CHARLOTTE PLEIA'S POV (Chary) NILAGOK ko ang isang baso ng wine nang makapagsalin akong muli. Ilang araw na noong nakabalik kami ni Leo kay Yuji. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay nabuo kami ulit. “Hinay-hinay naman sa pag-inom, day!” Sinamaan ko ng tingin si Dana dahil sa sinabi niya. “I am celebrating, Dana!” bahagya pa akong natawa at saka uminom ulit. “Tagumpay ka na naman sa plano mo. Ano na? Ipapasa ko na ba ang korona sa iyo?” Nilingon ko ito. Nakaupo siya sa sofa habang ako naman ay nakatayo sa gilid ng mesa ko. Tinatanaw ko ang kabuuan ng lugar mula rito sa opisina ko. “I was born to win, Dana. Nasa akin naman na talaga ang korona. Sabi ko naman sa iyo ay magmamakaawa sa akin si Yuji para bumalik kami sa kanya. Ang sarap lang sa pakiramdam... alam mo 'yon?!” “Ikaw, ha? I