Hinayaan ko na igiya ako at tulungan ni Israel na muling maupo. Sa mga sandaling iyon ay para bang gusto ko na lang magpaalam. Gamitin ang kalagayan na dahilan upang makapagpahinga. Hindi pa rin kasi maalis ang kaba sa puso ko kada magtatama ang mga mata namin ng Uncle niya. Subalit, hindi ko pinush ang rasong iyon dahil baka isipin nila na nag-iinarte na naman ako. Kailangan ko pang makisama kahit saglit lang. “Sigurado ba talagang okay ka lang, Eloise? Iyong totoo? Walang ibang masakit sa katawan mo? Kumusta naman ang ulo mo? Hindi ka ba nahihilo? May iba ka pa bang nararamdaman? Huwag mong ilihim. Sabihin mo nang sa ganun ay agad kitang madala sa hospital at mabigyan ng gamot. Huwag mong hintayin na sobrang lumala ang sakit to the point na di mo na kayang tiisin.” Siguro ay sobrang o