CHAPTER 29 - Serious "HOW'S your school?" Bahagya akong ngumiti sa naging tanong ni Tita Maureen. "Ayos lang naman, Tita." "Ang mga pagkain mo? May stock ka pa ba?" "Kago-grocery ko lang last week." "Baka puro cup noodles ka na naman." Mahina akong natawa. Mukhang may galit na talaga si Tita Maureen sa cup noodles nang dahil sa akin. "Don't worry, Tita Maureen. Madalas na ako ngayon nagluluto ng pagkain ko, o 'di kaya'y sa labas ako kumakain," usal ko nang mapanatag na siya. Tumango siya at ngumiti. "That's good. Kailangan mong ingatan ang kalusugan mo." "Ikaw, Tita? Baka sarili mo na ang napapabayaan mo." Bumuntong hininga at umiling siya sa sinabi ko. "Don't worry about me, Haelynn. May nag-aasikaso sa akin sa bar." Tanging marahan na tango na lang ang naitugon ko sa kanya.