Ang sinabing iyon ni Israel ang naging dahilan upang mapaawang ang bibig ng kanyang Uncle. Sa reaction niya mukhang hindi niya inaasahan na magiging ganun ang reaction ni Israel sa kanya. Lalo pa at hindi lang naman silang dalawa ang magkaharap dahil may ibang tao. Naramdaman ko ang matinding tensyon sa pagitan nila kahit pa mukhang hindi niya naman iyon intensyonal. Nang tingnan ko ang biyenan ko ay nakita kong gulantang din sila sa ginawang pagsagot ni Israel. My parents remained silent. Nagpatuloy sa pagkain. Obviously, they are not interested in what is being discussed at the dining table. “Okay, Israel. Naiintindihan ko. From tonight on, I will exclude political matters from our family gathering. I am very sorry for bringing this up tonight." his response sounds full of sarcasm. Hin