Kabanata 1

2189 Words
Hindi magkandaugaga ang mga tauhan ng Starry Entertainment na mismong pag-aari rin ng kanilang top star na si Ardis o mas kilala noon bilang si Elvina Balmaceda. Paroon at parito ang mga tao, hindi natitigil sa kanilang mga pwesto at halos magkandahilo-hilo na sila sa pagmamadali dahil ang kanilang boss ay mainit na naman ang ulo ngunit ano nga ba ang bago rito? Sa isang linggo ay apat na araw yatang mainit ang ulo ng kanilang Madam Ardis. Palagi itong nakasinghal o nakasigaw kapag may nagkamali at asahan mong tanggal kaagad ito sa trabaho dahil ang pinakaayaw ng kanilang Amo ay ang mga tatanga-tangang tauhan. "You're fired!" "Get lost!" "Ito na ang pinakamaganda mong magagawa?" "Ito na 'yun?" At ang paborito ng sikat na artistang sabihin, "Stupidity at its finest, My God!" Sa limang taon mula nang maitayo ang Starry Entertaiment at talong taon mula nang bilhin ni Ardis ang kumpanya mula sa nagmamay-ari nito noon na si Patrick ay marami na ang natanggal na empleyado at ilan lang ang natitirang matatag. Sino nga ba naman ang gustong manatili para lamang patuloy na insultuhin at bulyawan ni Ardis? Sino ba naman ang gaganahang pumasok sa araw-araw kung mala-halimaw ang makaka-trabaho mo? Katulad na lamang ng araw na iyon na isang designer niya ay pumalpak sa damit na gustong isuot ni Ardis. Hinanda ng designer niya ang isang pastel terno na talaga namang patok sa trend ngayon ngunit hindi ito nagustuhan ni Ardis dahil ang gusto niya ay kakaiba. Siya ang topstar, isa sa mga sikat na artista, isa sa mga bigating pangalan sa industriya kaya bakit siya makikiuso sa trend? Kailangan niyang maging kakaiba. Nang araw ding iyon ay nagpaalam na sa trabaho niya ang designer na si Ayra at ang manager niya ay napabuntong-hininga na lang bago kinuha ang listahan niya ng mga designer na kailangan na naman niyang taasan ang sweldo para lamang tanggapin ang trabaho. Kasalukuyang nakahiga sa kulay pink niyang couch sa loob ng kaniyang opisina si Elvina habang hinihintay ang outfit niyang susuotin para sa shooting niya mamaya. Ang kaniyang makapal na script ay nakalapag na lamang sa mamahalin niyang table na nabili pa niya sa Malaysia nang mag-taping sila noon para sa pelikula niyang 'Temptation'. Astrid is a known artist for her professionalism at ang taglay niyang husay sa pag-memorize ng kaniyang lines. Bigyan mo lamang siya ng isang oras at masasaulo na niya ang linya niya para sa buong araw nang hindi ito binabalikan. But Astrid is also known as a rude artist, an unforgiving boss and an aloof person. Sa limang taon niya sa industriya ay mabibilang mo sa daliri ang mga kapwa niya artista na kinakausap niya o naging kaibigan niya. Siya kasi iyong tipo ng tao na ayaw makipag-plastikan at kapag ayaw niya o hindi niya feel ang isang tao ay hindi niya ito papansinin. Hindi siya mag-aaksaya ng panahong makipagkaibigan sa isang potensyal na kaaway. Nakarinig siya ng tatlong katok sa pinto at hindi siya nag-abalang tumayo dumilat man lang. "Pasok." tipid at tila tinatamad niyang sambit. Pumasok ang kinakabahan niyang personal assistant na si Meg, isa siya sa mga piling tumagal sa trabaho at nakakatiis sa ugali ni Ardis. Una dahil malaki ang sweldo niya at pangalawa dahil sa hindi malamang dahilan ay hindi siya tinatanggal nito kahit pa ilang beses na rin naman siyang pumalpak. Tumigil siya hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ni Ardis. "Ma'am Ardis, ito na po ang order ninyong pamalit." Bumuntong-hininga muna si Ardis bago umahon mula sa kinahihigaan niya at naupo. Ang mga matang tila walang kabuhay-buhay ay natutok sa damit na naka-hanger pa. Ang blouse nito ay kulay black na off shoulder na may chains sa magkabilang manggas at ang ternong pencil skirt na kulay maroon ay may floral na design sa magkabilang gilid. "Pwede na." bored niyang sabi at tumayo bago nakatapak na kinuha kay Meg ang damit. "Ihahanda na po namin ang van at sasabihan ang production staff na papunta na kayo." maagap na paalam ni Meg at lumabas na para makapagbihis ang Amo. Kahit na hindi ito ganoong kahigpit sa kaniya ay hindi pa rin siya komportable na kasama ito sa loob ng isang kwarto. Para bang mangangain at mangangain ito ng tao. Pumasok si Ardis sa loob ng kaniyang dressing area na natatabingan lamang ng malaking kurtina at sa harapan ay may salamin na hanggang kisame ang laki. Dahil malapit na siyang mahuli ay hindi na siya nagbagal pa at nagpalit ng damit. Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang sarili bago inilagay ang pinagpalitan sa hamper at hinawi na ang kurtina para lumabas. Dumiretso siya sa mini walk-in closet niya sa kumpanya at naghanap ng sapatos na babagay sa suot niya at nahagip naman ng pansin niya ang isang four-inches na black open shoe. Kung tama ang pagkakatanda niya ay isa ito sa mga binili niya noon sa Paris. Naglakad na siya palabas ng opisina niya at ang mga empleyado naman niya ay nagsipulasan at nagsibalikan sa mga station nila. Hindi niya binigyang pansin ang mga ito at nagtuloy-tuloy na sa labas at sumakay sa nakahandang black 2019 HiAce GL Grandia. "Tara na po, Ma'am?" "Anytime soon sana." "Sabi ko nga po." ang napapakamot na sagot ng driver niyang si Lindo. Mag-i-isang buwan pa lang ito sa kaniya nang palitan nito ang driver niya dati na walang diskarte sa traffic. Stupidity at its finest. Sana pala ay siya na lang ang nagmaneho, ano? "Nandoon na ba si Ginny?" nakapikit niyang tanong kay Meg habang nakasandal sa upuan. Ang tinutukoy niya ay ang make-up artist niyang si Ginny na katulad ni Meg ay himalang tumagal sa trabaho. "Yes, Ma'am. Mga one hour na rin siyang naghihintay." "Nakahanap ka na ba ng kapalit, Monty?" Si Monty o mas kilala bilang Montero ay ang isa sa mga kaibigan niyang mapagkakatiwalaan niya. Ito ang kasa-kasama niya noong wala pa siyang pangalan at kasama sa pagpila para mag-audition at magbilad sa araw. Kuya na ang turing niya dito kung tutuusin. Isa ito sa mga taong nanatili sa tabi niya nang lugmok siya sa buhay at hindi malaman ang gagawin. "Si Ayra na yata ang pang-sampung assistant mo sa taong 'to at June pa lang. Hindi ko na alam kung saan pa ako hahanap ng designer na papayag mag-trabaho sa atin, Ardis." "Maraming designer diyan na mas talented. At utang na loob, ilang beses ko bang sasabihin na ayoko ng tatanga-tanga, Monty? For God's sake naman. I need someone who will do their job right. One that will show me they're worth paying for. Hindi iyong hindi alam ang gagawin nila at hinihintay pa na ako ang gumawa ng desisyon." bumalik na naman ang init ng ulo ni Ardis at napapiksi si Meg. Sanay na siya sa ganitong tantrum ng Amo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa mga salita nito. Mga salitang talaga namang nakakababa ng pagkatao. "Everyone deserves a second chance, Ardis. Paano mo makikita ang mga potential nila kung tatanggalin mo sila sa isang pagkakamali pa lamang?" "What, are we talking about relationships, Monty? Don't give me that excuse. Hindi lahat ay nabibigyan ng trabaho and if they can't do it right, siguro ay hindi sila nararapat, hindi ba? I want to meet my new designer tomorrow." Napabuntong-hininga na lang si Monty sa tinuran ng alaga at hindi na muli pang nagsalita. Noong nagsisimula pa lamang si Ardis ay talagang tinigasan na nito ang sarili at inilayo ang sarili sa ibang tao. Ngunit nakakalungkot pa ring makita ang alaga niya na nabago ng panahon at pangyayari noon. Sa takot nitong huwag muling maulit ang masaklap na karanasan noon ay naging mailap na ito at itinutulak ang ibang tao palayo. Ardis turned into a cold hearted woman. Tunay ngang kahit na gaano kabait ang isang tao ay magbabago kapag ginago mo sila. HINAWI NG KAPAREHA niyang Actor na si Dwayne ang buhok niya at ikinawit ito sa tenga niya bago marahang hinaplos ang pisngi niya. Ang namumuong luha lamang ni Ardis kanina ay marahang bumagsak mula sa kaniyang kanang mata hanggang sa sunod-sunod na ang naging pagpatak ng kaniyang mga luha. "Bakit ayaw mong maniwala sa akin? Kilala mo ako, Martin. Kilala mo ako mula pa noon. Hindi ko magagawa ang binibintang nilang lahat sa akin." nakaramdam siya ng bahagyang kurot sa kaniyang puso dahil sa pamilyar linya ngunit ang mukha niya ay nanatiling umaarte. "Wala akong pakialam kung hindi ako paniwalaan ng lahat basta't naniniwala ka sa akin. Martin, I don't have your Mother's blood on my hands." Flashbacks of the past invaded Ardis's mind but she pushed them back. "I do believe you, Hanna. At ipaglalaban kita kahit na kanino pa. Mga salita mo lang ang panghahawakan ko dahil mahal kita. Mahal na mahal." Oh, bullshit. She said inside her mind. Ardis closed her eyes waiting for the kiss she needed to do. At nang lumapat ang magaspang na labi ni Dwayne sa kaniyang mga labi ay wala siyang nagawa kung hindi ang tumugon. Did he even gurgle before this? Nalalasahan ko pa ang munggong ulam niya kanina. Nakakadiri! "Cut! Perfect, guys. That's a wrap!" Mabilis na inilayo ni Ardis ang sarili mula sa kapareha at pinigilan ang sariling punasan ang mga labi. "So, gusto mo bang ituloy natin ang naudlot?" nakangising bulong sa kaniya ni Dwayne at pinigilan ni Ardis ang sariling sikuhin ito sa mukha. "Sure." nginitian niya ito bago bumulong din. "Kapag natuto kapag magmumog." tinapik niya ito sa braso at naglakad na palapit sa pwesto niya. "Gusto mo bang kumain sa labas o umuwi na?" "Gusto ko nang umuwi, Monty." Nakuha naman kaagad nito ang ibig niyang ipahiwatig. "Sabihan mo si Lindo na i-start na ang kotse at heto ang pera, mag-taxi ka na lang pauwi, ha?" bumunot mula sa wallet niya si Monty at iniabot ang limang daan kay Meg. "Sige po, tapusin ko lang ang pagliligpit ng mga gamit niya at ibabalik ko sa Starry." Dahil hindi na bago sa kaniya ang mga ganitong senaryo ay alam na alam na ni Meg ang gagawin. Bahagya siyang yumukod sa dalawa at bumalik na sa trabaho. "Let's go." aya ni Monty sa alaga at inalalayan ito dahil sa suot na takong. Pagsakay sa sasakyan ay muling sumandal si Ardis at pumikit. Paulit-ulit na naglalaro ang mga pamilyar na linya sa kaniyang isip at idagdag mo pa rito ang mga alaala ng nakaraan na nais na niyang ibaon sa lupa ngunit sa isang banda ay ayaw din niya para magsilbing aral sa kaniya. "Narito na tayo." Ibinukas niya ang mga mata at bumaba sa tulong ni Monty. Inihatid siya ng Manager s***h kaibigan niya hanggang sa marating nila ang kwarto niya. At pagdating doon ay para bang may isang invisible na harang ang bumagsak. Parang nauupos na kandilang sumalampak si Ardis sa malamig na simento ng kaniyang malawak na kwarto. "Elvina." sambit ni Monty sa tunay na pangalan ng alaga at kaibigan. Mangilan-ngilan lamang ang nakakaalam ng tunay na pangalan ni Elvina dahil siniguro nilang burado ang nakaraan niya. Mula sa pangalan, school records, barangay records maging ang magbayad ng mga tao para lamang manahimik sila ay ginawa na nila para lang makapagsimula siya at ang kaniyang Ina ng bagong buhay. Ngunit paano ba siya makakalimot kung sa isipan niya ay hindi niya magawang burahin ang nakaraan? Marahil sa ibang tao at sa kasulatan ay burado na ang lahat ngunit sa kaniyang isipan ay nakatatak pa rin ang katotohanan. Ang katotohanang isa siyang ex-convict at nakulong nang dahil sa maling akusa sa kaniya bilang mamamatay tao. God, she spent two years in prison knowing that she did nothing wrong ngunit ang mga taong naniwala lang sa kaniya ay ang kaniyang mga magulang. Ginawa nila lahat upang patunayan ang katotohanan. She cried when her cousin told her that her Mother kneeled in front of the Claveria to give her another chance and insisted that Elvina is not a murderer. Ngunit bingi ang mga Claveria, bingi at bulag sila sa katotohanan. And there right in front of a friend, Elvina removed her mask. Ang maskarang inilagay niya upang protektahan ang sarili mula sa ibang tao. "Miss na miss ko na si Tatay, Mont." ang maluha-luhang sambit niya. Parang dinudurog naman ang puso ni Monty habang pinagmamasdan si Elvina. Isa o dalawang beses sa isang linggo ay hinahayaan nitong makahinga ang totoong siya at sa tuwina ay sinasamahan naman siya ni Monty. "Alam ko, bunso. Siguradong miss ka na rin niya." Inilabas ni Elvina ang nararamdamang pangungulila sa ama at ang nararamdamang muhi sa mga Claveria hanggang sa nahapo ang kaniyang katawan. "Gusto ko nang matulog, Kuya." ang inaantok niyang sabi sa kuya-kuyahan. Binuhat siya ni Monty at imbes na sa malaki at malambot niyang kama ay dumiretso ito sa malaki at lumang closet na walang laman kung hindi kutson sa baba. At doon ay marahan niyang ibinaba si Elvina na agad namang bumaluktok. Kilala nang marami si Astrid bilang magaling ngunit masama ang ugaling artista. Kilala siya ng iba bilang walang pakikisama ngunit hindi ni Monty. Dahil ang totoong Elvina Balmaceda na hindi kilala ng nakararami ay natutulog sa loob ng isang malaking aparador, aparador kung saan siya madalas magtago noong bata pa siya mula sa kaniyang Ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD