Tinungo na namin ang isa sa popular stores ng mall kung saan nagbibinta ng iba't-ibang klase ng units ng cellphone. Pagpasok pa lang sa loob ay binati na kami ng mga staff habang nakangiti na para bang pinaka-importante kaming customer. Of course, mabilis na kakalat sa lugar na ang Mayor ng bayan at ang asawa nito ay sa shop na iyon bumili. Dagdag trust points iyon sa mga mamimili dahil kami nga pinagkatiwalaan namin sila. It was a wise marketing strategy na sa bandang dako pa roon ay magagamit din nila. “Sandali lang, Israel.” pigil ko sa kanya na hinila ang isang kamay niya dahilan upang lumingon siya sa akin at harapin ako. Nawala ang kislap ng kanyang mga mata nang kumunot ang noo niya. He is now full of confusion at my action. Nagtatanong na ang mga titig niya sa akin. “You mean to s