Chapter 3

1028 Words
Masayang lumapit si Suzy ng makita ang asawa na maghihintay sa parking ng motel na pinagtatrabahuhan. Yumakap at halik naman ang lalake bago siya sinuotan ng helmet para sa proteksyon. "Kanina ka pa ba love?" Tanong ni Suzy. "Hindi naman akala ko nga mauuna ka pa lumabas bago ako makarating dito." Kumapit sa mga bewan nito ang babae saka pinaandar ang motor. "Ano nga pala ang gusto mo kainin love?" Tanong ulit ni Suzy. "Pwede bang ikaw?" Natatawa naman na sabi ni Sandro kaya kinurot ito ng mahina ng babae. "Ikaw talaga love. Ano nga para makadaan tayo muna sa palengke." Huminto naman si Sandro muna sa isang tabi. "Huwag na love may binili na ako nasa likod ng lagayan. Mga inihaw na barbeque saka pancit. Magsaing na lang siguro tayo ng kanin." Napatango naman si Suzy. "Ah ganun ba o sige" ------------------------ Pagkarating sa bahay ay agad na nagsaing si Suzy habang naligo naman na ang asawa. Siya naman ang sumunod ng matapos ito. Natawa pa siya ng pagpasok sa loob ng kwarto nila ay nakahiga si Sandro na hubo't hubad. "Love, Bakit hindi ka pa nagbihis?" Natatawang tanong ng babae. "Inaantay kasi kita halika muna habang hindi pa luto ang kanin. Ikaw muna papakin ko." Natatawa ring sabi nito. Lumapit naman si Suzy sa asawa at dahan dahan tinanggal ang suot na tuwalya. Sumampa ito sa ibabawa ng lalake at sinimulang halikan ito mula sa noo pababa sa labi. Lalo naman nasani si Sandro sa ginagawang pangunguna ng asawa. Hinayaan nito na magtrabaho ang babae. Bumaba ang mga halik nito sa matitipunong dibdib niya. Lalo naman nagbuhay ang nasa pagitan ng dalawa niyang mga hita. Ramdam ni Suzy ang tigas ng pagkalalake nito kaya naman walang pagdadalawang isip na hinalikan din ito at sinubo. Napahawak sa ulo niya si Sandro para itaas baba ito. Pabilis ng pabilis hanggang sa malapit na siya sa dulo ay pinatigil ito ay inihiga. Kinalikan nito ang babae at biglang ipinasok ang pagkalalake nito sa basang basa ng kayaman ni Suzy. "Sandro...Sandro." Puro unggol na lang ang narinig at ingay ng kama. Ilang minuto rin ang tumagal bago sila parehong nakaraos. Nagbihis na ang mga ito at nagtatawanan dahil nasunog ang sinasaing na kanin. "Love, May itatanong sana ako kung papayag ka." Sabi ni Sandro habang nilalagyan ng pancit at barbeque ang pinggan ng asawa. "Ano 'yun love?" "Si Leon kasi diba kilala mo 'yung kaibigan ko na may-ari ng pinagkukuhaan ko ng supply ng mga parts kanina naisama ako sa Calle Uno. Mga samahan ng mga rider legal naman kaya marami talagang pumunta. May racing ng motor at alam mo ba amg pinakamalaking prize kapag nanalo ay 30,000 pesos. Malaki na 'yun para na nga isang buwan ko na kita sa apg fo-food app. Kanima tumaya ako nanalo nadoble ang pinusta ko." Napakunot noo naman si Suzy. "Sandali ano ba ang gusto mo talaga sabihin? Kung ang pagsali ang gusto mo ay ayoko. Aba! Napakadelikado nun! Kapag nga tayo ang sakay tapos bumibilis ang patakbo mo ay pinapahinto kita dahil natatakot akong mapano 'tayo yung sa kareka pa kaya! Basta ayoko! Simasabi ko na sa'yo Sandro ayokong malalaman na sumasali ka. Payag ako na sumali ka sa pustahan kung may extra kang pera hanggang dun na lang." Seryosong sabi ni Suzy. " Oo love,  Nasabi ko lang naman gusto ko rin kasi magkaroon ng negosyo para doon ka na rin sa tabi ko at hindi sa motel. Kaya gusto ko talaga makaipon ng malaking halaga." "Sandro, Hindi ko naman hanggad na yumaman. Stable naman ang trabaho ko. Ikaw ayos naman ang kita mo diba? Hawak mo pa ang oras kung kelan mo gusto magbyahe. Marami pa paraan para kumita tayo kesa ang pagsali sa ganung karera. Buhay mo na ang nakataya roon paano naman ako kapag napano ka? Wala pa nga tayo anak mababalo na ako agad" Napapailing na sabi nito. "Love naman, Anong mababalo agad! Aba hindi ako papayag naman na maiwan kita tapos ibang lalake makinabang sa'yo! Isasama kita sa hukay." Biglang nagkatawanan ang dalawa. "Basta ayokong sasali ka sa karera. Subukan mo lang at mag-aaway talaga tayo. Sisitahin ko rin 'yang si Leon kung saan saan ka inaaya hindi nalang magtinda hirap na nga maglakad ang gala pa." Lalo naman natawa si Sandro. "Huwag mo na siya sitahin ang dami niya nga nabigay na customer sa akin. Hinayaan ako patungan 'yumg mga piyesa saka madami rin ako naging potential na customer kung kailangan ng gagawa ng mga motor." "Ayun mas mabuti ang ganun gumawa ka nalang ng motor at magbenta kesa ipapahamak mo ang buhay mo." ------------- Nagliligpit na ng pinagkainan si Suzy ng tumunog ang cellphone ni Sandro. Nakita niyang si Leon ang nagmimiscall at nagpadala ng text message. From: Leon Sandro, Sa Sabado lima lang ang maglalaban sa mga karera mga hindi ba daw nakakasali kahit kelan. 1st prize 50,000, 2nd prize 30,000, 3rd prize 20,000, 4th prize 10,000, 5th prize 5,000 walang registration pay. Ano gusto mo isali kita? Puro mga bagito ang sasali aba sa tagal mo na nagmomotor baka ikaw manalo maski pangalawa o pangatlo ayos ang premyo. Reply asap. Napakagat ng labi si Sandro ng mabasa ang mensahe ng kaibigan. Tinignan niya ang asawa na naghuhugas ng pinggan. Magagalit ito kapag nalaman pero naisip din ang perang pwedeng kitain kung sakaling manalo. Isa pa ay parang ang sarap din talaga subukan na sumali sa karera ng motor. Sa normal na kalsada kasi ay hindi niya magawang humarurot dahil pagkain ang dini deliver o asawa ang sakay. Binasa niya ulit ang text at nagreply kay Leon. To: Leon Kelan ba? From: Leon Sa Biyernes na. Gusto mo ba? Napatingin siya sa kalendaryo miyerkules na ngayon kaya dalawang araw nalang pala bago ang karera To: Leon Hindi ba delikado? Sure ba 'yung prize? Sino ba ang mga sumali? From: Leon Si Ambet, Roger, Ino at Gab lang kilala mo 'yun diba sabi ko baka gusto kako ng kaibigan ko. Ang apat na 'yan naging customer ko sa shop hindi pa halos marunong sa motor kung ikukumpara sa iyo hindi nga marurunong magpalit gulong ang mga 'yan eh! To: Leon Sige sasali ako. Itutuloy  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD