NANG MAKABABA ang eroplano sa paliparan ng Antique, Kiosk International Airport ay malawak at matamis ang ngiting nagpapaalam sina Joey sa mga papalabas nilang mga pasahero. Bahagyang nilingon ni Joey ang katrabaho niyang si Jaze na hindi makatingin ng deretso sa kaniya. Hindi na niya nakausap si Jaze tungkol sa narinig at nalaman niya, ayaw din naman ni Joey maki-usosyo sa dahilan ng kasama kung bakit nagawa nitong makipagtalik sa isang lalaking malapit ng ikasal. Alam ni Joey na bago siya umuwi ay lalapitan siya nito upang sabihan na huwag magsalita sa nakita niya. Nang makalabas na ang mga pasahero mula sa economy class, ay mga taga first class naman ang lalabas. Nakita ni Joey ang paglabas ni Daxx kasunod si Dante kung saan mabilis na humabol ang babaeng kasama nila sa flight na hum