Bombilya

842 Words
ISH MOTRANGA's POV Earlier... Tahimik. Ganyan ko ilarawanan ang buhay dati. Walang gulo at matiwasay. Parang apelyido lang ni Cardo. Sing dalisay ng karinderya ni Tiya Daday tuwing madaling araw. Sa sobrang dalisay walang katao-tao ang lugar. Parang ako lang ang andi- "Hoooooooooooooy! Ish!" Kasabay ng pagtunog ng takure ang hiyaw ni Tiya. Maingay talaga 'pag andyan na sya. Ang bunganga nya parang alarm clock. Nilingon ko si Tiya na nakataas kilay, nakapamewang, at naka-shades. "Ho?" "Ho? Anong 'ho'?! Kanina pa kumulo yung takure! Sang planeta ka ba nagpunta?! Isasalin mo ba o tutunganga ka lang dyan?!" Yan si Tiya Daday ang may ari ng karinderya. Siya ay pinsan ni Mama. "Sorry po" "Sorry.. sorry.." Bumugtong hininga sya tas kumuha ng pera sa bulsa at ibinigay sa kanyang anak na nakaabang sa labas ng karinderya. Ang bilis ng oras! Hindi ko namalayan alas-siyete na pala? "Yan! Baon mo!" Binilang ni Klause ang mga coins tas napa.. "Eh?" Eh? Anong 'Eh?' May 'I ain't believing this' look sya. "Ito lang?" Sabi nya. Bilib din ako sa Klause na 'to. Akalain nyo? Madaming coins ang binigay sa kanya ni tiya na kung bibilangin lahat ay mga 50 spri! Andame na kaya nun. Tapos may reklamo pa? Ibang klase! Ito naman si Tiya mahal na mahal ang kanyang anak kahit lumulubo na ang ulo nito kanya pa ring kinukosenti. "Hay! Heto!" dinagdagan nya ang baon. "Ano? Kulang pa?!" "Okay na 'to. Salamat hah" Bago magblend sa hangin si Klause binigyan nya muna ako ng nakakaasar na ngiti. Ang kumag na 'to talaga!!! Ang spoiled brat! Nakaka-highblood!! Pigilan nyo ko! Pigilan nyo ko!!!! Pripritohin ko talaga! "O? ano na naman ang tinutunganga mo dyan?!" Yung anak nyo po gusto ko prituhin... "Wala po.." Para di na mapagalitan inilipat ko na lang ang mainit na tubig sa termos. Nang lumabas si Tiya agad agad kumuha ako ng cellophane. Hinipan ko muna para lumaki yung butas bago kumuha ng kunting apan-apan. Kunti lang naman para 'di obvious. Kunting advice, wag nyo ko gayahin guys. After ko kumuha ng masarap na ulam saktong bumalik si Tiya galing chismis. Ang aga ng chismis.. nakakabilib! "Tyang, alis na po ako" Bored nya akong tinignan mga 30 seconds bago nya binuksan ang kanyang lalagyan ng mga coins tapos kumuha ng dalawang 5 spri at iniabot ito sa akin. May diin nya itong ibinigay. Teka.... 5 + 5 = 10 (・o・) ?! 5 x 2 = 10 Diyes?! "Teka.. Tiyang? diyes? Sakto lang po 'to pamasahe. Wala ba akong pang-snack o pambil-" "Hoy! Ish! Nakita kitang kumuha ng isang serving ng apan-apan! Akala mo ba maiisahan mo ko?!" Naku naman! Ba't ko nakalimutan? Natatanggal pala ang mata nya. Malamang inilagay nya yung isa sa sulok na pwede mag-mistulang CCTV. "Ano?! May problema?!" "Wala po. Salamat, Tiyang. Sige, alis na po ako" Umalis na ako ng karinderya at dali-daling tinungo ang Root's waiting shed. Mga ilang lakad lang. Hay. Kung ako ang papipiliin ng exskill mas pipiliin ko yung makakatulong sa akin sa problema sa transportation. Agree ba kayo? "HOY! MAY JEEP NA!" Narinig kong sigaw ng mga nakaabang sa waiting shed tas nag-uunahan na sila sa pagsakay. Tulakan ang naganap. Wala silang patawad kahit may mga elders na pasahero. Makauna lang okay na. Mabilis akong tumakbo para makahabol pero hindi ko na naabutan, umandar na kasi yung jeep. Lumingon lingon ako.. ang natira sa mga pasahero kanina ay si Mang Pepe. "Ikaw pala, Ish Iho" Tama. Kilala nya ako. Kumuway sya ng matanaw ako na papunta sa direksyon nya. "Mang Pepe, magandang umaga po", tumayo ako sa tabi nya. Matangkad si Mang Pepe lagpas 6 ft. ang height. Sya ay isang uri ng ex-human na kung tawagin ay Perma-type. "Ang dami palang mga pasaherong estudyante noh?" "Kaya po ba hindi kayo nakasakay?" "Oo. Naalala ko tuloy yung panahon na highschool pa ako" Bumugtong hininga si Mang Pepe tas tumanaw sa langit at.. meron syang nasisiyahang mukha? Anong meron sa itaas? I look up. Kumurap ako 3 times. Asul na langit, ulap na may ibat-ibang formations, nagliliparang ibon, at bakas na naiwan ng commercial plane? Maliban dun wala na. Walang screen ng timeline noong kapanahonan nya na inaasahan kong pinapanood nya sa mga sandaling ito. "Alam mo ba, Ish? Kayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan?" Napatingin ako sa itim nyang work shoes na may abong footprint. Yumuko ka at tignan mo ang nangyari sa makingtab mong sapatos. Yan ang produkto ng kabataan ngayun.. tsk. Ngumiti si Mang Pepe unaware sa nakakatakot na kalikasan ng kabataan. Naaawa ako sa kanya. Maya-maya may dumating na bus sumakay kami dun. Ni-libre ako ni Mang Pepe. Crowded yung bus. Ako at si Mang Pepe nakasama sa mga nakatayo. Huminto ang bus sa Moss, bumaba ako at nagpaalam saka nagpasalamat kay Mang Pepe. Dali-dali akong naglakad, medyo malayo pala noh? Anyways, mga ilang minuto nasa tapat na ako ng gate ng ALVAACAD Citadel Ext. Base sa aking observation, medyo natataranta ang ilang mga estudyante. Bakit kaya? Teka! Kailangan ko magmadal-- "ARAY!" to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD