Prologo

1189 Words
Hayun siya... Ninenerbyos na wika ni Elvina sa kaniyang isipan nang makita si Hassan Claveria, ang lalaking hinangaan sa unang pagkakataon na nakita niya ito. Tanda pa niya kung paanong parang tumigil ang mundo niya noon nang makita niya ang binata sa kabilang side ng shelf sa Library. Araw iyon bago ang periodical test kaya naman gusto niyang mag-review pa pero lahat ng iyon ay nakalimutan na niya nang makita niya si Hassan.  Kilala si Hassan sa buong School dahil galing siya sa respetado at mayamang pamilya. Higit pa riyan ay talaga namang biniyayaan siya ng kagwapuhan, tangkad, matikas na pangangatawan na naging dahilan kaya maraming nahahaling sa kaniya. At hindi rin nakaligtas si Elvina roon.  Noon ay naririnig na niya ito at nakikita sa mga tarpaulin ngunit hindi niya pinapansin dahil mas importante sa kaniya ang pag-aaral. Ngunit ngayong abot tanaw niya si Hassan ay halos panlambutan siya ng mga tuhod at halos lumabas na sa dibdib niya ang puso dahil sa bilis at lakas ng t***k nito.  Isang buwan na ang nakararaan mula noon at dahil na rin sa tudyo ng mga kaibigan at sa suporta ng kaniyang Ate Eva ay heto siya ngayon at may hawak na box ng cookies na siya mismo ang nag-bake. Napalunok si Elvina at nagsimula nang maglakad palapit kay Hassan.  Kasalukuyang nakikipagtawanan si Hassan sa kaniyang mga kaibigan at muli ay may ilang kababaihang nakapaligid o nakamasid sa sa binata.  Natigil ang kuwentuhan at tawanan nila nang makitang papalapit niya. Gusto niyang matunaw sa paraan ng pagtitig ng mga ito sa kaniya. Kahit papaano naman ay nag-abala siyang maglagay ng pulbos sa kaniyang mukha sa unang pagkakataon at nagpahid din ng lip tint na pagkapula-pula. Ang kaniyang mahabang buhok na hanggang baywang ay hinayaan niya lang na nakalugay.  "Para sa'yo." pikit-mata niyang iniabot ang kahong hawak kay Hassan na para bang aliping nag-aalay sa kaniyang Hari.  Namutawi ang tuksuhan, hiyawan at tawanan sa paligid namin. Lumukso ang kaniyang puso nang tanggapin nito ang kahon at nang tignan niya ito ay inalis nito ang ribbon para buksan ang kahon.  "Salamat." nakangiting sabi sa kaniya ni Hassan na may tipid na ngiti sa labi.  Naramdaman ni Elvina ang pag-init ng kaniyang mga pisngi dahil sa pasasalamat nito ngunit unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi sa sunod nitong sinabi.  "But I unfortunately don't eat cookies. Lalo na kung gawa sa mumurahing ingredients. Pero ang lakas ng loob mo ha? Sa hitsura mong iyan ay naglakas ka ng loob."  Napahawak siya sa paldang suot at napakagat-labi, ang mga mata niya'y nanlalabong napatingin sa cookies na pinaghirapan niyang gawin, napaso, napagod, pinagpawisan na siya't lahat pero ginawa niya. Parang isang tangang nakangiti nang matapos ang pagkakahon niya. Iyon kasi ang turo sa kaniya ng kaniyang Inay, ang maging totoo sa nararamdaman at iparamdam ito sa kanila.  "But hey, from which family are you? Baka magbago ang isip ko." May lumapit sa kaniyang kaibigan ni Hassan at binasa ang nakasulat sa I.D niya. "Elvina Balmaceda. Wow, nice name ha? Woah, hindi ba ang mga Balmaceda ang may-ari ng pinakamalaking hacienda dito sa atin?" Totoo. Ngunit isa lang silang malayong kamag-anak at ang kaniyang Itay ay magsasaka sa bukid ng mga mayayamang Balmaceda.  "If I remember correctly, anak siya ng magsasaka." Bakit nakatayo ka pa riyan na parang isang tanga, Elvina?! Takbo! Gusto mo pa bang ipahiya ka nila? Gusto mo pang pagtawanan?! Sigaw sa kaniya ng isip niya at sa nanlalabong paningin ay tinignan niya nang masama si Hassan.  Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito, Hassan Claveria. Balang-araw ay ikaw naman ang mapupunta sa pwesto ko at ako ang papalit sa'yo habang tinatawanan ka.  Bago pa siya tuluyang malubog sa kahihiyan ay tumakbok na si Elvina palayo sa lalaking unang hinangaan. Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa umabot siya sa likurang bahagi ng School. At sa ilalim ng malaking puno na nagiging silungan din niya noon ay ibinuhos niya ang pagkapahiya at sama ng loob. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na siya. Nang muli siyang magising ay madilim na kaya naman napabalikwas siya nang tayo at nagtatakbo sa classroom nila para kunin ang gamit. Mangilan-ngilang estudyante na lamang ang nakikita niya. Sa panlulumo niya ay naka-lock na ang room nila kaya naman lulugo-lugo siyang naglakad pauwi. Naroon kasi ang pamasahe sana niya para sa jeep pauwi sa kanilang barangay.  Madilim ang paligid at mangilan-ngilan lang ang dumaraan sa parteng iyon ng kalsada dahil bukod sa bato-bato ito, napapaligiran rin ito ng bukid. Minsan lang din kung may maligaw na sasakyan dahil sa barangay nila ay pawang simple lang ang pamumuhay ng mga nakatira.  Habang naglalakad ay may naririnig siyang wang-wang ng pulis sa kung saan ngunit mas dinaramdam niya ang kabiguan na nangyari kaya hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Napabuntong-hininga siya nang muling naalala ang ginawa sa kaniya ni Hassan. Hindi niya akalain na sa kabila ng kagwapuhan nitong taglay ay nagtatago ang isang matapobreng lalaki.  Natigilan si Elvina sa paglalakad nang makarinig ng kaluskos at paghinga. Awtomatikong tumaas ang mga balahibo niya sa narinig. Multo ba ito o masamang tao? Tatakbo ba siya palayo o pauwi?  "T-tulong." narinig niyang tila hirap na sambit mula sa kanan niya kaya naman napasinghap siya. "S-sino 'yan?" Kinakabahan niyang tanong.  "T-tulong. Please." nagmamakaawang bigkas nito.  Natatakot man ay mas nangibabaw kay Elvina ang kagustuhang tumulong kaya naman lumapit siya sa tinig at hindi niya inaasahan ang nakita. Sa tulong ng liwanag ng buwan at sa malalayong poste ay nakita niya ang isang ginang na nakahiga at nakahawak sa dumurugong tiyan.  "Diyos ko, Ale. Ayos lang ba kayo?" lumuhod siya sa tabi nito at hindi malaman ang gagawin. Pabalik-balik ang tingin niya sa kutsilyong nakatusok sa tiyan nito at sa mukha nitong bakas ang paghihirap.  Sa huli ay nanaig ang kagustuhan niyang mailigtas ito kaya naman sa nanginginig na kamay ay hinawakan niya ang kutsilyo. "Ale, huhugutin ko po ito." Umuling-iling ang Ale. "H-huli na."  Naiiyak namang tinignan ni Elvina ang namumutlang Ale. "Hindi po! Hihingi ako ng tulong! Sanda---" Bago pa siya makatayo para humingi ng tulong ay hinila siya ng Ale at pinalapit. "A-April." "P-po?" taka niyang tanong at natigilan nang lumuwag ang hawak sa kaniyang ng Ginang. Nang muli niyang tignan ang mukha nito ay nakapikit na ito. "Ale?" Tawag niya rito at marahan itong inalog.  "Hindi! Tulong! Tulungan niyo kami!" napipiyok niyang sigaw sa kawalan at lalong naiyak nang mapagtantong nasa kalagitnaan nga pala sila ng bukid. "Tulong!" buong lakas niyang sigaw.  Ika-siyam ng Setyembre taong 2010, "Because of strong evidences found in the scene, Elvina Balmaceda is hearby found guilty of murdering Astrid Claveria and will serve five o ten years in prison." Napapikit na lang nang mariin si Elvina sa narinig na sinabi ng Judge. Wala na, ang mga pangarap, mga pangako, ang pamilya niya. Lahat ay unti-unting naglaho dahil sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa.  Bago siya tuluyang ipasok sa loob ay muli niyang tinignan si Hassan Claveria, ang anak ng babaeng tinulungan niya. Ang lalaking hindi nakinig sa kaniyang mga pakiusap at sa katotohanan. Ang lalaking ngayon ay dahilan ng pagkakakulong niya.  Darating ang araw at ikaw naman ang luluhod sa harapan ko. Ipinapangako ko sa'yo na darating ang araw na ako naman ang nasa taas at ikaw at ang pamilya mo ay mapupunta sa ilalim at hindi na muling makakabangon pa. Ipinapangako ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD