Nang dumating kami sa school ni Lilo ay ang yaya niya lang ang bumaba upang sunduin siya sa kanyang classroom. Sinubukan kong gisingin si Israel sa lahat ng paraan but he was fast asleep. Malakas na humihilik habang nakasandal sa aking balikat. Nakapulupot ang dalawa niyang braso palibot sa beywang ko na animo ay yakap niya ay ang mahaba naming unan. Feeling niya pa nga yata ay nasa loob siya ng aming kwarto. I am sure na mahihiya siya kapag ginising ko pa. “Mommy—” I swiftly put my index finger to my lips para sabihin kay Lilo na huwag siyang maingay. Bilang masunuring bata agad siyang tumalima sa nais ko. Mariin niyang itinikom ang bibig habang ang mga mata ay kababakasan ng matinding takot. Subalit sandali lang iyon dahil nang makita niya ang ama na natutulog ay agad siyang ngumisi.