CHAPTER 30 - Exhausted PAGOD na pagod kong inihiga ang sarili sa kama at malalim na bumuntong hininga. Sa oras na natapos ako sa pagligo ay idineretso ko na agad ng sarili sa kama para makapaghinga. Bugbog na bugbog ang katawan ko at ang utak ko. Buong araw ko ba naman ginamit. Kahit na inaantok na, nagtungo ang mga mata ko sa bedside table nang marinig ang pagtunog ng phone kong nakalapag dito. Someone's calling me. Tinatamad kong inabot 'yon at bahagyang umaliwalas ang mukha nang makita ang pangalan ni Domino sa screen nito. Mabilis kong sinagot ang tawag. "Domino," I said to the other line. "Can you go outside?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit?" "I'm here." Namilog ang mga mata ko sa narinig. Kahit na pagod, pinatay ko na ang tawag at mabilis na nagtungo sa pintuan. H