need ang lovelife sa ngayon. I'm enjoying my modeling and I think magkakaproblema lang ako sa modeling once pumasok na naman ako sa relationship." giit ko para tigilan niya na ang paghahanap ng mapapangasawa ko. Nakita kong nagsalubong bigla ang kilay ng lolo ko.
"Hija, this is the last. Pag bigyan muna ako. If another failed, hahayaan na kita." sagot ni lolo. Napabuntong hininga ako ng malalim hanggang sa napa; "Yes lo, this is the last na ha." ulit ko dito at ayoko na talaga nang mga bina blind date niya sa akin.
Yes, hija. Thank you.." sagot ni Lolo.
"Thanks, Lo. Shall we go now?" yakag ko dito at medyo gutom na rin ako at balak ko siyang itreat, dahil may sahod ako ngayon at malaki ang bonus na binigay sa akin ni Madam Ursula, dahil raw magaling ako.
Habang si Terrence naman ay kanina pa kinukulit ng Abuelo niya. Tumawag kasi ito at naglalambing na baka kong pwede daw siyang dumalaw dito at namimiss na niya ang paborito daw niyang apo kaya sumaglit na muna siya dito kaso hindi niya alam na kukulitin na naman siya nito about sa pag-aasawa.
"Apo, good to see you here." ani nito. Nag bless lang ako at naupo sa tabi niya. Nakaupo siya sa wheelchair niya at medyo hirap na rin kasi itong maglakad lakad pa kaya need niya ng wheelchair.
"Lo, what is it all about???" patay malisyang tanong at kunwari wala akong alam.
"Hijo, when do you want to get married? Aba'y lahat na yata ng pinsan mo nag-asawa na, ikaw na lang ang hindi pa. Baka gusto mo i-arrange marriage na kita." ani ni Lolo Julio. Nang marinig ko 'yon agad akong umalma at ayoko ng gusto niya.
"Lo, I don't like your idea. Please! I respected you but this time I can't do it. Sorry, but choosing my wife is my responsibilities not yours." makahulugang sagot ko at ayon naman talaga ang tama hindi niya ako pwedeng diktahan sa pagpili ng mapapangasawa ko and besides 40's is not older. I'm still younger.
"Okay, I'll give you a time to find a wife until next month or else I will arranged you from my cumpadre's grandchild." giit ni Lolo.
"Okay." walang gana kong sagot. Wala rin naman akong choice kapag ginusto niya at isa pa kong aangal pa ako ngayon hahaba lang ang usapan namin at diskusyo sa huli hindi naman din nagpapatalo ito. Ang dahilan niya mas matanda siya sa akin kaya dapat akong gumalang at magpakumbaba sa kan'ya.
Kong may magulang pa sana ako hindi ako madidiktahan ni Lolo ng ganito. Haixt!! Kaya nga ako bumukod dito para hindi niya ako nadidiktahan kaso nag eemote naman kong hindi ako dadalaw sa kan'ya.
"Lo, ang mabuti pa mamasyal na lang tayo. Para nakakalabas labas ka naman. Hindi ka raw naglalabas sabi ng caregiver mo." tanong ko dito. Nginitian niya lang ako sabay sabi na; "Nakakapagod lang lumabas hijo, mas okay na sa akin 'to. Hindi ko naman need mag gagala pa." giit nito.
Kumunot ang noo sabay salubong ng kilay sa narinig ko.
"Hmmm! Lo, hindi lang naman basta bastang gala 'yon. Syempre exercise mo na rin 'yon. Kaya tara na mag Mall tayo." pilit ko dito kaso hindi naman ito pumayag at wala na akong nagawa pa kundi hayaan siya. Lagi naman itong ganon e, tamad maglalabas magaling lang manermon.
"Hindi nga hijo, if you want you can go there. Pero, ako dito lang ako. Go ahead and find your wife a soon as possible or else I will find you urgently." banta pa nito bago ko siya iwan. Hindi ko na siya pinakinggan at useless lang naman ang sasabihin ko at hindi naman rin siya nakikinig sa gusto ko.
Nasa restaurant na ang maglolo at kasalukuyang kumakain ng i-open na naman ng Lolo niya ang tungkol sa blind date nito sa isa raw sa apo ng investors nila.
"Lo, about that maybe next week. May rehearsal pa po ako para sa fashion show. Makakapag hintay naman siguro ang ka date ko." giit ko at ayoko naman kasi na mahassle ako sa rehearsal ko. I want to be professional at all times. Yan pa naman ang asset ko kay Madam Ursula kaya ayokong masira yan bukod sa magaling ako sa pagrampa mas gusto niya ang models na professional.
"Okay, I will set up next week. And I hope to give him a chance hija. He's a good catch." sagot ni Lolo at todo build up pa sa akin ng taong 'yon kong sino man siya. Sana hindi naman siya gurang at nakaka suka talaga baka magmukha pa kaming mag Ama kapag may naka kita sa akin. Mapagkamalan pang sugar Daddy ko eew. Sa tagal ko sa modeling hindi ako nagkaroon ng issue kaya iniiwasan ko yan. Nagpalit nga rin ako name at ginamit ko lang ang screen name kong Patice. Mas kilala na nila akong Patrice at madalas naka suot ako ng maskara na kalahati ng mukha ko, dahil iniiwasan kong may makakilala sa akin. At may kaso pa ako ang sinampang kaso ni Drake sa akin noon.
"Okay, Lo." sagot ko para hindi na niya ako kulitin pa at hindi naman rin niya ako titigilan kong hindi ako pumayag sa gusto niya.
Habang nagkakasayahan ang maglolo siya namang badtrip ni Terrence. "
"Saan naman ako, hahanap ng mapapangasawa. Ayoko namang mang hila ng mga babae sa tabi-tabi dyan." na stressed na ako sa kakaisip.
Napadpad ako sa heaven's bar ni Clarence na kaibigan ko.
"Bro, laki ng problema natin ah. Wait hulaan ko babae na naman yan." pang-aasar niya sa akin.
"Huh?? Tingin mo sa akin, babaero. Kayo lang naman ang maloko sa ating apat. Hwag niyo nga ako madamay damay sa kabaliwan niyo." sita ko dito at sabay lagok ng baso na may lamang alak na hawak ko. Alam kong hindi naman masasagot ng alak ang problema ko.
"Chill. Nandito ka para damayan kita at hindi para awayin ako. Well, lolo mo na naman ano." tanong niya.
"Oo at ganun pa rin gusto niya na akong mag-asawa. The hell I care kong matanda na raw ako at napag-iiwanan ng mga pinasan ko. Hindi pa naman ako matanda sa edad ko." reklamo ko.
"Pag bigyan mo na kasi ang lolo mo bro. Why don't you hired a girl then bayaran mo para magpanggap na fiance' mo. Ang simple ng problema mo pinapasakit mo lang yang ulo mo." wika nito at kong minsan talaga nagagamit rin nito ang utak niya, kaya napa isip ako. Bakit nga hindi ko gawin 'yon.
"Thank you bro. The best ka talaga." wika ko sabay lagok ulit ng alak. At napatingin ako sa malayo. Ngayon alam ko na ang gagawin ko at sisimulan ko na agad mag hired ng fake fiance' at syempre gagawa ako ng contract namin para wala siyang hahabol habulin sa akin at hindi siya makapag demand na kahit ano pa. Napangisi ako sa mga takbo ng isipan ko.