MADALING ARAW sa KIA italy ay kababa lang mula sa himpapawid ng flight nina Joey. Inabisuhan na nila ni Melissa ang mga pasahero nila sa first class, pero iniiwasan niyang lingunin ang guwapong lalaking lagi siyang binibigyan ng tingin sa buong oras ng flight nila. Naiilang na si Joey pero pinilit nalang na hindi ito pansinin, Joey professionally does her job as long as she can.
Humanay na rin sila sa pintuan ng eroplano upang pasalamatan ang mga naging pasahero nila na bumababa na. They stand straight, and wear their genuine smile for their passengers. They bow their head to them while saying 'thank you' hanggang mga taga first class na ang susunod na lalabas.
Natigilan si Joey at napatingin sa wirdong lalaking tumigil sa paglalakad nito at tumigil sa harapan niya bago ito lumingon sa kaniya. Guwapo ito pero suplado ang dating ng itsura ng guwapong mukha nito, ngayon lang napansin ni Joey na may piercing ito sa kanang tenga nito. At napansin din niya ang tattoo na sumisilip sa kuwelyo ng polo nitong puti. Napalingon naman si Joey sa mga lalaking naka suit na nakatayo sa likuran nito.
"What's my name?" seryosong tanong nito sa kaniya na ikinatingin ng tatlo niyang kasama sa kaniya.
Binalik ni Joey ang tingin sa lalaking nasa harapan at nginitian ito.
"Excuse me sir, pero may mga pasahero po sa likuran niyo na kailangan din na bumaba." magalang na ani ni Joey na inilahad ang dalawa pa niyang kamay sa pintuan ng eroplano.
"Baba na po kayo, and thank you for flying with us." sambit pa ni Joey na bahagyang ikinatawa ng lalaki sa harapan niya ng magpamulsa ito at lumapit pa sa harapan niya na isang dangkal nalang ang tinirang layo nila sa isa't-isa, na ikinagulat at bahagyang ikinaatras ni Joey, at ganun din ang gulat ng mga kasama niya.
"Daxx Aristotle Pendelton ang pangalan ko, remember that. Don't you ever dare to forget that." ngising sambit nito kay Joey na lumayo at inalis ang ngisi sa labi nito bago lumabas na ng eroplano at ikinasunod ng mga lalaking naka suit.
Nawalan naman ng imik si Joey sa kinatatayuan niya ng lapitan siya ng mga kasama niya.
"Okay ka lang Joey?" tanong ni Melissa.
"Hindi ko maiwasang matakot sa guwapong lalaking 'yun, guwapo sana kaya lang parang nakakatakot ugali nun." kumento naman ni Katarina.
"Pero sinabi niya kay Joey ang pangalan niya, may nangyari ba?" takang tanong ni Leon na ikinabalik ni Joey sa huwisyo niya.
"Wa-wala akong ginagawang masama sa kaniya, ang ganda-ganda pa nga ng approach ko sa kaniya eh. Kilala niyo naman ako, hindi ako nakikipag-away sa mga pasahero. Isa 'yun sa rules ng KIA." ani ni Joey kahit siya ay naguguluhan sa wirdong guwapong lalaking dalawang beses sinabi sa kaniya ang pangalan nito.
"Hindi kaya type ka ng guwapo na 'yun?" ani ni Melissa na bahagyang ikinatawa ni Joey sa sinabi nito.
"Imposible naman 'yan, i'm sure wala lang magawa sa buhay niya ang lalaking 'yun. Huwag na nga nating pag-usapan ang wirdo na 'yun, mag-ayos nalang tayo." sita ni Joey na ikinabalik na nila sa loob.
"Pero infairness ah, ang guwapo ng lalaking 'yun. Sa katawan palang mukhang matipuno na, kaya lang mukha talagang suplado." kumento ni Melissa.
"Mukha siyang di disente, may hikaw sa tenga may tattoo pa. Hindi kaya maganda ang tattoo sa katawan." saad naman ni Joey na ikinapunta ni Melissa sa harapan ni Joey na napakunot ang noo dahil sa klase ng ngiting binibigay nito sa kaniya.
"Anong ngiti 'yan, Melissa?"
"You're checking on him, paano mo nalaman na may tattoo siya ah?"
"Hindi niyo ba napansin? Natatakpan kasi ng collar ng polo niya kaya hindi masyadong pansinin." sagot ni Joey dito.
"Hindi nga pansinin, pero ikaw napansin mo. So tinitingn---"
"Kung anong naiisip mo Melissa, mali 'yan. Sadyang observant lang ako, hindi ako interesado sa kahit sinong lalaki at wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan." putol na sita ni Joey na iniwan na ang kaniyang mga kasama na tinatawag siya.
Joey is a woman who's part of 'No boyfriend since birth', wala pa sa isipan niya ang pag-ibig. Maraming nagpapakita ng interes sa kaniya, nagpapaalam ng panliligaw pero lahat ng 'yun, she turn down. Para kay Joey, hangga't hindi pa niya natutupad lahat ng pangarap niya, ay hindi niya muna idadagdag sa listahan niya ang pag-ibig.
Sa tuwing sinasamahan niya si Melissa pag day off nila para manuod ng mga romance movies, hindi niya mapigilan na hindi makatulog dahil hindi siya interesado sa romance. Mas nag-e-enjoy siyang manuod ng mga action movies, lalo na pag si Jackie Chan ang bida.
PAGKASAKAY naman ni Daxx sa itim na limousine na naghihintay sa pagdating niya ay agad binigay ng kaniyang secretary s***h consigliere ang isang bundle ng mga papel na agad tinutukan ng atensyon nito.
Daxx Aristotle Pendelton, is a multi-billionaire bachelor who owns many shipping lines in differeng country, hotels and casino. But other than that, he's the mafia don of Uciderea fără milă. He's mercilessly don, a dangerous one and short-tempered man.
"Burn those papers, that's useless." seryosong utos ni Daxx na patapon na hinagis ang mga papel na agad sinalo ng consigliere-secretary niya na si Dante Mancini.
"The Vendetta Cartel? Does their mafia don is still pursuing us to join hand with them?" seryosong tanong ni Daxx.
"They already stopped, il capo, they take Vercetti Carson instead as their alliance." sagot ni Dante.
"Good. I don't need alliance at all, i am powerful enough." seryosong ani ni Daxx.
Cross legs ang pagkakaupo ni Daxx at nakapamulsa sa pagkakaupo niya na binaling ang tingin sa tabi niyang bintana. Kanina lang ay nag-aapoy ang galit niya sa isang taong mas pinili ang ibang clan kaysa sa kaniya. Ang pinaka ayaw ni Daxx ay ang i-turn down siya ng kahit sino. He wants all to obey him, he doesn't want to be an option.
Pero ang galit niya ay biglang nag subside dahil sa isang magandang babae sa flight niya pabalik sa Italy ang kumuha ng atensyon niya. Nakuha nito ang atensyon at interes niya sa magandang ngiti na binibigay nito sa kaniya, dahil walang kahit sino ang kayang magpakita ng genuine na ngiti sa harapan niya. Lahat ng humaharap sa kaniya, mapababae o lalaki ay pilit na ngiti pero halata ang takot. Pero hindi sa fligt attendant na nakakuha ng atensyon niya, inilabas ni Daxx ang kanang kamay niya at tinapat ito sa kaniyang dibdib dahil sa kakaibang t***k ng puso niya dahil sa ngiti ng babaeng nakapaskil na sa isipan niya.
"Are you not feeling well, il capo?" tanong ni Dante kay Daxx na bahagyang tumikhim at lumingon sa kaniya.
"Remember the flight attendant who approached me?" tanong ni Daxx.
"The one who's nervous or the other who said she's single and not interested in mingling?"pagsagot ni Dante na ikinangisi ni Daxx.
"The second one."
"I perfectly remembered her, il capo. Cosa vuoi che faccia con lei? ( What do you want me to do with her?)" wika ni Dante na ikinabalik ng tingin ni Daxx sa bintana habang nakapaskil ang ngisi nito.
"Find information about her, know everything about her. Ho trovato la donna che voglio essere mia moglie, la mia regina. (I found the woman I want to be my wife, my queen.)" pagbibigay utos ni Daxx na bahagyang ikinayuko ni Dante sa kaniya.
"Copy that, il capo."