Kabanata 1

1426 Words
"Ano yan? Ano yan?" Tanong ko sa mga babaeng mga kaklase nang makitang nagkukumpulan ang mga ito sa isang tabi. Lumapit ako sa kanila upang makiusyoso sa pinagkakaguluhan ng mga ito roon. Tumitili pa ang mga ito dahilan kung bakit mas curious lang tuloy ako sa kung ano iyong pinapanuod nila. "Ano yan Dinah?" tanong ko sa may-ari ng cellphone. "Coverer, Yen. Grabe, ganda ng bosses! Here, listen." Nilapit nito ang phone sa tainga ko. Una kong narinig ang tunog ng gitara and for someone who loves music and listens to music almost every time, I can say that his guitar tabs arrangement is very nice. Mas napamangha pa ako nang marinig ang boses ng lalaki sa likod ng video na iyon. Masasabi kong sobrang lambot at talagang nakakakilig ang boses nito. Iyong feeling ba na kahit hindi mo naman siya naririnig pero sa boses pa lang ay alam na alam mo ng gwapo na! "Diba, ganda ng boses no?" Ani ni Dinah na nilayo na ang phone sa akin kahit hindi ko pa naman natatapos iyong kanta at gusto kong tapusin dahil tila nakaka-addict ang boses ng lalaki. Napatango na lang ako. Pakikinggan ko na lang ulit ‘yon mamaya. S-search ko sa TY and d-download ko sa phone ko. "Yen! Tara na!" Tawag sa akin ng mga kaibigan nang mapadaan sa classroom naming ang mga ito. Tama nga pala, may pustahan kami ngayon sa bilyaran kaya agad akong napatayo to get my thinga para sumabay na sa mga ito. "Ayen,” Tawag sa akin ni Herks, isa sa mga bakla naming kaklase. Nilingon ko ito. “Stop going out with those guys. Ang ganda-ganda mo tapos sasama ka lang sa mga quarrelsome like them? Nagmumukha ka tuloy na tomboy." Maarteng ani nito na nagpangiwi naman sa akin. Umismid ako. Hindi nagustuhan ang sinabi nito, "kesa naman sa inyo ako sumama? Hindi ko Gawain ang mang backstab ng mga kaibigan, Herks. Masama yun!" I said and gave his friends a look para maintindihan ng mga ito ang sinasabi ko. Hindi ko na pinakinggan pa ang sumunod na sinabi nito dahil tumakbo na ako palabas. Alas tress na nang hapon kaya uwian na namin. Dumiretso kaming mag to-tropa sa tindahan ni Aling Treneng na may bilyaran. Nilagay namin sa kawayang upuan ang mga bag namin para hinatyin pa ang ibang tropa. "Magkano daw pusta?" Tanong ko kay Ivan[KM1] . Pustahan daw kalaban ang players ng kabilang university. "Hindi ko pa alam. Alas kwatro pa out ng mga ‘yon eh. Laro muna tayo!" ani niya at tinawag ang dalawang kaibigan naming na galing lang sa tindahan para bumili ng yosi. Lumapit sa gawi namin sina Simo at Gin, [KM2] binigyan ni Gin nang isang stick ng yosi si Ivan samantalang ako nama'y kumuha na ng tako sa lagayan at nilabas na ang mga bola. Hindi ako naninigarilyo, sila lang. Matagal ko na silang tropa pero never sumagi sa utak ko ang gayahin ang bisyo nila sa paninigarilyo. Ang bisyo lang sa pagbibilyar ang na-adapt ko mula sa kanila. Others may see them as bad influence on me, pero para sa akin ay hindi. Nakadepende lang naman talaga ‘yan sa tao kung magpapadala sila sa impluwensiya ng mga kaibigan nila o hindi eh. Ikaw pa rin naman ang masusunod kasi buhay mo ‘yan. So, if you want to be like them then, that’s your choice. "Yen, ikaw na!" Tawag sa akin ni Ivan mula sa gilid nang ako na ang titira. Nag one-on-one kami ni Ivan samantalang si Simo naman at si Gin ay nag one-on-one din sa kabilang mesa. Una kong pinatira si Ivan kasi wala pa ako sa mood maglaro. Magaling si Ivan. Sa kanilang lahat si Ivan ang natatanging nakakapagpa-challenge sa akin. Hindi sa pagmamayabang pero palagi akong panalo kapag sina Simo ang kinalaban ko. Minsan kasi kay Ivan natatalo pa ako. May tatlong bola pang naiwan na sigurado akong pinagbigyan lang ako ni Ivan na makatira kaya hindi ko na pinagbigyan pa ang kaibigan na makatira muli at inubos na ang tatlong bola ng walang palya. Pagkatapos kong ma i-shoot lahat ng yun ay bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina at kinuhang muli ang cellphone para hanapin ‘yong lalaking pinapanuod ng mga kaklase ko kanina. Nakalimutan kong kunin ‘yong pangalan ng account niya kay Dinah. "Van? Kilala mo ba ‘yong pinapanuod nila Day-nah kanina?" Tanong ko na sinadyang tigasan ang pag-pronounce sa pangalan ng kaklase naming. "Sino ‘yong song coverer ba kamo?" "Oo. Nakalimutan kong hingin yung pangalan, eh." Sabi ko sa kanya, pero hindi niya daw ito kilala kaya ako na lang ang naghanap. Hindi ko rin kasi alam kung anong title nung kinanta niya kanina kasi bago lang din iyon sa pandinig ko. "Wala pa ba sila? Tagal naman." Naiinip na ani ni Maximo o mas kilala bilang Simo. "3:40 pa pre." Sagot naman sa kanya ni Gin na ngayo’y naglalaro sa cellphone niya. Sa tropa namin, sila madalas ang nakakasama ko kasi nasa iisang university lang naman kami. Kaklase ko si Ivan habang ang iba naman ay sa ibang section, kaya mas close ako kay Ivan lalo na dahil High School pa lang kilala ko na ito. Meron pa kaming apat na barkada na sa ibang skwelahan naman nag-aaral, nagkawatak-watak dahil sa mga course na kinuha. "Anong sabi? Pupunta ba yung mga taga-UM na yun?" Tanong ko habang nakatutok at nakahawak pa rin sa cellphone ko. Letson! Ano ba kasing title ng kantang yun? Tuloy ay hindi ko mahanap-hanap. On bended knees yung last words na naalala ko sa kanta kaya yun ang sinearch ko. Marami ding nag cover nun but the most viewed video ang binuksan ko dahil alam kong iyun na talaga yun. Base sa gamit na gitara at damit ng lalakin. Agad kong tinap ang pangalan niya which made me visit his channel. Whoaa! Naexcite kong sabi nang makitang marami-rami na pala ang na-cover niyang mga kanta, at lahat naman iyon ay may maraming likes at views pati iyong number of subscribers niya and dami na din. Ang sikat na pala niya? Bat ngayon ko lang siya nadiscover? Agad kong sinubscribe ang kaniyang account and even tap the bell to notify me salahat ng mga new videos niya. Ang ganda ng arrangements niya, sobrang ganda sa tenga. Ang bawat pag lalaro niya ng daliri sa mga strings ng gitara ay napakasarap sa tengang pakinggan, para akong hinihele sa sobrang lamig ng bosses niya. Habang busy sa paglalaro ang mga kaibigan ko ay andoon naman ako sa isang gilid kinikilig na nakikinig at nanunuod sa mga videos niya. Nakaka-adik talaga! Pinanuod ko ang isang video niya kung saan maliban sa puting pader sa likuran niya ay ang mga labi at magagandang mga ngipin lamang ang ipinapakita nito. For the whole video ay ganoon lamang, transitions from his mouth at sa pagmamaniubra niya sa kulay itim niyang acoustic guitar. Tuloy ay parang gusto kong matutong mag gitara. I was still watching nang tawagin na ako ni Ivan. Nilingon ko ito. He pointed the door with his lips kaya napalingon ako sa gawi ng daan papasok at nakita ang apat na lalaking naka-uniporme pa at may tatak na UM sa may dibdib. Kasama nila ang mga kaibigan naming doon rin nag-aaral. Nagkamayan na silang mga lalaki habang tinanguan naman ako ng tatlong kaibigan na sina Rhyss, Aljubair at Jira. Pinatay ko muna ang phone ko at binalik saglit iyon sa bag. Lumapit ako sa mga ito. Hindi na ako nagpakilala pa sa mga bagong mga kasama nito dahil nasisiguro kong kilala na nila ako. Pamilyar ang mga mukha ng mga ito sa akin kaya probably ay nakakasabay na namin ang mga ito rito sa bilyaran ni Aling Treneng. "Pre, pustahan tayo one on one kayo nitong manok ko." Tinulak ako ni Rhyss sa mga kasama niya. Pagkatapos ay inakbayan naman ako ni Jira at hinarap sa mga kasama nilang hindi ko alam kung kaedad lang ba namin dahil samakapal at mataas na bigote nito pero mukha naman siyang tao. Ngumisi ang lalaki. “Jira, hindi ako pumapatol sa mga babae, no offense.” Ani nito na tiningnan ako pagkatapos at ngumisi. Tumango ako but didn’t help myself to ask, “Bakit? Dahil ba walang challenge o dahil natatakot kang matalo ng isang babae?” I said and grinned. “Pfft,” Ivan trying not to laugh. Ngumisi ako at ganoon din ang nakaakbay sa akin na si Jira. Mga ngising naghahamon na siyang nagpainis sa lalaki at napapayag na makipaglaro sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD