"Good Morning ladies and gentlemen. On behalf of Kiosk International Airport, it is our pleasure to welcome you aboard flight KA9672 with service to Manila, Philippines and continuing service to Sicily, Italy. Have a nice and safe flight to all of us, if you need anything here we give the service as long as we can. Thank you."
Magalang at feminine ang pagyuko na ibinigay ni Josefa Ellena Ybañez, o tinatawag ng mga kaibigan at katrabaho niya sa kaniyang palayaw na Joey. Pagkatayo ng ayos ni Joey ay matamis na ngiti ang binigay niya sa lahat ng passengers na sakay nila pa Sicily, Italy. Ito ang isa sa pangarap ni Joey na natupad, at marami pa siyang pangarap na gustong ma-achieved hindi lang para sa kaniya, kundi para na din sa kaniyang pamilya na iniwan niya sa kanilang probinsya.
Naglakad na si Joey papunta sa quarter area para maupo na dahil lilipad na sila anumang oras. Ang kanilang piloto dapat ay ang kanilang C.E.O pero dahil sa biglaang emergency ay umalis ito at nagpapalit sa isa sa magaling at guwapo nilang pilot captain.
"Maupo ka na Joey, magta-take off na tayo." ngiting ani ni Melissa, kaibigan at kapwa flight attendant na palaging nakakasama ni Joey sa mga flight.
Umupo na si Joey sa kaniyang upuan at nagsuot na ng seatbelt ng mapatingin sila ni Melissa sa dalawa pa nilang kasama na parang pagod na hindi pa man sila nakakalipad.
"Anong mukha 'yan Katarina at Leon?" punang kumento ni Melissa sa dalawa.
"Bakit sa first class kami naka assign mag serve? Parang kaunting mali ko magiging katapusan na ng buhay ko? Do you agree with me Leon? Mukha silang mga business man pero nakakatakot ang awra nila. Kahit may pinaka guwapo sa flight ng first class, nakakatakot parin ang vibes niya." kabadong angal ni Katarina.
"Para silang mga gangster, ah hindi 'yung mas malalang samahan, mafia ba 'yun? Ganun ang nararamdaman ko sila." ani naman ni Leon.
"Huwag tayo basta manghusga base sa nakikita natin, gusto niyo ba na palitan namin kayo ni Melissa? Kami na ang bahala sa first class, kayo sa economy class." ngiting suhestiyon ni Joey.
"Walang problema sa akin, nakita ko naman kanina ang mga pasahero sa first class, mga seryoso at dedikadong business man lang naman sila." pagsang-ayon ni Melissa.
"Talaga? Makikipagpalit talaga kayo?" paninigurado ni Katarina na ngiting ikinatango ng dalawa.
Nagkatinginan naman ang dalawa bago masayang pumayag sa alok ni Joey. Bilang isang flight attendant, hindi dapat naapektuhan ang trabaho nila kahit may ganitong klaseng sitwasyon sa mga pasahero nila mapa economy o first class. Miya-miya pa ay narinig na nila ang kanilang piloto na palipad na sila kaya naghanda na sila.Inayos na nina Joey ang kanilang pagkaka-upo hanggang maramdaman na nila ang pag galaw ng eroplano.
Bawat lipad ni Joey ay nagpapasaya sa kaniya, hindi lang siya nakakapunta sa iba't-ibang bansa ay may privilege pa siyang maisakay sa eroplano at madala sa bansang gusto nila ang kaniyang mga magulang. Bata palang eto na ang pangarap niya, kahit sa pagkaka-alala niya ay muntik ng hindi 'yun mangyari dahil sa isang pangyayari na hindi niya nakakalimutan.
Nang maramdaman nina Joey na stable na ang kanilang paglipat ay kaniya-kaniya na silang tayo sa kanilang mga upuan para simulan na ang kanilang trabaho. Nagpunta na sila sa kitchen cabin upang ihanda ang mga pagkain na iaalok nila sa mga pasahero.
"Joey salamat ha, babawi kami ni Leon sa pakikipag palit niyo ni Melissa sa amin." ani ni Katarina na ikinangiti ni Joey dito.
"Wala 'yun, just always wear your brightest smile for our passengers." ani ni Joey na ngiting ikinatango nito.
Nang maayos na ni Joey ang mga pagkain at inumin sa cart na dadalhin niya ay nilapitan na niya si Melissa na ready na din na paglingkuran ang mga pasahero nila sa first class. Sabay na silang dalawa na lumabas tulak-tulak ang mga cart nila.
Agad napansin ni Joey ang kakaibang katahimikan sa mga nasa first class, puro gentlemen ang nakikita niya at wala kahit isang babaeng pasahero. Nagsimula nalang si Joey na alukin ng pagkain ang mga ito pero nagkakatinginan lang sila ni Melissa dahil hindi sila tinitingnan ni sinasagot ng mga ito.
Nakikita ni Joey ang isang dahilan bakit nagustuhan nina Katarina ang alok niyang makipagpalit. Pero kahit ganun ang response ng mga ito ay ngiting tinuloy ni Joey ang kaniyang trabaho nang magitla sila ni Melissa dahil sa malakas na mura na narinig nila mula sa unahan.
"Damn it! Come osa quel dannato uomo! Farò in modo di distruggere tutto ciò che aveva per aver scelto quel maledetto Tessoro. (How dare that damned man! I'll make sure to destroy everything he had for choosing that damned Tessoro.)" rinig na ani nina Joey sa isang baritinong boses na halata ang galit sa boses nito.
Huminga ng malalim si Joey at pinaskil ang malapad niyang ngiti bago lakas loob na nilapitan ang bad mood nilang pasahero. Nang mapatapat na siya sa upuan nito ay hindi ito tumitingin sa kaniya, at sa tingin ni Joey ang lalaking nakikita niya ang guwapong lalaking tinutukoy ni Katarina. Halata ang galit nito sa expression ng mukha nito, nakikita niya din ang pag-igting ng panga nito. Masasabi ni Joey na maliban sa C.E.O nila at mga kaibigan nitong minsan na nilang pasahero, maipapantay sa mga ito ang kaguwapuhan ng pasahero ni Joey ngayon.
"Good--"
"Don't fvcking disturb me! Ayokong may kumakausap sa akin pag mainit ang ulo ko!" madiin na putol nito sa kaniya na ikinabuntong hininga ni Joey.
"Okay sir, pero para mawala ang init ng ulo niyo i would like to offer a bottle of wine. I'm sure mababawasan ang pagka bad vibes niyo ngayong araw." magalang na pahayag ni Joey na dahan-dahan na ikinalingon nito sa kaniya bago niya binigay ang pinakamatamis niyang ngiti dito habang nakatitig ito sa kaniya.
"We offer red wine, white wines and sparkling wines for the passengers of first class." ani ni Joey.
Kinuha ni Joey ang isang red wine at ipinakita iyon sa kaniyang pasahero.
"This is Cartlidge & Browne Carbernet Sauvignon, it's the world most popular wine in the world. We also have Chardonnay for white whine and we also have champagne. So what do you want sir?" ngiting alok ni Joey habang seryosong nakatingin ito sa kaniya.
Wala itong imik at hindi na maiwasan ni Joey na mailang sa titig nito sa kaniya, pero sinubukan ni Joey na maging normal lang sa harapan nito, nang makita niyang bumaba ang tingin nito sa name plate na suot niya.
"Josefa..."basa nito sa first name niya na hanggang ngayon ay nirereklamo niya sa kaniyang nanay, dahil sa pagbibigay ng makalumang pangalan sa kaniya.
"Do you have now in your mind sir what do you lik--"
"Ikaw."putol nito sa kaniya ng ibalik nito ang malalim na tingin nito sa kaniya na bahagya niyang ikinawalan ng imik habang nakikipagtitigan siya sa guwapong lalaki.
" Pardon sir?"
"I mean ikaw, what is the best wine in those three brands you offer to me." ani nito na malapad na ngiti ang binigay sa kaniya na mas nagpaguwapo dito.
"Oh? I recommend that you try the red wine we have, the Carbernet Sauvignon." ngiting sagot ni Joey dito na ikinatango nito sa kaniya.
"Okay."
Agad kumuha si Joey ng wine glass at binuksan na ang red wine bago nagsalin sa baso. Nang makapagsalin na siya ay ibinigay na niya iyon sa lalaking hindi parin inaalis ang tingin sa kaniya na ayaw nalang niyang pansinin.
"Tell me, do you have a boyfriend, Josefa?" tanong nito sa kaniya na ikinangiti niya lang dito.
"That's a personal question si--"
"Just answer my question." putol na ani nito sa kaniya na bahagyang ikinabuntong hininga ni Joey dito bago muling nginitian.
"I'm single sir but not interested to mingle, have a nice flight sir." sagot ni Joey bago siya nagsimulang umalis para bumalik sa cabin nila.
Sandaling binalikan ng tingin ni Joey ang guwapong lalaki na wirdo para sa kaniya na nakita niyang nakahabol tingin sa kaniya, kaya ngiting nag bow siya dito bago inalis ang tingin dito.
"Ang wirdo na pasahero na 'yun." kumento ni Joey bago tuluyan na siyang makabalik sa cabin nila.
Naabutan ni Joey ang mga kasama niya na nakabalik na din sa cabin, kinukuwento naman ni Melissa ang tungkol sa guwapong lalaking bad mood. Tatlong oras palang ang nagiging biyahe nila sa himpapawid, nasa kitchen cabin si Joey at inaayos ang mga gamit nila doon. Abala siya sa pag-aayos ng makarinig siya ng yabag na pumasok sa loob.
"Melissa, puwede mo bang iabot sa akin 'yung gunting diyan sa may ibabaw ng cabin--" hindi natapos ni Joey ang sasabihin niya ng itambad sa harapan niya ang gunting na hinihingi niya.
Agad napalingon si Joey sa kanang gilid niya at bahagyang gulat na napaatras ng makitang hindi si Melissa o ang dalawa pa niyang kasama ang nakikita niya, kundi ang wirdong guwapong lalaki na nasa first class.
"You ask this, right?" ani nito sa kaniya habang pinapakita ang gunting sa kaniya.
"S-sir, hindi po kayo puwede dito. May kailangab po ba kayo?" tanong ni Joey na pilit kinakalma ang sarili dahil sa gulat ng pagsulpot nito sa gilid niya.
Inayos din ni Joey ang sarili niya habang tinitingnan niya ang lalaking ibinaba ang gunting sa counter bago binalik ang tingin sa kaniya.
"Daxx Aristotle Pendelton, remember my name Josefa." ani nito na tinalikuran na si Joey at umalis sa kitchen cabin na mas lalong ikinawirduhan ni Joey dito.
"Anong problema ng lalaking 'yun?"