CHAPTER 16 - Lie "BILISAN mo naman," naiinip kong sabi kay Xia na abala sa pag-aayos sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin dito sa loob ng banyo ng university. Hindi naman siya mukhang haggard, talagang gusto niya lang magpaganda. Imbes na sundin ang sinabi ko, ngumisi lang siya. "Masyado ka yatang excited na lumabas." Tumamad ang tingin ko sa kanya. Sumandal ako sa kanto ng sink at humalukipkip. "Naiinip lang ako. Isa pa, ayaw kong tumambay rito sa loob ng banyo." Pinagtaasan niya lang ako ng kilay, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. Napailing ako at bumuntong hininga. Ilang minuto pang nag-ayos ng sarili si Xia sa loob ng banyo bago siya nag-ayang lumabas na ng university. Dahil pareho kaming may sundo ngayong araw, sabay naming tinungo ang parking space ng unibersid