Chapter 22

3517 Words

TADDIAH's POV (Tads) NAKUHA ko ang atensyon nilang lahat nang makapasok ako sa loob. Bongga ang event na 'to. Hindi mo inaakalang simpleng reunion lamang ito ngunit pinagplanuhan at pinaghandaan ko talaga ito. At para na rin kay Mrs. Pink para sa retirement niya sa University. Narito na kaya sila? Sinalubong ako ng halik sa pisngi ni Vice at iginiya niya ako sa table nila. Narito na rin si Clynt at Yuji na kasalukuyang naghihintay. “Beautiful as ever, Taddiah!” sambit ni Clynt na ikinataas ng kilay ni Vice. “Puwede ba, Clynt, huwag mo maganyan-ganyan ang girlfriend ko!” Siniko ko naman si Vice sa sinabi nito. “Ano ka ba?!” “Why? Isn't she beautiful? Maganda naman talaga si Tads since then kaya nga na-in love ka sa kanya, 'di ba?” pagtatama ni Clynt sabay inom niyong baso ng tubig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD