bc

ALVAACAD Series #1: Boiling Point Arc

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
family
fated
second chance
friends to lovers
single mother
heir/heiress
sweet
bxg
mystery
scary
brilliant
loser
campus
highschool
mythology
small town
magical world
high-tech world
another world
enimies to lovers
superpower
sassy
like
intro-logo
Blurb

A world where extraordinary people exist! People with superhuman abilities... Is it magic? A science? Mix? Who knows? But, they call it ExSkill. Fire, Gravity, Petrification, Solar, Float... and more extraordinary skills that Extraordinary Human Beings possess. ALVAACAD is an existing school in Alvarez Empire. It accepts exceptional talents. Not just a school but it also serves as an archive of memories. Hate, Love, Hope, Grudge, Despair, Misery, Persistence, Regrets, all of it is being stored as memories inside the campus. It's a setting where the adventure starts. The school where the prologue resides.

chap-preview
Free preview
Prologue
Long time ago... "Lumayas ka!" "H-huh?" "Kapal ng mukha mo!" "Teka Vicenta! Makinig ka muna! Pag-usapan natin ito ng mahinahon at maayus!" "Usap? Mag-usap kayo ng kamao ko!" "Aray! My loves naman eh!" Malakas na suntok ang natanggap ni Papa. Saktong tumama ang kamao ni Mama sa mata nya. Madalas may mga alitan talaga sa buhay mag-asawa pero ito yung pinakamalalang alitan nila. Unang beses ko nakita si Mama na sobrang galit at unang beses ko rin nalaman na si Papa ay isang lowkey babaero pala? For everyone sakes itinago ko ang mga pwede maging deadly weapon dito sa bahay. Syempre, concern ako sa mag-asawa na ito. Sila kasi ang nagpalaki sa akin, malaki ang utang na loob ko sa kanila. "BABOY!" Hinampas ni Mama ng kaldero si Papa! Ang naging tunog ay yung naririnig na kampana sa simbahan. Ayyy mali... baka imagination ko lang? Andami ba namang kaldero dito sa bahay! Saan galing?! Kawawa si Papa na muntik ma-knock-out! Nahilo sya ng kunti pero standing pa rin! Ang tibay! Okay, mukhang aabot ito sa round 12. Stay tuned, readers! "LUMAYAS KA! LAYAS! LAYAS" "Teka! Teka! Let me explain!" "Explain mo mukha mo!" Si Ekong at si Vicenta ang tinaguriang Romeo and Juliet ng Roots. "Anong nangyari sa dalawa?" ang kadalasang natatanong ng mga kapitbahay. "Ba't napunta sa ganito ang dating kay tamis na pag-iibigan? Dati rati.. its them against the exuniverse." Lovebirds sila dati.. pero... ngayun? Birds pa rin naman pero... manok pangsabong na. "ANG KAPAL NG MUKHA! WALANG HIYA!" "Bebe Vicenta naman.. *kyut eyes* uwu..." (・o・) What the- "WAG KANA MAGPA-KYUT 'DI BAGAY SAYO!" "Ay ang harsh..." "PAPASLANGIN KO MGA ALAGA MONG MANOK!" "MY LOVES! WAG MONG GAWIN YAN!" Kahit sobrang cringe may mga naiingit pa rin sa pagiging lovely-dovey nila. Kahit pagmasdan mo lang masisira na ang ngipin mo sa sobrang sweet. Minsan di mo inaasahang may kakagat na langgam sayo... Yung iba nagsa-sana all na lang.. Ganyan sila dati... sobrang corny. Ang tanong anong nangyari? "Vicenta! Huminahon ka! 'Wag mo idamay pati yung... mga alaga nyang manok!" pakiusap ni Aleng Elizabeth. "Sino ang babaeng yan?" Bulong ng mga chismosa't chismosong audience. Sya si Elizabeth Grimony, isang Solar Power. Siya ang diyosa ng River Side dahil sa sobrang ganda nya. Hindi natuwa si Mama, nagalit sya ng todo at hindi napigilang hindi ihampas ang kaldero sa babae. Gigil na gigil si Mama! Aba? Sinong hindi? "Aray! Aray! Ano ba!" Ginamit ni Aleng Elizabeth, tawagin nalang nating Aleng Liz, ang kanyang exskill para proteksyonan ang sarili. Ang nangyari.. pilit na sinisira ni Mama ang shield gamit yung kaldero. Lubhang napikon si Mama, hindi nya matanggap ang katotohanang walang laban ang kanyang kaldero, na nabili nya online, sa shield ni Aleng Liz. "Alisin mo 'to! Dali! Now na!" Gigil na gigil na naghahamon si Mama. Sa tuwing pinapatamaan ni Mama ng kaldero ang shield ang nagagawa lang nito ay gumawa ng ripples tuwing nag-i-impact. Yun bang parang pinatakan mo ng tubig ang isang still water. Gets nyo? Si Papa kaagad umaksyon. Sinubukan nya awatin si Mama ngunit naging tuon sya muli ng galit nito. Nang makita ni Aleng Liz na nahampas na naman ng kaldero si Papa sya ay nagulat at na-triggered. Hindi nya nagustuhan na sinasaktan si Ekong dahil dun nawala ang kanyang focus, naglaho yung shield. Sinubukan nya iligtas si Papa pero naging daan ito para maabot ni Mama ang kanyang magandang buhok. Napasigaw sa gulat si Aleng Liz ngunit hindi nagpatalo gumanti rin! Hinatak nya rin ang maikling buhok ni Mama. Hahampasin na sana ni Mama ng kaldero si Aleng Liz buti nalang at nanakaw ko agad ang kaldero mula sa kamay nya. "Ish! Ibalik mo yan!" Utos ni Mama ngunit umiling lang ako. "Bitawan mo ko!" Sigaw ni Aleng Liz. "Ikaw ang bumitaw sa akin!" Sagot naman ni Mama. "Ano ba! Sabing bitaw eh!" "Ikaw sabi ang bumitaw!" "Aray! Talagang gusto mo makalbo?!" "Tumahimik ka! Kabet kalang! Pasalamat ka at ang smooth ng buhok mo! Mahirap hawakan! Ano bang shampoo mo, bruha ka?!" "Heh! At sa tingin mo sasabihin ko sayo?! Never!" "Ah.. never pala hah? Never mo mukha mo! Itong bagay sayo! Ayan! Ayan!" "Aray! Ano ba!" "Ma! Aleng Liz! Tumigil na po kayo!" Awat ko pero 'di ako narinig. Ang lalaking puno't dulo ng away ay si Ekong, isang Security Guard, minsan driver, at minsan carpenter. Ang dalawang babaeng nag-aaway ay walang iba kundi sina Aleng Elizabeth aka Aleng Liz, the Mistress, at si Mama Vicenta aka Mama Vic, the Legal Wife. Ang away ay napunta sa bakuran. Dahil sa ginawa nila madaming mga tambay, kapitbahay, at mga taong napadaan lang ang naka-witness sa sagupaan. Alam ko sa sarili ko, sekretong nagpupustahan ang mga tambay sa kung sino ang manok nila. Bunutan ng buhok, hatakan ng damit at sampalan. Grabi na to! SPG na! Hindi rin naman mawawala ang paggulong sa lupa para epic! Lucky ang hindi nakapag-nail cutter sa laban na to na para bang sumasalamin sa isang teleserye. Lol. Yung akala kong magiging award best actress na itong dalawa ay natigil sa hindi inaasahang plot twist. Nagulat ang lahat at ngayun lang sya napansin. As in gulat na gulat talaga! Parang dumaan yung tide. 'Sya' ay ang batang babae. Batang babae na sobrang kamukha ni Aleng Liz! Nakatayo sya sa tapat ng gate. Pinatamaan nya ng liwanag, na nagmula sa kanyang mga palad, si Mama. Wait? SI MAMA KO??! Hindi ito lubhang nakakamatay ngunit sapat lang para maitulak nito si Mama papalayo sa Nanay nya. "Maaaaa!" Bumaba ako sa balkon para matignan siya. Sobra akong naawa! Hindi nya deserve! Ang buting tao ni Mama. "Ma, okay ka lang?!" Alam ko hindi sya okay pero tinanong ko lang. "Sino ang batang yan? Away matanda nakikisali? Walang galang!" Bulungan ng mga chismosa't chismosong audience. For once, sumasang-ayon ako sa kanila. Galit ako pero sinusubukan ko wag gumawa ng mali na pagsisisihan ko sa huli. Kahit papano, nagpapasalamat ako kay Aleng Liz na kaagad lumapit sa amin at walang pagdadalawang isip inalalayang tumayo si Mama kahit binubugaw pa sya nito. May kabutihan din pala sa puso nya. Habang si Papa naman nagdadalawang isip tulungan si Mama sa takot na maulit yung nangyari sa kanya. Tinignan ko ng masama ang batang babae. Hindi ako makapaniwala sa inasal nya! Paano nya nagawa yun? Kaya nya gawin yun? Utak villain ang batang 'to! At ito pa! Anong klaseng exskill ba meron ang mag-ina na 'to? Oo, light base yung exskill nila pero kakaiba.. hindi common na light base lang.. Nang makatayo na si Mama kanyang itinulak si Aleng Liz. "Bitawan mo ko!" Si Aleng Liz naman ay dumistansya. Nakaukit sa maganda nyang mukha ang pag-aalala. Nagliwanag ang palad ni Aleng Liz at sya ay lalapit sana kay Mama pero bago pa sya makahakbang sinigawan na sya nito. "Anong binabalak mo?!" "Huwag kang mag-alala gagamotin lang naman kita baka kasi may masakit sa'yo" "Ano ka albularyo?! Kung ako sa'yo umalis ka na! Dalhin mo yang impakta mong anak at wag na wag na kayo magpapakita ulit dito sa Roots!" Utos ni Mama. "Wow! Sa'yo 'tong Roots? !" Sabat ng batang babae. "Hoy! Ang bad mo naman! Huwag ka nga nakikisali sa away matanda!" Saway ko sa bata, inirapan nya lang ako. Aba?! "HOY! KABET NI EKONG UMALIS KANA! HINDI KANA NAHIYA!" Hindi sumagot si Aleng Liz. Pinipigilan nya na may second match na maganap? Kung ano man ang sagot ang tanging klaro sa akin ay ang paglapit nya sa kanyang anak tas pinalo ito sa pwet mga limang beses. "ARAY! MA!" Hmph. Buti nga sayo bata! Hindi ma-sukat ang aking happiness. HAHA! "Dy, ba't mo ginawa yun?!" Dy? Ah...? yun name nya! Heh. Dy as in Dymonyo ? ? "Ish, halika! 'wag ka lumapit sa kanila at 'wag ka rin makipag-usap sa batang impakta na yan! Dali anak!" hinatak ako ni Mama palayo sa mag-inang demony---ay! Este! Dayo. "Huh? Ako? Impakta?! Sa ganda ko--ARAY! MAMA! BA'T MO KO KINURUT?" "Pwede ba?! Tumahimik ka!" Saway ni Aleng Liz. Ramdam ko sya, masakit talaga ang mapalo at makurot pero deserve nya. May maganda syang mukha pero yung ginawa nya hindi maganda. Hindi tama yung nananakit ng kapwa lalo na sa mga nakakatanda. Bad yun! Na-shook kaming lahat ng nagcreate ng shield si Dy sa sarili. Mukhang na shook din si Aleng Liz. Hindi nya inasahan ang ginawa ng sariling anak. "Alisin mo 'to!" - si Aleng Liz "Ayoko! Ayoko! Ayoko!" - si Dy "Dy! Kapag hindi mo 'to inalis talagang masasaktan ka sa akin!" Banta nya. "Ayoko! Ayoko! Ayoko!" "Wag na matigas ang ulo!" "Ayoko sabi eh! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Wag matigas ang ulo!" "Ah? Ako pa matigas ang ulo? Pwes!" Naglabas ng hangin sa ilong si Aleng Liz isang palatandaan na stress na sya, hinawakan nya ang shield pagkatapos nagawa nya itong wasakin! Nagulat ang bata! "Makailang ulit ko ba sasabihin sa iyo na wag na wag ka basta-basta gumamit ng exskill?! Lalong lalo na para manakit! Tandaan mo ya-" "At makailang beses ko rin ba sasabihin sa iyo na wag mo akong papaluin!" Umiiyak na sigaw ng bata. Hindi pa nga nakalapit sa kanya Nanay nya umiiyak na sya sa takot na baka mapalo ulit. "Aba?! Pinapalo kitang bata ka dahil sa ugali mo!" Sincere si Aleng Liz sa mga sinasabi kahit isa syang kabit 'di naman siguro sya totally a bad person unlike her daughter. Yung anak nya kasi instead humingi ng paumanhin sa nagawang kasalanan.. ang ginawa ng anak nya.. "TINULUNGAN LANG KITA! TAS AKO PA MASAMA?!" sumigaw sya at tumakbo palayo but not before glaring at me and... looking down? "?!" "Dy! Bumalik ka! Hoy!" Hinabol ni Aleng Liz ang kanyang anak. "YAN! UMUWI NA KAYO AT WAG NA WAG NA KAYONG BABALIK!!!" sigaw ni Mama. To be continued...

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook