Chapter 9: Two in One

1864 Words
C H A P T E R 9 : T W O I N O N E "ARE YOU able to come home for dinner?" Bradley hesitated to answer the question. Isa iyon sa mga tanong na ilang ulit niyang iniwasang magbigay ng kongkretong kasagutan sa loob ng mga lumipas na walong buwan. Nakaliligtas naman siya kahit paano; naging abala nga naman kasi siya sa guestings, sa gigs at sa concert niya. Gayunman, maraming beses na ring nawalan siya ng pagpipilian kundi ang makasama ito sa pagkain. His wife . . . Natalie, was very supportive. Karaniwang sinusorpresa siya nitong puntahan sa mga lugar kung saan man siya naroroon. Ah, minsan parang gusto na lang niyang malunod sa kung anumang pagmamahal na ipinapakita ng asawa, kung pagmamahal man ang tawag doon. Hindi naman literal na nasosorpresa si Bradley sa mga ginagawa ng asawa ay nagkataong nadidismaya pa rin siya, kasi nga ay wala siyang pagpipilan kundi ang makisakay. Bradley already knew who his wife was, and all thanks to a strand of her hair. He might be that stupid to marry her, but he was not completely stupid enough not to know how powerless he was. Luckily, he knew someone he could trust; a friend of his owned a security agency; Bradley hired one to spy on Natalie; he knew everything what she was doing. Despite all, his hands were still tied; isang maling galaw, gaano man iyon kaliit kung saan mahahalata ni Natalie na aware na siya sa totoong nangyayari, jeopardized ang kaligtasan ng mga taong hindi nararapat na masangkot sa kung anumang kabaliwan ng asawa niya. "I'll try." Bradley stood up from his seat. Nilagok niya iyong natitirang kape sa tasa niya saka tumayong napipilitang lapitan ang nakaupong asawa at hinagkan ito sa labi. "You know I have to work hard to keep your safety, especially now, our second baby is about come out anytime soon." His wife was fake, Bradley even hated her but the life inside her was still his child; he still cared. Mahal nga naman ang pagpapasahod sa security na nakapalibot sa kanila--security na si . . . Natalie ang pumili noon para magbantay sa kanila sa kadahilanang paranoid itong nasa paligid lamang si "Marga". "And you know you don't have to." Kaswal ang pagkakasabi niyon ng asawa. Sa pagtalikod na akmang maglalakad sana ay natigilan si Bradley, napalunok din. Sigurado siyang walang nakapansin sa pagkagulat niyang iyon sa kabila ng limang security na nakapalibot sa kanila. They were in the garden where they just had a breakfast. Ang dalawang bata, sila Prince, ay nasa hapag pa rin at pinakakain ng kanya-kanya nitong mga tagapag-alaga. Well, si Prince ay pinakakain na ngayon ni Marga. Ah, nobody knew how Bradley stayed vigilant 24/7 for the past months. He even had plotted things that he felt like he was the most despicable human being just to fire the two nannies because he didn't trust them. Si Marga rin kasi ang nag-hire sa mga iyon. Kaya ang siste, nakahanap ng pagkakataon si Bradley na kumuha ng mga skilled na tauhan ng kaibigan niyang may security agency upang mag-undercover na mga nanny masiguro lamang niya ang kaligtasan ng mga bata. Masabi mang ganoon, hindi nawala ang agam-agam ni Bradley--baka nakakatunog na ang asawa. Now there he was, trying to process what his wife just said. Napapihit siya paharap dito. "I'm still earning quite enough even if I'm just a housewife. I owned stocks from different companies, so . . ." May lungkot sa mga mata ni Natalie. Bradley wished that that pain was true, that that sensitivity Natalie had been showing was real. But no. Alam niyang hindi ito pumipirmi sa bahay. Alam niyang binabayaran nito ang dalawang nanny para manahimik. Yet, who knew, maybe his wife knew he knew it. "Oh, Nat, I didn't mean to--" "No, it's okay. I just want you to know that you don't have to exhaust yourself, we're husband and wife; we should be helping each other." May kung anong pagkamuhi sa sistema niya nang pilitin niyang ngumiti. "Okay. Well, after I finish Jeff's song, I won't accept any hustle and will just focus on my own songs and get things done for the Asian leg." Ngumiti si Natalie. "That's the last leg of your concert tour right?" "Yes." Muli, nilapitan niya ito. Sa pagkakataong iyon ay ang tiyan nito ang hinagkan niya. "Call me as soon as possible if . . . you know . . . it's happenning." Kaunting paalalamanan pa ay tuluyang nakalabas na si Bradley sa malaking property na iyon. God! Kailanman ay hindi siya nagsisi sa mga luhong binili niya mula sa perang pinaghirapan. Pero nitong huli, kulang na lamang ay maiyak siya sa tuwing nakikita niya ang bahay at malaking lote na binili para sa inakala niyang totoong asawa niya. Bradley shouldn't have sold Isla Ruiz. Bumuntonghininga ay hinugot na lamang niya ang phone mula sa bulsa, ikinabit sa bluetooth ang earphone. Pero imbes na iyong demo na ginagawang kanta para sa isang sikat na singer ang pinakinggan, napunta siya sa vidyTube at hinanap ang channel ng isang sikat na singer sa social media--Zeneya. The channel still had no newly uploaded video since yesterday. Bagaman ay hinanap niya roon ang isa sa mga cover songs nito. He played it and listened, closing his eyes and feeling every note Zeneya hit in that song. It was one of Bradley songs. And never had he denied that the song became more exceptional. Siguro ay dahil si Natalie ang nag-arrange ng kantang iyon noon --- 'iyong totoong Natalie. At siguro ay kaparehas ng timbre ng boses ng mga ito, maging sa paraan ng pagkanta. Bradley used to think that Zeneya was Natalie. Kung bakit ay dahil na rin sa kumakalat na mga video na isa itong rider na nagmamaneho ng pulang Ducati. Natalie used to have a Ducati herself. Nakita niya iyon noon sa Hacienda Dela Vega. Kumbaga, maraming pagkakapareho ang mga ito, pero ang masaklap, wala pang nakakakita sa mukha ni Zeneya, kung sino ba ang nasa likod ng mga viral videos nito. Tanging mga kamay lamang kasi nito na tumitipa sa piano ang nakikita. Maraming espekulasyon na isa itong Latina na nahaluan ng African heritage dahil sa timbre ng boses. Pero hindi sigurado dahil wala ring makatukoy kung morena o maputi ang babae. The lightings on her video was lit with neon LED lights coming from piano keys. Not to mention that all of the famous artists that this socmed sensation had collaborated with had never seen her face. Yup. Ganoon ito kagaling, na tipong nakatatanggap ito ng offer mula sa magagaling at sikat na artist. And Bradley took it personally when Zeneya herself rejected his proposal to collaborate with her. Damn! Bradley was the first one on the line who offered that proposal. Hindi pa ito sikat noon gaano, papasikat pa lang. He took it personally because Bradley was the one who posted the video of her singing at his wedding. Sa video na iyon ito sumikat pero ano ang nakuha niya? Tatlong rejected proposal lang naman. Gayunman, hindi rin niya masisisi ito kung bakit siya nito nire-reject. Unang pagkakataon pa lamang kasi na tinawagan niya ito ay inakusahan niya itong ito ang nagpabigay ng sobre--na ito si Natalie. Ewan din niya kung anong sumigid sa utak niya bakit niya iyon ginawa. Nagkataong hindi siya mapakali nang araw na iyon nang hindi man lang nagsalita at basta na lamang binabaan siya ng linya ng taong tinawagan niya sa numerong nasa loob ng sobre kung saan nakalagay ang singsing ng ina. "F*ck this!" Sa huli ay tinanggal na lamang ni Bradley ang earphone sa tainga saka nilingon ang sasakyang nakasunod sa kanila. Puro bodyguards niya iyon. Bodyguards na natural ay hired ng asawa niya upang magbantay sa kanya. Tuluyang mapu-frustrate na sana kung hindi lang niya nasipat sa nadaanang isang coffee shop ang isang babaeng naka-helmet at papasakay sa kulay pulang big bike. Bradley never expected he would seen the girl rider. Maraming sabi-sabi na namamataan ito sa L.A pero ngayon lamang niya nakita ito. Malas lamang niya dahil mabilis ang usad ng traffic. Nakalampas na ang sinasakyan niya bagaman nakalingon pa rin siya sa direksyon nito. May mga paparazzi'ng panay sa pagkuha ng litrato sa naturang babae. Bradley's chest kept pumping so hard he wanted to tell the driver to stop the car. Bago pa man niya magawa iyon, nakausad na ang babaeng nagmamaneho ng motorsiklo at mabilis silang nalampasan. Anong swerte lang ni Bradley; papalapit na sila sa crossing kung saan naabutan ito ng pulang ilaw. Now the car where he was in was right beside the girl rider. Hindi siya nagdalawang-isip na ibaba ang bintana ng sasakyan. Walang malay ang babae bagaman sinigurado ni Bradley na maririnig nito ang tinig niya. "Nat . . ." The woman turned and looked at him as soon as she pulled up the razor of her helmet. Those hazel browns . . . Mataas na ang araw kaya sipat niya ang kulay ng mga mata nito. But then the fire that quickly lit up in his system suddenly being seemingly put down by rain when he realized her skin was tan, not fair. She was not Natalie. "Mr. Cayne." Kulob na tinig pero napakalinaw. They called each other's name as if they were greeting each other. Noon siya natigilan. They stared. He wanted to speak. His guts kept telling him it was her. But then there were no words to be said; definitely, it was her, Natalie, and probably today's socmed sensation. Wala pa man ay saka lang niya nahinuhang nakaalis na ito at umusad na ang traffic. Hindi na siya nagsayang pa ng segundo; tinawagan niya ang kanyang manager. This time, Bradley would not accept no from Zeneya. Kung kinakailangan niyang maglabas ng milyong dolyar mula sa sariling bulsa um-oo lamang ito ay gagawin niya. *** BRADLEY waited. It was six in the evening but still there was no answer from Zeneya's team. Milagro na nga lamang na nagawa niya ang dapat niyang trabahuin ng araw na iyon. The song demo he produced passed Jeff's approval. Nagkaroon ng selebrasyon sa isang hotel at balak pa sana niyang mag-stay pa roon--kung hindi lang nag-ring ang kanyang phone at rumehistro ang numero ni Lira. "It's happening, B." Malaking kasalanan ba kung humalo ang pagkadismaya niya at pagkasabik? Naiiling na agad na pinutol niya ang tawag nang hindi sinasagot ang sinabi ni Lira. "You okay, B?" tanong ni Paige na katabi niya sa bar counter. "The baby is coming." "Woah!" Napalakas ang pagkakasabi niyon ni Paige na halos lahat ng tao ay napalingon sa gawi nila. But then Paige kept on. "B's baby is coming out!" The people around him celebrated and congratulated him as soon as he stood up. Pekeng ngiti lang ang ginawa niya, magpapalam na sana pero biglang lumapit sa kanya ang kanyang manager, inilapit ang bibig sa kanyang tainga. "Zeneya's team has accepted your million dollar offer, B." Namilog ang mga matang napatingin siya rito. Hindi na siya nakapagsalita. "And," wika muli ng manger, "she wanted to meet you now." "She," aniya, "you mean Zeneya." "Yes, B. Zeneya Eve herself."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD