CHARLOTTE PLEIA'S POV (Chary) HINIHIMAS-HIMAS ko ang tiyan ko habang kunwaring sinasabayan ng indak ang musikang pinapatugtog ko sa radyo. Sobrang sarap ng gising ko ngayong umaga dahil nagising na naman ako na si Yuji ang katabi. “Good morning, sweetheart,” malambing na tinig ni Yuji at saka niya ako hinalikan sa noo. “Good morning,” bati ko pabalik sa kanya. Yumakap ito sa likod ko at ipinuwesto niya ang mga kamay niya sa tiyan ko. Sinimulan niya ang paghaplos doon. Ipinatong niya ang baba nito sa balikat ko kaya hindi ko naiwasang hindi haplusin ang pisngi niya. “Lumalaki na si baby... ano kaya ang ipapangalan natin sa kanya?” rinig kong aniya. “Hhmm... ikaw talaga! Eh, hindi pa nga natin alam kung lalaki o babae si baby. At saka, huwag tayong magmadali, darating din tayo riya