"Sigurado bang okay ka lang? Sinabi ko naman sayo na bumaba na tayo ng jeep at mag taxi nalang ulit papunta sa apartment ko." may pag-aalalang ani ni Joey habang hinahaplos niya ang likuran ni Daxx dahil sa pagsusuka nito. Hindi maiwasan ni Joey na mag-alala kay Daxx na pinilit mag stay sa jeep kahit alam nitong hindi ito sanay sa ordinaryong biyahe. Pagkababa nina Joey sa jeep ay hindi na kinaya ni Daxx at naghanap ito ng lugar na masusukahan nito. Nagpapasalamat nalang si Joey dahil nay malapit na tindahan na nabilhan niya ng tubig at candy para kay Daxx. "Okay ka lang ba, Daxx?" "I'm f-fine, let me just rest for a while." ani ni Daxx na inalalayan ni Joey na makaupo sa isang waiting shed at pinaupo doon. Pansin pa rin ni Joey ang pamumutla nito, hindi inasahan ni Joey na may katula