Thinking about my response to Israel question made me remain silent for a second. Kahit na hindi ako nakikita ay alam kong dama niya iyon sa boses ko. Isa pa ay marami siyang mata dito. Mas maganda sana kung sa personal ko rin ito sabihin sa kanya. Kung sakali na magkagipitan man sa reaction niya ay may kontrol ako. Hihintayin ko na lang siguro siyang umuwi dito. “Wala Israel, wala namang problema. Matamlay lang ako buong araw. Nanghihina. Bukod doon ay wala na. Anong oras ka ba uuwi mamaya—” Naputol ang mga sasabihin ko ng malakas kong marinig ang tawag ng tiyo niya sa background. “Israel, bilisan mo na diyan. Hindi tayo pwede na ma-late at maiwan ng eroplano. Kailangan na nating magmadali patungo ng airport!” Eroplano? Airport? Sandali, ngayon na ba ang alis nilang dalawa? Bakit