bc

Mellifluous Hearts

book_age16+
6
FOLLOW
1K
READ
band
lighthearted
game player
highschool
disappearance
self discover
love at the first sight
passionate
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Life wasn’t easy for Jame, bilang isang Timbreza parati siyang na p-pressure at nakokompara sa mga pinsan niya hanggang sa puntong napagod siyang ipaglaban ang kagustuhan niyang hindi naman pinapakinggan ng mga magulang niya. Sa mga panahong unti-unti na siyang bumibitaw sa pangarap niya ay doon naman niya nakikilala si Ayen, ang babaeng aahon at magtuturo sa kaniyang tanggapin ang mga bagay na nahihirapan siyang tanggapin noon.

chap-preview
Free preview
Prologue
Jame was singing while cleaning his guitar nang bigla na lang bumukas ng marahas ang pintuan ng kaniyang kwarto at iniluwa niyon ang pinsan niya na si Weather. Ang bunsong babae sa kanilang mga apo ni Don Venancio. Inis niyang binalingan ng tingin ang mga nakasabit niyang mga gitara na tila gumalaw dala ng malakas na pagsara ng pinsan sa kaniyang pintuan. Nagmukha nang tila isang studio sa dami ng instrumentong naroon sa kwarto ni Jame. Halos mapuno rin ng mga plaka ang pader niya dahil mahilig siyang mangolekta nang mga ito lalo na ng mga plaka ng mga paborito niyang kanta and artists. Maliban pa roon ay marami ding painting ang nakasabit sa kwarto niya na siya mismo ang gumawa. Agad na pinagtaasan ng tingin ni Jame ang pinsan na hinihingal pa. Dinungaw ni Jame ang hardin nila sa baba kung saan bago niya lang nakita ang pinsan roon kanina kasama ang iba pa nilang mga pinsan. Pinagkunutan niya ito ng noo. “Oh? Anong problema mo? Hinay-hinay ka nga lang sa pagpasok, baka mahulog mga gamit ko.” Inis niyang sabi pero hindi iyon pinansin ng nakababatang pinsan at tila mas na wo-worry sa hindi malamang dahilan ni Jame. Napakagat ito sa pang ibaba niyang labi. Halata ang pagdadalawang-isip sa mukha nito kung sasabihin ba nito ang nalaman niya kani-kanina lang. Dahil doon ay tumayo si Jame at inilagay muna ang kaniyang gitara sa lagayan nito. “May problema ba?” tanong niya muli. It took a minute bago ito makasagot. Weather shook her head and said “no” and was about to leave his room ng mapapikit siya ng mariin sa kaniyang mga mata at hindi nakayanang hindi sabihin sa pinsan ang nalaman. “Ano ba ‘yon? Sabihin mo na kasi.” “Kuya,” naiiyak nitong banggit na siyang nagpa-alala lamang kay Jame. Hindi niya alam kung ano ang problema pero nasisiguro niyang malaking problema iyon. “Bakit? Anong nangyari? What’s the problem?” lumapit sa kaniya si Jame. Lumunok muna ng laway ang babae bago ito kinakabahang magsalita. Hindi niya alam kung totoo ba iyong nalaman niya pero malakas ang kutob niya that it was really his cousin Jame dahil magkatulad na magkatulad ang boses ng nasa video at mga gitarang meron ang taong iyon sa pinsan niya. Kaya kahit hindi pa nito nasisiguro iyon ay sinabi niya sa pinsan ang nalaman. “Kuya… your identity was exposed.” She said na siyang halos nagpasimento kay Jame. Nanlaki ang kaniyang mga mata at katulad ng kaniyang pinsan ay napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi. Weather was just surfing in her social media nang dumaan sa newsfeed niya ang tungkol roon kaya naman agad niyang tinakbo ang distansiya ng bakuran hanggang sa kwarto ng pinsan para ipaalam ito rito. She knows how music is so important to him at mas mabuting ito ang unang makaalam tungkol roon bago malaman ng mga magulang nito dahil paniguradong makakatanggap na naman ito ng dissapoinment words mula sa Tito at Tita nila. Hindi agad nakasagot si Jame, tila nasimento siya mula sa kaniyang kinatatayuan at hindi agad na proseso ng utak ang sinabi ng pinsan “Wh-what?!” hindi makapaniwalang sagot nito that only proves Weather that it was true, na ang pinsan niya nga ang anonymous singer na iyon. Saglit siyang nagging masaya at naging proud sa pinsan pero agad din naman iyong nawala dahil sa current situation nilang iyon. Malaki ngang problema iyon. Oras na malaman iyon ng kaniyang mga magulang ay paniguradong tapos ang lahat. Sobrang gulong-gulo ng isipan ni Jame dahill hindi niya alam. Hindi niya alam kung sino ang gumawa sa kaniya nito. Wala naman siyang pinagsabihan sa sikreto niyang ito maliban nga lang sa isang tao. He shook his head. “No, no… she can’t do this to me. No,” he said ng paulit-ulit, pilit na hindi pinaniniwalaan ang mga binibigay na sagot ng kaniyang isipan. But who else? Wala naman siyang ibang pinagsabihan. Tanging ang babae lang, kaya wala siyang ibang taong dapat na suspektuhan, she’s the only one who knew about it. Hinanap niya ang babae. Pinuntahan niya lahat ng mga lugar kung saan madalas itong pumunta at nahanap niya nga ito sa madalas na pinupuntahan KTV bar, mag-isa ito roon and was a bit shock when she saw him entered the room. Nginitian niya ang lalaki pero nang makita niyang tila galit ang ekspresyon nito sa mukha ay agad naman siyang nag-alala. “May problema b-“ Jame cut her. “Ikaw ba ang may gawa nito?” he throws his phone beside her para makita nito ang ibig niyang sabihin. Kinuha niya iyon at tiningnan. She gasped immediately nang makita niya ang balita. “Si-sinong may gawa nito?” tanong din nito pabalik sa lalaki but Jame didn’t buy that act of her. Sa sobrang galit niya ay hindi niya napansin na namumutla at tila nanginginig si Ayen. Galit na galit siya dahil pinagkatiwalaan niya ito ng sobra but still, tinraydor pa rin siya nito. “Wag ka nang umarte pa Ayen, wala namang ibang nakakaalam tungkol dito kung ‘di tayong dalawa lang.” Nangunot ang noo ni Ayen. “Ano? Are you saying na ako ang may gawa nito?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ng babae. Katulad nito ay nasasaktan siya sa mga sinasabi sa kaniya ng lalaki ngayon. Paano nito nagawang paratangan siya when all she did was to protect his identity? Hindi makapaniwalang tumawa si Jame. He looked at her with insult in his eyes. “Now I know… now I know why you keep on pushing yourself to me, ito pala ang plano mo? Ang manira ng pangarap ng iba dahil hindi mo maabot-abot ang pangarap mo? You’re such a loser, Ayen… and I am so… I am so disappointed with you.” “J-jame...” she called his name to stop him. His words feel like daggers for her, sa sobrang tulis ng mga salitang sinabi nito ay dumiin ito hanggang sa kaniyang puso, dahilan upang mahirapan siya sa paghinga lalo na nang sabihin ng lalaki ang mga sumunod na mga salita… “Sana hindi na lang kita nakilala.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

His Obsession

read
73.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook