Panay kantiyaw kay Suzy ang mga kasamahan sa trabaho dahil sa maagang pag-aasawa.
"Ano Suzy? Kamusta ang unang gabi? Masarap ba? Masakit? Malaki? Ay!" Tanong ng baklang kasamahan nito. Nagkatawanan naman ang lahat.
"Akala nga namin Suzy hindi ka na papasok eh." Sabi naman ni Telma ang pinakamalapit sa kanya roon.
"Naku bakit naman ako hindi papasok eh kailangan ko pa rin ng trabaho lalo na ngayon may pamilya na ako." Nakangiting sabi ni Suzy.
"So ano nga malaki ba? Natanaw namin ang asawa mo ang gwapo pala at ang ganda ng katawan ha? Yummy!" Kinililig muli na sabi ng baklang si Jack o Jackie kapag gabi.
"Ah eh! Malaki pero mashaket eh!" Natatawang sabi ni Suzy kaya lalong nagtawanan ang mga kasamahan.
"Naku may kapatid ba 'yan? Ipakilala mo naman kami para makatikim din ng malaki!" Humahalakhak na sabi muli nito.
"Aba Oo may kambal si Sandro kaso nasa abroad eh. Ewan kelan pa uuwi. Sa video call ko palang nakita pero kamuka ng asawa ko talaga mas maputi pa nga dahil sa hospital sa ibang bansa nagtatrabaho." Lalo naman kinilig ang mga kasamahan.
"Sabihan mo kami kapag umuwi ha!" Pahabol pa ni Jackie bago maglabasan sa employees lounge dahil simula na ng trabaho.
Pumwesto naman na si Suzy at Thelma sa Reception area. Matanda sa kanya ng tatlong taon ang kaibigan pero sobrang close sila nito.
"Naku alam mo ba nung wala ka si Jackie ang kasama ko dito sa reception. Eto ang chika. May dumating na nakapormang sasakyan pero matandang lalake ang bumaba ang bitbit na chika babes jusko! Ang bata! Sinabihan namin ni Jackie na hindi kami tatanggap kung ganun ang kasama niya nagalit ba naman?! Sabi sa amin trabaho lang daw namin ang tumanggap ng guest hindi mangielam. Etong si bakla aba nahighblood tumawag ng pulis ng palihim! Natakot nung dumating ang mga lespu nalaman pa namin na yung kasama eh napulot lang sa lansangan. Grabe! Meron pa nung nakaraan naman halos lola na yung babae tapos ang kasama babae rin pero hindi naman na underage. Nakakaloka taaga rito sa motel" Natawa naman si Suzy.
Hindi na kakaiba sa kanya ang mga ganun. Marami talagang iba't ibang tao ang makikita. Minsan nga ay alam na nila na kabit ang mga babaeng kasama ng mga lalakeng umuupa ng kwarto para sa pansamantalang oras.
Meron naman mga GRO lang ang kasama. Madalang ang totoong mag-asawa na mapunta sa ganun lugar. Sa mga magnobyo naman ay kapag alam nilang mga bata pa ay hindi nila pinapayagan.
Takot din kasi ang may-ari na maraid ng mga pulis o ng gobyerno dahil mahihirapan ito kumuha ng business permit.
----------------------------------
"Sandro, Ano gusto mo bang ibente ito? Ikaw ang magma-market ng mga pyesa ng motor tapos bibigyan din kita ng porsyento o kahit ikaw na ang magbigay ng patong basta sa akin ang original na presyo." Alok ng ng isang kaibigan ni Sandro.
Naroon siya sa shop nito ng pagawaan ng motor. Agad naman pumayag si Sandro dahil isa rin sa ma pinagkakakitaan niya ay ang pag gawa ng motor sa mga kakilala. Pyesa na lang ang kulang para mas maging malaki ang kitain.
"Oo sige payag ako. Kukuha ako saiyo tapos kapag may nagpagawa sa akin iaalok ko saki ibibigay sa iyo ang bayad."
"Oo sige lang ikaw bahala. Teka Sandro gusto mo ba sumama pupunta kami ngayon sa Calle Uno meron motor racing doon. Maraming rider ang nanonood pwede ka mag-alok sa kanila at pwede ka rin pumusta. Maganda ang kitaan doon." Napaisip naman si Sandro.
Naka kota na siya ngayon araw dahil may isang customer ang nakuha niya na may birthday kaya malaki ang naging porsyento niya rito. Maaga pa naman at mamaya pa susunduin si Suzy kaya pumayag siya.
----------------------
Sobrang taas ng adrenaline ang nararamdaman ng mga nanonood ng motor racing. Pabilog iyon kaya kita lang nila ang buong nangyayari kahit hindi na umalis sa pwesto.
Marami siyang nakilala na mga katulad din na mahihilig sa motor na inalukan niya kung sakaling kailanganin ng nga parts ng motor.
Tumaya rin siya at sinuwerteng nanalo kaya ang isang libo niyang pikit matang tinaya ay dumoble.
"Ano Sandro? Ayos ba?" Natatawang sabi ni Leon ang kainigan na nagsama sa kanya. Ito rin ang may-ari ng motor shop na pinagkukuhaan ng supply ni Sandro.
"Oo 'Pre! Ang astig! Ang sarap siguro rin subukan kumarera kaso tiyak magagalit ang asawa ko." Napapailing na sabi ni Sandro.
"Kapag nalaman niya gaano kalaki ang kikitain baka siya p nga ang magtulak sa iyo sumali!" Natatawan naman sabi ni Leon.
"Bakit magkano ba?"
"Kapag sumali ka kasi 500 pesos pero matalo ka man ay sigurado na ang tatlong libo mo na consulation. Kapag naging pangatlo ka 10,000 kapag pangalawa 20,000 at ang grand winner 30,000. 'Yun nanalo ngayon ay si Bien. Tatlong beses o higit pa yata na nanalo ng trenta mil 'yun dito minsan nagiging pangalawa naman kaya nga instant pera agad si Mokong tulad mo rin na nag food app 'yun dati sa pag kakaalam ko." Tinanaw nila ang lalake na tuwang tuwang umaapir sa mga kasama.
"Kaso hindi na delikado?"
"Delikado kung delikado pero wala pa naman akong nababalitaan na naaksidente rito. Halos isang taon na rin itong Calle Uno pero mas lumalaki at dumadami pa ang parokyano. Legal naman kasi saka minsan mga may mga pulis pang nanonood eh." Sabi ulit ni Leon.
Napatingin si Sandro sa oras ay dahil sobrang nawili ay nakitang malapit na umuwi ang asawa mula sa trabaho.
"Leon, Mauna na pala ako malapit na umuwi si Suzy baka inaantay na ako." Paalam nito sa kaibigan.
"Oo sige 'pre kukubra pa ko ng pusta ko 'pag isipan mo sumali ah baka ikaw na ang susunod na manalo kung hindi lang may diperensya ang paa ko baka matagal na ko sumali." Natatawa nitong sabi. Meron kasi itong tungkod dahil maliit ang isang paa kesa sa kabila.
Kaya naman nito magmameho ng kotse pero hindi ng motorsiklo kaya hanggang manonood at pusta nalang ang ginagawa.
Itutuloy