EPISODE 1

2267 Words
ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Kailan mo ba balak umuwi sa inyo?” pagtatanong sa akin ni Alona nang hindi tumitingin. Naghuhugas kasi siya ng pinggan sa lababo. Nakatalikod ito sa akin samantalang ako, nakaupo sa isang upuan malapit lamang din sa kanya at nakapangalumbaba sa mesa. “Bakit mo naman natanong ‘yan? Ayaw mo na ba akong nandito?” tanong ko. Magkasalubong pa ang kilay ko. Inihinto ni Alona ang ginagawa at nilingon ako. “Hindi naman sa ganun,” aniya at huminga nang malalim. “Naaawa na kasi ako kay Yuri. Halatang hindi nakakatulog ng maayos ‘yung tao. Haggard na ang mukha pero gwapo pa rin naman,” wika niya pa. Pinuri pa talaga niya? Hahaha! “Alam mo ba na araw-araw niya akong pinupuntahan para lang kumustahin ka at tanungin sa kung ano ba ang mga pinagkakaabalahan mo ngayon. Lagi ka niyang tinitingnan sa malayo. Gustong-gusto ka na nga niya iuwi sa bahay niyo pero hindi siya makalapit man lamang sayo baka kasi oras na lumapit siya, layuan mo lang siya or worst ay magalit ka sa kanya. Inaalala niya iyon palagi. Pakiramdam nga niya, ang layo-layo mo sa kanya,” mahabang litanya niya pa. “Naturingan pa naman siya na asawa mo pero hindi ka naman niya magawang lapitan man lang,” wika pa nito at muling huminga nang malalim. Iniwas niya ang tingin sa akin at nagpatuloy sa paghuhugas. “Mahal na mahal ka niya bes pero wala siyang magawa kahit na gustong-gusto ka na niyang mayakap at makasama.” Napaismid na lang ako. Anong magagawa ko? Hindi ko maalala ang lalaking iyon. Hindi ko siya kilala so bakit ako sasama sa kanya, ‘di ba? Baka mamaya bad boy siya, napasama pa ako. Simula kasi ng lumabas ako sa ospital, dito na ako tumuloy muna sa bahay namin ni Alona. Siya kasi ang gusto kong makasama ngayong wala akong maalala sa mga nangyari sa buhay ko. Simula nang gumising at magkamalay ako, maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko gaya na lang ng bakit nandun ako sa ospital ng magising ako? Bakit ang dami kong sugat sa katawan? Bakit may bandage nun ang ulo ko? Lahat naman ng tanong kong iyon ay binigyan ng kasagutan ni Alona. Lahat daw ng pangyayaring iyon ay naganap nu’ng Christmas Eve. Nalaman ko sa kanya na na-aksidente raw ako habang pauwi sa bahay nga raw ng asawa ko. Sakay daw ako ng kotse. Doon ko rin daw nakuha ang lahat ng natamo kong sugat sa katawan at ulo. Mabuti na nga lang at mabilis na gumaling ang mga sugat ko sa kahit saan mang parte ng aking katawan. Sinabi niya rin sa akin na may amnesia ako. Nagtataka lang ako kung bakit sila Alona, naaalala ko pero ang ibang taong naging bahagi na rin ng buhay ko. Isa pang malaking tanong na gumugulo sa isipan ko nun ay kung sino ang mga taong naroon sa ospital na unang nasilayan ng aking mga mata pagkagising ko. Lalo na iyong lalaking kitang-kita ko ang ligaya sa mga mata nito ng makitang gising na ako. Alam niyo ba ng magtama ang aming mga mata, nakaramdam ako ng hiya, ilang at kaba na hindi ko alam kung bakit. Nalaman ko na ang lalaking iyon pala ay ang asawa ko raw at kasama nito ang mga magulang na siyang mother-in-law at father-in-law ko. Siyempre, nagulat ako kasi malalaman ko na lang paggising ko, may asawa na pala ako. Lahat man ng sagot sa katanungan ko ay nabigyan ng kasagutan ni Alona, hindi ko naman maalala kung nangyari nga ba ang lahat ng iyon sa buhay ko. Para akong isang sanggol na walang muwang sa mga pangyayari. Ramdam ko nga na parang may kulang sa pagkatao ko. Sinabi man sa akin ni Alona ang lahat, may parte sa akin na parang ayaw kong maniwala. Lalo na iyong katotohanan na may asawa na pala ako, na kasal na pala ako. Umayos ako sa pag-upo. Tumingin ako sa aking kanang kamay at braso. Nakita kong nakasuot sa aking palasingsingan ang isang wedding ring at sa aking braso naman ay ang bracelet na may cherry blossoms na disenyo. “Siya ang nagbigay nito, ‘di ba?” pagtatanong ko kay Alona sabay turo ko sa aking singsing at bracelet. “Uhuh!” sagot ni Alona na nilingon pa ako at tumango pa. “Siya nga nagbigay sa iyo niyan. Nahubad lang sayo ang mga iyan dahil na rin sa bilin ng doktor pagkatapos sa akin muna nila ibinigay ang mga iyan para itago ko and then ayun, ibinigay ko ulit sayo para isuot mo,” saad niya pa. Tumango na lang ako sa mga sinabi ni Alona. Ningitian niya ako at ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya. Saan kaya galing ang mga ito? Itong wedding ring, malamang ito iyong singsing namin nu’ng kasal pero ito kayang bracelet, saan galing? Tumingin ako kay Alona na nakatingin rin pala sa akin ng diretso. “Sa tingin mo ba, dapat na akong umuwi sa kanya?” tanong ko. Ang tinutukoy ko ay si Yuri, ang asawa ko. “Oo naman! Uwian mo na siya para wala siyang uwiang iba,” pagbibiro ni Alona na ikinasimangot ko naman. “De! Joke lang! Kung ako ang tatanungin, uuwian ko na siya kasi asawa ko siya. Dapat nga siya ang kasama mo at nag-aalaga sayo ngayon,” bulalas niya. “Saka mukhang nahihirapan na rin ang asawa mo lalo na at malayo ka sa kanya.” Nagbaba ako ng tingin. “Pero kasi… hindi ko siya kilala, Alona. Sa totoo lang, naiilang ako sa kanya,” pag-amin ko. Kung makatingin pa naman ang lalaking iyon, kulang na lang pati lamang-loob ko ay makita niya. Nakakakaba. “At bakit ka naman maiilang, aber? Asawa mo naman siya,” aniya ni Alona na nagpupunas na ng kamay gamit ang bimpo dahil tapos na siyang maghugas. “Asawa ko na hindi ko naman kilala,” saad ko. Infairnes naman, ang gwapo ng lalaking iyon na asawa ko raw kahit na mukhang haggard. Edi siya na ang gwapong haggard! Humarap sa akin si Alona. Umupo siya sa sink. “Maaalala mo rin siya tange! Malay mo, oras na makasama mo na siya araw-araw, doon manumbalik ang nawala mong alaala tungkol sa kanya,” saad niya. Parang siguradong-sigurado siya, ah! “Alam mo kasi, hindi sa pinapaalis na kita rito, ang sa akin lang, dapat si Yuri ang kasama mo sa panahon na ito kung saan nangangapa ka pa sa mga alaalang nawala sayo. Siya ang asawa mo kaya dapat, hayaan mo siya na alagaan ka at ipaalala sayo ang lahat.” Nanahimik ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya. Gaya nga nang sinabi ko, sa tuwing makikita ko ang lalaking iyon, si Yuri, naiilang ako at the same time, kinakabahan na hindi ko maipaliwanag kung bakit. “Bes, umamin ka nga sa akin,” wika ni Alona na tiningnan ako ng mataman. “Ano namang dapat kong aminin sayo?” balik-tanong ko. Nagbuga nang hininga si Alona. Dumekwatro pa siya sa pag-upo at humalukikip ang mga braso. “Anong nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo siya?” tanong niya sa akin. “Anong nararamdaman ko?” patanong kong sambit. Tumango-tango si Alona. “Anong nararamdaman mo kay Yuri?” tanong nito na ikinaiwas ko kaagad ng tingin sa kanya. “Wala,” pagsisinungaling ko at kung saan-saan ako tumingin. “Kilala kita bes. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at kung kailan ka nagsasabi ng totoo,” litanya ni Alona. Edi wow! Tumingin muli ako kay Alona. Ningitian ko siya ng pilit. “Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong mo?” tanong ko. Tumango si Alona. “Oo,” sagot niya. Nag-aalangang napangiti ako. “Okay-okay,” sabi ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. “Alam mo bes, hindi ko nga rin maintindihan. Naguguluhan din ako. Sa tuwing nakikita ko siya sa labas ng flower shop natin nitong mga nakaraang araw at nakatingin sa akin, nakakaramdam ako ng matinding kaba and at the same time, sumasaya ako kapag nakikita siya. Feeling ko, kilalang-kilala siya ng puso ko kahit hindi ko naman talaga siya kilala. Basta ang g**o ng nararamdaman ko!” nalilitong sambit ko. “Kaya naiilang ako sa kanya dahil dun,” wika ko pa. Napapalakpak naman ng malakas si Alona na ikinagulat ko naman kaya napatingin ako lalo sa kanya. “Hindi magulo ang nararamdaman mo bes, sinasabi lang ng puso mo na mahal mo nga siya,” aniya na ikinagulat ko. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata. “Mahal? Eh hindi ko nga siya kilala kaya bakit ko siya mamahalin?” patanong kong sambit. Mahal? Talaga ba? “Oy bes! Utak mo lang ang nakalimot at hindi ang puso mo,” aniya ni Alona saka ngumisi. “Sinasabi lang ng sitwasyon mo ngayon na kahit na nakalimutan na ng isipan mo ang taong mahal mo, nananatili pa rin sa puso mo ang pagmamahal mo para sa kanya at hindi iyon mawawala kahit na isang daang beses ka pang mauntog at magkaroon ng amnesia,” aniya pa. “Mahal mo siya noon at minamahal mo siya hanggang ngayon kaya ganyan ang nararamdaman mo,” saad niya pa. “Pero hindi ko nga siya kilala o naaalala man lang so bakit sasabihin mong mahal ko siya?” tanong ko. Ewan! Naguguluhan talaga ako! “Ang kulit mo, bes! Sabi ko nga, ‘di ba? Utak mo lang ang nakalimot kay Yuri at sa mga alaala ninyo pero hindi ang puso mo. Sabi mo nga, kinakabahan at masaya ka sa tuwing nakikita mo siya? Natural lang na maramdaman mo iyon kasi mahal mo siya. Siya na ang nilalaman ng puso mo at hindi na siya diyan mawawala pa. Utak lang natin ang nakakalimot at hindi ang puso,” aniya pa. Nakatitig lang ako kay Alona. Pilit na ina-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Marahil ba na tama si Alona? Mahal ko nga ba ang lalaking iyon na hindi ko naman kilala o maalala man lang? Nagbaba ako ng tingin. Bakit ba kasi hindi ko siya maalala samantalang si Dominic naaalala ko at ang mga masasakit na ginawa nito sa akin? Dapat nga iyon ang nakalimutan ko at hindi siya na mahal ko raw, ‘di ba? Napaismid ako. Kailangan kong pag-isipan ang lahat ngayon. --- Lumabas na muna ako ng bahay dahil bibili ako ng ice cream sa convenience store. Habang naglalakad ako ay nagulat na lamang ako at nanlaki ang mga mata nang harangan niya ako. Bigla-bigla na lang siyang lumitaw! Ano na namang ginagawa niya dito? At ito na namang puso ko, wagas na naman kung makatibok. Kaloka! Napansin ko ang pagsilay ng kaunting ngiti sa labi niya habang nakatitig sa akin. Hay! Bakit ba siya ganyan makatitig? Naiilang na naman ako sa kanya. Nagbaba siya ng tingin. Anong meron? Bumaba rin ang tingin ko at nakita ko ang lupa. Pamaya-maya ay nagulat na lamang ako at humakbang ng isang beses paatras ang mga paa ko ng mas lalo siyang lumapit sa akin. “A-anong ginagawa mo?” kinakabahang tanong ko habang nakatingin sa kanya. Tiningnan niya ako ng mataman. Hindi siya nagsalita. Ngumiti lang siya saka nagbaba nang tingin. Nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang lumuhod siya sa harapan ko. Nakaluhod ang kaliwa niyang tuhod. Napalunok na lang ako at hindi makapagsalita. Nakasunod lang ang tingin ko sa gagawin niya habang puno ng kaba ang dibdib ko. Maya-maya ay bahagyang napaatras pa ang kanan kong paa dahil nilapit niya ang mga kamay niya doon. Natulala na lamang ako nang umpisahan niyang ayusin ang tali ng sapatos ko. Tila naging mabagal ang takbo ng oras at naging malabo ang paligid. Tanging siya lamang at ang ginagawa niya ang nakikita ko. Matapos niyang ayusin ang tali ay inayos rin niya ang isa pa pagkatapos ay tumingala siya ng tingin sa akin. Ningitian niya ako na lalong ikinakabog ng aking puso. “Sa susunod na lumabas ka, make sure na itali mo ng maayos ang sintas ng sapatos mo,” kalmadong saad niya. “Masakit madapa at isa pa, nakakasugat,” dagdag niya pa. Wala sa sariling napatango-tango na lang ako. Shet! Bakit ba mas lalo siyang gumwapo ngayon sa paningin ko? Umangat ang kanang sulok ng labi niya saka dahan-dahang tumayo. Tuwid siyang tumayo sa harapan ko. “Ako nga pala si Yuri,” pagpapakilala niya. Wala akong naging reaksyon sa sinabi niya. Mataman lang akong nakatingin sa kanya. Nagbaba siya ng tingin. Huminga siya ng malalim saka muli akong tiningnan. “Sige at maiwan na kita,” pagpapaalam niya. Wala akong naging sagot. Nananatili lang akong tahimik at hindi nagsasalita. Bahagyang ngumiti ang labi ni Yuri saka ako dahan-dahang tinalikuran at mabagal na naglakad palayo. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya kung saan kapansin-pansin para sa akin ang malapad niyang mga balikat. Napahinga na lang ako ng malalim. Iniwas ko ang pagtingin sa kanya at tiningnan ang puting sneaker shoes na suot ko. Tipid akong napangiti. “Parehas pala niyang inayos at hinigpitan ang sintas ng sapatos ko,” bulong ko habang nakatitig sa pares ng suot kong sapatos. Muli kong tiningnan ang nilalakaran ni Yuri. Nakikita ko pa rin siya kahit malayo na siya mula sa pwesto ko. “Salamat,” mahinang sambit ko. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Siya rin naman kasi, nakakagulat. Bigla-bigla na lang siyang lumilitaw. Mahina na lamang akong natawa saka kumibit-balikat. Pupunta na nga ako sa convenience store dahil siguradong hinihintay rin ni Alona ang bibilhin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD