Nang magising ako the next morning, Israel was still sleeping soundly in our bed. Nakatihaya siya sa kama at halatang payapa ang pagtulog niya. Marahan na akong bumaba ng kama, doing everything that I can upang hindi lang siya maistorbo sa pagtulog. Feeling ko ay ang bigat ng buo kong katawan, kagaya ng aking ulo. Ganunpaman ay hindi ko magawang itago sa sarili ang kasiyahang aking nararamdaman nang dahil sa nangyari sa amin ng asawa ko kagabi. Nilamangan pa noon ang expectations ko na buong akala ko ay hindi na kami magkakasundo. “Gutom na gutom na ako,” mahinang usal ko nang marinig muli ang pagrereklamo ng sikmura. “Oo nga pala, we did not eat dinner last night.” Sa mga sandaling iyon ay nais kung kumain ng kahit ano na lang para matanggal ang gutom. Natatandaan kong ang huling kinain