Habang pinagmamasdan ko silang itulak ang hospital bed ni Eloise upang ilipat patungo sa operating room, feeling ko ay nabaon na sa kinatatayuan ang aking mga paa. Hindi ko maigalaw iyon, gulat na gulat pa rin ako sa hitsura niya. Parang panaginip lang ang lahat. Sa isang iglap lang ay nasa ganito na kaming sitwasyon na hindi ko man lang inaasahan. “I'm sorry to inform you this Mayor but napansin namin na nagkaroon ng bahid ng dugo sa utak ng asawa niyo, dahil siguro ito sa malakas na impact ng pagtama ng ulo niya sa windshield ng sasakyan habang nagmamaneho.” Halos hindi pumasok sa isipan ko kung ano pa ang tinutukoy ng doctor na humarap sa akin. Para akong lantang gulay na nakatingin lamang sa kawalan. “Kailangan pong maalis iyon as soon as possible para hindi na mag-create ng mas m