Chapter 19

1629 Words

Nagpasya akong maligo nang mabilis. Gusto kong makausap ng masinsinan si Eloise sa nangyari. Hindi sa magpapakumbaba na ako, ang gusto ko lang ay maging malinaw sa kanya ang ginawa ko. Habang nakatapat sa malamig na tubig ay hindi ko mapigilan ang pagbaha sa isipan ng nakaraan. Dinala ako nito sa panahong nahuli ko siya. “Bakit mo nagawa sa akin ito? Anong mali ko? Anong pagkukulang ko? Hindi pa ba ako sapat?!” halos pumiyok-piyok ang tinig ko habang dismayadong nakatingin sa mukha ng asawa ko. “Ano pa ba ang kailangan mo na wala ako? Oras? Atensyon? Magkano ba ang kailangan mong pera? Magsalita ka! Magpaliwanag ka nang sa ganun ay maintindihan ko! Magpaliwanag ka!” Sa halip na sumagot ay tiningnan niya lang ako. Nanatiling tikom ang kanyang bibig. Wala ring kahit na anong emosyon ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD