Chapter 8: BOLTS FROM THE BLUE

3465 Words
C H A P T E R 8 : B O L T S F R O M T H E B L U E “f**k! f**k! f**k!” Kasabay ng sunod-sunod na murang iyon ni Natalie ang pag-bangon niya paupo mula sa bath tub na pinagbababaran. Parang mapapaiyak na ay isinubsob niya ang mukha sa mga palad. It all just happened in one day but it seemed Natalie didn’t get the exhaustion she supposed to feel. Nang tuluyang makauwi siya kahapon mula sa kasal, inubos lang naman niya ang lahat ng enerhiya sa paglilinis ng malaking bahay ni John buong maghapon at halos buong magdamag. Malalim na malalim na ang gabi nang matapos siya. Hindi siya tumitigil hangga’t hindi niya nauubos ang lahat ng agiw at alikabok sa pamamahay na iyon, nagbabakasaling mahalungkat sa sistema kung tama lang ba ang nangyari na ni-reject siya ni Andres o tama iyong ginawa niyang pagpunta sa kasal ni Marga at ni Bradley. Hindi niya nahalungkat. Now Natalie was lost again.  “But the good news is, Natalie’s in, sir.” “Oh, no, Ivanna; this kid is out. After what she did, think how can she—we pull the operation off? Obviously, it was not only Bradley who became alert by now, Marga as well. You two know what it means? It means Marga would always play it safe and vigilant. All the time.” Matapos sabihin iyon ni Andres kahapon, mabilis itong nawala at naiwan sila sa kalsadang iyon ni Ivanna. The two of them were shocked at the moment. Ni hindi sila kapwa nakapagsalita at nagtitigan lang. Pagkahatid sa kanya ni Ivanna sa bahay, nagpaumanhin lamang ito, sa mukha ay nakabakas doon na parang nais siyang sisihin kalakip iyong matinding pagkadismaya hanggang sa pahuhurutin na lamang nito ang sasakyan paalis. Ang tagal ding natulala ni Natalie doon sa labas bago niya napagdesisiyunang pumasok na. Maybe it was a blessing in disguise, though. Kasi hindi pa naman siya nauubusan ng option. Bradley probably was thinking of calling her right now. Yup, it was not just Bradley’s mom’s ring that was inside the envelope; also, Natalie’s cell number. After she realized it was impossible to get her revenge on Marga by killing that b***h, nahinuha niya ring hindi siya ganoon kaestupida para maniwalang kaya siyang tulungan ni Andres. Walang kasiguraduhang matutulungan siya nito. Whatever it was in Andres’ proposal, pihadong konektado iyon kay Marga --- sa ama nito. Kung huhulihin ang ama ni Marga, na tipong parang hindi basta kayang gawin ng grupo ni Andres, ibig sabihin, ganoon katindi ang kapagyarihan ng ama ni Marga. DEA, FBI at CIA ang kasangkot, imposibleng walang data ang mga ito para i-inciriminate ang ama ni Marga. Kumbaga, madali lang kung tutuusin na gawin ang kung anumang operasyon ang tinutukoy ni Andres sa huling sinabi nito. Ang tanong, bakit parang hirap ang tatlong ahensya na gawin, na ang dating ay talagang kinakailangan ng mga ito na kasangkot pa siya sa operasyon? Kung anuman ang sagot doon, isa lang ang naunawaan ni Natalie, hindi niya kaya si Marga. Pinakamalalaking ahensiya nga ng Estados Unidos hindi kaya, ano pa siya na isang simpleng mamamayan lang, hindi ba? In layman’s term, 50/50 ang posibilidad kung talagang matulungan siya ni Andres na patayin si Marga. Unang option ni Natalie si Andres at hindi gugustuhin ni Natalie na mag-stick lamang sa iisang option na walang kasiguraduhan. Kailangan niyang i-secure iyong pangalawang option niya: ang ibigay ang naturang sobre kay Bradley nang sa gayon ay magkaroon siya ng pagkakataong makausap ito. It was only Bradley she could trust. Bukod pa roon, ganoon lang naman kasimple ang sagot sa problema niya sakali mang hindi uubra iyong “tulong” ni Andres --- kausapin si Bradley at sabihin dito ang nangyari, tapos ay bahala na. Problema lang niya, iyon ay kung tatawag si Bradley. Hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap. Maraming posibilidad: paano kung tinanggap nito ang sobre tapos ay nalimutan na nitong tingnan iyon at natambak na lamang sa bulsa nito tapos ay napunta sa laundry at kinuha na ng isa sa mga kasambahay ang singsing nang hindi sinasabi kay Bradley? Paano kung binuksan nga ng lalaki ang sobre pero hindi nakita iyong loob kung saan nakasulat iyong numero niya? Masabi mang hindi nangyari ang mga iyon, kabisado pa rin naman ni Natalie si Bradley. Anumang klase ng sulat na matatanggap, may sobre man o wala, he had this practice to open it himself. Sa isip kasi nito ay galling iyon sa isang fan o isang hater. Bradley cherished his fans, even his haters. Ito ang magbubukas niyon. Kung buksan man iyon ni Bradley sa harap ni Marga, wala namang kaso sa kanya. Natalie only wanted Bradley to call her. Ang kaso nga lang, hindi pa ito tumatawag. “f**k!”  Padabog na tumayo na lamang si Natalie mula sa bathtub at naligo na, nagbihis, humigang pikit man ang mga mata ay hinihintay na mag-ring ang kanyang phone. Pero imbes na ringtone, iyong paglapat ng kung anong malamig sa noo niya ang nagpamulat sa kanya. The room might be dark, but because the moon was full that night, she was able to grasp the moment that there was an intruder --- a man, in her room who was now holding a gun and pointing it right on her forehead. “Don’t worry, you won’t be able to feel the pain, Natalie. Just close your eyes,” anang lalaki. Natalie didn’t close her eyes. Bagkus ay tinitigan niyang maigi ang mukha ng lalaki. Naka-corporate suit ito bagaman hindi naka-coat. Hula niya ay mas matanda lamang ito ng ilang taon sa kanya. Dahan-dahan ay umupo si Natalie kapagkuwan, nakatingin lamang sa lalaki. Gayuman ay nabigla ito marahil, nakasunod pa rin iyong tutok ng baril sa noo niya. Well sino nga ba naman ang hindi magugulat gayong halata namang naroon ang lalaki para patayin siya pero hayan si Natalie at relax na relax lang. Luckyly, Brian taught her well when it comes to that kind of scenario. “You talk too much, you know.” Sukat na walang senyales at basta na lamang niya dinakma iyong nguso ng baril. Because of that intidimidation she was doing, she had her chance to get the gun from the man’s hand. Sinipa niya ito sa tuhod. Dahil nawalan ito ng balanse at bahagyang napayuko, gamit ang hawakan ng baril ay binatukan niya ito. Mula roon, mabilis na tumayo si Natalie, isinilid ang baril sa garter ng pajama niya saka mula sa likuran ay muling sinapa ang lalaki sa likurang tuhod nito. Nawalan ito ng balanse, nagawa niyang hablutin ang braso nito saka ipinilipit iyon papuntang likod nito. Nasubsob ang lalaki sa sahig. Pero hindi tinigilan ni Natalie ang pagpilipit sa braso nito. Kinuha niya ang ang baril nakaipit sa beywang niya saka itinutok iyon sa lalaki.  “You should’ve killed me the moment you enter my room, mister. Who ordered you to kill me?”   Pero tanging daing lang ang isinagot ng lalaki. “Answer me, son of a bitch.” Mas lalong ipinilipit niya ang braso nito. “Who! Is it Marga?” “Andres! Andres Garza!” ~~**~~ “What exactly is the game are you playing, old man?” Natalie shouted at top of her lungs as soon as she entered the room. Hila-hila niya sa collar ang lalaking pinasok ang bahay ni John kanina. On the other hand, all the people in that room turned their heads in her direction. Awang na awang ang mga bibig ng mga ito, gulat na gulat, puwera lang kay Andres at sa isang babaeng katabi nito. The woman was Pinay and looking at her as if she was fascinated. Magkagayunpaman, tulad ng iba pang naroron, hindi ito agad nakapagsalita, lalo na si Andres. Sino nga ba naman ang makakapagsalita agad gayong ang lalaking hila-hila ni Natalie, puno ng dugo ang namamagang mukha at halos hindi na makilala. Ang sabi, confidential meeting daw  ang nagaganap sa kuwartong iyon. Federal law directors and officials daw ang naroroon at hindi siya maaaring pumasok. But Natalie didn’t care. She was so infuriated of why Andres wanted her to be dead. Unang-una, hindi naman siya ang lumapit sa mga ito. Pangalawa, hindi siya kailanman nanghingi ng tulong, saka lang siya humingi kay Ivanna noong nag-alok ang mga ito ng tulong. Tapos siya pa ang papatayin? Pangatlo, “You think I’m that slow-witted to believe you really wanted me dead?" Halos lumabas ang bawat litid ni Natalie habang nakatingin sa matanda. "You’re working with federal agencies, so to speak, you have men --- skilled men --- to kill me. Instead, you brought this man in? Is this some kind of a joke? A test?” Parang bored na napabuntong-hininga si Andres. Sa pagtayo ng ibang mga tao na naroroon, nagtanong naman ang Pinay sa matanda, “Who is she?” Saglit na sinulyapan pa muna siya ni Andres. Tumayo ito bago hinarap ang nakatayo nang Pinay. “A . . . prospect, Eve.” Again, the Pinay, who just named by Andres as an Eve, stared at her. Kahit noong naglalakad na ito kasabay ng iba pa palabas ng silid, hindi siya nito tinantanan ng titig. Unlike the others that were wearing corporate attire, the Pinay was in casual wear: pair of jeans and a long-sleeved blouse. Bagaman ay isang baril ang nakasukit sa beywang nito. The woman looked young. Baka nga mas matanda pa siya rito ng ilang taon. Hinila nito ang lalaking binugbog niya palabas ng silid.   Naiwan sila ni Andres. “How do you know I’m here, and how the f**k were you able to get in here?” tanong ni Andres, umupong kinuha ang isang folder. Binulatlat nito iyon ay doon na natuon ang pansin nito. “Ivanna. She gave me her ID pass.” Naihagis ni Andres pabalik sa mesa ang naturang folder. “God! That woman.” Napailing-iling ay iniangat nito ang tingin sa kanya. “About your question a while back, no; this isn’t a test, kid. I really want you dead. I guess, I underestimated you.” Confused, her brows crumpled, giving the old man an it-doesn’t-make-any-sense-look. “You have enough knowledge of things you aren’t supposed to know, that’s why," ang tugon ng matanda. “But was it my fault when in the first place you let me know things I weren’t supposed to know the fact that you have decided I’m out of whatever operation you’ve been working? I said I was in, but you got me out!” Her voice was calm, but the annoyance was there. “Regardless, I still have to get rid of you.” Sukat nilabas nito ang baril, kinasa iyon saka itinutok sa kanya. Hindi agad nakaimik si Natalie sa puntong iyon. Kalakip ng pagkairita ay nangamba rin siya kahit paano. Hindi siya maaaring mamatay hangga’t naroon si Marga kasama ang anak niya at ang anak ng ate niya. “Well then, I can’t die, old man. It’s either you let me in or---” “But I want you out, kid. I was wrong to see you were perfect for this operation. You were impulsive, you let your emotion stands in your way. I thought that after of what you’ve been through, you've learned to set aside your emotions to get what you really want. You’ve compromised the operation, kid. You get it?” Kung bakit nanginit ang mga mata niya, pinaglabanan na lamang niya iyon. Iyong galit, napalitan ng kung anong takot. Hindi niya tanggap na hanggang doon na lang talaga siya. Marahil, magagawa pa niya na iwasan ang balang ibibiigay sa kanya ng matanda. Makakaya niya ring makipaglabanan dito pero imposible nang makalabas pa siya sa lugar na iyon ng buhay. That place was after all, a military base. And it was not just a military base; it was situated in New Mexico and was the widest military base of United States. Himala na nga lamang na nakapasok siya roon; nagawa niyang i-blackmail iyong lalaking nagtangkang patayin siya. He was telling to every staff and soldiers out there that it was okay, it was just misunderstandings and they were there to talk to Andres Garza. Nakapasok man siya, mukhang hindi na siya makakalabas pa. “Have you ever had a child in you life, Mr. Garza?” tanong niya, at ikinaptda iyon ng matanda. Sa reaksiyon pa lamang nito ay alam na niya ang sagot. Nagpatuloy siya, “I did what I did – sending that f*****g ring to Bradley --- because of my kid. Aside from getting an assurance I’ve got to have another option to get what supposed to be mine, I have to make sure Bradley would never, ever take his eyes away from my son by making him realize that he had to have a doubt it was not me whom he just married. I’m not doing this because I wanted Bradley to get back, I’m doing all of this because of my son. If his safety would be compromised, then what’s the point of me doing all this s**t? Tell me?” Napatango si Andres, “Well that’s the point, Natalie, because what if something happens --- your son suddenly dies and the operation has not even started yet? How are you able to fulfill your responsibility to us?” “I’d still do my responsibility as long as I am assured I would be able to kill Marga, I promise.” Pikit-mata lamang niyang sinabi iyon. She just made a promise but she was not sure if she could do it. Because again, she didn’t even know what responsibility Andres was talking about. Wala siya ka-ide-ideya kung ano nga bang klaseng operasyon ang sinasabi nito. However, in the end, with her current situation: Andres was to kill her, she had no choice but to make a promise. At parang nais na lamang niyang pumalahaw ng iyak. “You’ve been assured, Kid. But I don’t think you got what it takes to pull off the operation.” “And what makes you say that when you haven’t even tried me?” she was challenging the old man. Andres suddenly shifted his seat. Napakrus nito ang mga braso sa dibdib saka siya sinuri. Parang nag-iisip ito, sinusukat kung gaano katotoo iyong hamon na ibinibigay niya rito. Kapagkuwan ay tumayo itong naglakad patungo sa pinto. “Come with me.” She did. Lumabas sila mula sa silid na iyon, mula sa gusaling iyon. Sumakay sila sa isang military vehicle, huminto sa isang maliit na establishimiyento. Nang makapasok sila roon, saka niya lang nahimuha na isa pala iyong elevator. Dinala sila ng sasakyan paibaba – underground. It took two minutes before they arrived. It was a long hallway. Magkakasunod na pinto sa magkabilang gilid. Bago pa man sila makarating sa dulo, isang pinto ang pinasukan nila. Doon, bumungad ang isang taong nakaupo, nakatali ang mga kamay at paa sa isang upuan. Marumi ang damit, nangigigitata. Natalie might be overreacting but she never had smelled that type of stink in her life. Magkakahalong panghi at amoy dumi ng tao ang umaalingasaw sa maliit na silid na iyon. Kalakip niyon ang sandamakmak na suka. Tambak din sa likuran nito ang malalaking water container na wala nang laman. Natalie was about throw up if it was not because of blood stains on thar person’s clothes. He . . . or she had been tortured. Kung lalaki man ito o babae, hindi siya sigurado, isang sako ang nakabalot sa ulo nito. Sa gitna ng pagkagulat na iyon, napalunok na lamang si Natalie nang ilahad ni Andres sa harap niya ang isang hand gun. Awang ang bibig, hindi siya nakaimik na napalingon sa matanda. “He’s one of Guerrero Chavez’s subordinates. I’ve been asking him who are the other leaders of the Tijuana Drug Cartel but he never broke off.  He’s now suffering from severe infection and dehydration. You must help him to ease his suffering, kid.” The way Andres said those, it was as if he was just ordering her to buy him some cigarettes in a convenience store. Kaswal na kaswal ito at parang isang normal na bagay lang iniuutos sa kanya. Nagdulot iyon ng hindi maipaliwanag na kilabot kay Natalie. Isang pagkatigas-tigas na bagay ang biglang bumara sa lalamunan niya. Hindi pa rin siya makapagbigay ng reaksyon. “No, please, no,” sumamo ng lalaki, halos pabulong. His accent was just exactly Andres’s accent --- thick Spanish. “I have a family, I have two kids. Please. Have me rot me in jail if you want but don’t kill me, please.” Natutop na niya ang bibig. Ngayon ay talagang nasusuka na siya. Bagaman, sa kabila ng pagmamakaawang iyon ng lalaki, parang walang narinig si Andres. Napailing lamang ito. Iniaabot pa rin sa kanya ang baril ay sinabi ng matanda, “I am now trying you, Natalie. This is it. So what are you waiting for?” She tried to held back her stomach from contracting but unfortunately, she couldn’t do it. Napatalikod siya mula sa lalaki at halos takbuhin ang sulok ng silid. Doon ay nagsusumuka siya. Natawa ang matanda. “As what I’ve expected. You don’t have the guts to—“ “Just wait, okay?” aniya, “I’m trying to let everything sink in . . .” “Once you’re in the field, you don’t have that much of time to let everything sink in, or else you gonna die.” I’m gonna die . . . was the only thing that sank into her. Thus, she grabbed the gun, didn’t even have the time to look how her hand that was holding the gun shook like crazy, how the gun put a lot of weight in her arms. Ipinikit na lamang kasi niya ang mga mata saka basta na lang kinalabit ang gatilyo. As the next seconds passed, all she could grasp on was her eardrums and every fiber of her being got shivered because of the two gunshot. Nanatiling nasa ere ang kamay niyang may hawak sa baril at parang wala na siyang lakas pa para ibaba iyon. Kung napatamaan niya ba ang lalaki, hindi niya alam. Her eyes were still closed . . . kung hindi lang nagsalita si Andres, “That’s what I’m talking about, kid.” Parang may sariling isip na lamang iyong mga mata niya nagmulat. Nang bumungad ang dugong umaagos sa damit ng lalaki, noon lang niya natagpuan ang tinig, maging ang lakas na ihakbang ang mga paa upang tumakbo papuntang pinto, buksan iyon at lumayo sa lugar na iyon. “Oh my God! Oh my God!” Paulit-ulit na umalingawngaw iyon sa hallway. Hanggnag sa natagpuan na lamang ni Natalie ang sariling muling nagsusumuka pagkalabas na paglabas ng elevator at ng maliit na establlishimyentong iyon. Ni hindi na nga niya alintana kung paano niya isinampa ang kamay sa braso ng isang sundalong guwardiya sa pintuan ng establishimiyento. Her knees were shaking. Kung hindi siya makakanap ng mahahawakan agad, siguradong babagsak siya sa lupa. God! She never expected that she was going to kill somebody, and she never signed up for that. But unfortunately, she did just kill a man. Sa isiping iyon ay lalo siya nagsusumuka. It took a while before she pulled herself together. Nang pumihit siya, nagbabalak siyang sugurin si ANdres at suntukin ito sa pagmumukha. Bagaman hindi lamang ang matanda ang nabugaran niya, kundi maging si Ivanna. Isang IPad ang hawak ng babae at ipinapakita nito iyon kay Andres. Saka lang sumuot sa limang pandama niya iyong tunog na nagmumula sa naturang gadget. I give my heart to you with all my heart . . . The music kept playing . . . or maybe the video. Sa siste ni Andres at Ivanna na nakatutok sa screen, hindi lamang iyon audio. Natalie couldn't see it but it was obvious it was a video of her, singing --- and probably a video that was taken from Bradley’s wedding. “Well, kid. Guess you are now a celebrity. A video of yours posted by your best friend got viral,” anang matanda. “Lira . . .” hindi niya nakita ang kaibigan nang araw na iyon. But then Natalie was shocked again. Malamang ay na-late ito sa kasal kaya hindi niya rin napansin. Maglalakad sana siya, bagaman sumagi na naman sa balintataw niya ang ginawa niyang pagpatay kani-kanina lang . . .  Sinabayan pa iyon ng pag-ring ng kanyang phone. Dahil sa sandamakmak na pagkabigla, out of habit ay basta na lamang niya hinablot ang phone mula sa kanyang bulsa saka sinagot ang tawag nang hindi tinitingan kung sino ang tumatawag. “Hello? Natalie? Is that you?” anang boses sa kabilang linya, at halos panawan na lamang si Natalie ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD