Chapter 36

1648 Words

Naupo kami ni Israel sa mat next to each other. Pinanood namin si Lilo na tumatakbo sa harapan. Marami ring mga bata ang gumagawa noon kaya mas enjoy din sa kanya. Dinala ng yaya niya iyong bicycle niya para kapag napagod ay sasakay. Matamang nakasunod ito sa kanya. Ilang beses namin siyang sinabihan na hayaan na lang si Lilo na maglaro, pero ayaw niya sa aming makinig. Siguro dahil nakasanayan niya na. “Baka po madapa siya at magalusan, Madam.” Medyo tumaas ang kilay ko doon. Ano naman kung madapa? Kusa naman iyang babangon. Paano siya matututo kung laging tutulungan? “Parte na iyon ng pagiging bata niya, Yaya. Hayaan mo at babangon iyan. At isa pa, sa una ay iiyak iyan pero titigil din naman iyan.” Masama ba akong ina kung ganun ang mindset ko? Ewan ko ba. Parang nasa dugo ko na ga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD