Chapter 3 - Plan

1573 Words
CHAPTER 4 - Plan TINATAMAD akong bumangon mula sa pagkakahiga nang makarinig ng sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Magulo ang buhok ang papikt-pikit pa, tinungo ko ang pinto at binuksan ito. Kinuskos ko ang mga mata nang makita si Tita Maureen sa harapan ko. Malapad ang ngiting nasa labi niya ngunit unti-unting naglaho nang makita ang itsura ko. "Tanghali na pero mukhang hindi ka pa rin bumabangon sa kama mo," usal niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niyang 'yon. "Pasok ka, Tita." Nang tumango siya ay tinalikuran ko na siya. Isinara niya muna ang pinto bago sumunod sa akin. "Ano ba namang babae ka, bakit nagkalit ang mga damit mo rito?" Napailing ako nang makitang dumeretso siya sa sofa, hindi para maupo kundi para kunin ang damit kong nakalapag doon. "Masyado na kasi akong pagod kagabi nang umuwi ako, kaya hindi ko na nailigpit," dahilan ko na lang. Hindi na siya nanermon pa, pero umalis siya ng salas dala ang marumi kong mga damit. Malamang ay dadalhin niya ito sa basket. Nang bumalik si Tita Maureen sa salas, nakaupo na ako sa sofa. Ang buong akala ko ay tatabi siya sa akin, pero nagkamali ako. Tinungo niya ang kusina ko. Dahil walang divider ang kusina at salas, nakikita ko ang bawat galaw niya roon kahit nandito ako sa salas. Binuksan niya ang maliit kong ref. "Haelynn!" Napangiwi ako nang marinig ang sigaw niyang 'yon. Alam ko na agad kung bakit tila nagalit siya sa akin. Nagbabantang tingin ang ipinukol sa akin ni Tita Maureen bago tinungo ang cupboard. Nang mabuksan niya 'yon ay malalim siyang bumuntong hininga. "Makalat ang apartment mo, bukod dito ay walang laman ang ref mo kundi mga bote ng tubig. Ang tanging nakikita ko lang na maaari mong kainin ay puro mga instant noodles." Napahawak ako sa noo ko. Tila biglang nawala ang antok ko. Ayan na, nagsisimula na siya! "Sagutin mo ako. Anong dahilan na naman ang sasabihin mo? Kakaubos lang ng stocks mo?" Nang makita kong tila lumalala na ang inis niya sa akin, tumayo na ako sa kinauupuan at tinungo ang gawi niya. Naglalambing akong yumakap sa kanya at nagpaawa sa harapan niya. "Sorry na, Tita. Mas madali kasing lutuin ang cup noodles." Puno pa rin ng paglalambing ang boses ko. Bumuntong hininga siya at napailing. "Pasaway ka talagang bata ka." Kahit ganoon ang sinabi niya, napangiti pa rin ako. Kapag sinabi na niya 'yon ay wala na ang inis niya sa akin. "Bilisan mo at maghanda ka, ipapag-grocery kita," maawtoridad niyang utos. Sunod-sunod akong tumango nang nakangiti pa rin. "Sige, Tita." "O siya, galaw na. May muta ka pa sa mata." Bumusangot ang mukha ko sa sinabi niya, pero gumalaw pa rin. Dumeretso ako sa banyo para maligo. Nang matapos sa pagligo, umalis na kami ni Tita Maureen para mag-grocery. Ganito ang gawain namin lagi. Magugulat na lang ako kapag bigla siyang sumusulpot sa apartment ko. Kapag nakita niyang makalat ito o puro instant noodles lang ang kinakain ko, sesermunan niya ako. Pero kahit na ganoon ay ni minsan hindi ako nakaramdam ng inis sa ginagawa ni Tita Maureen. Magmula nang mamatay si Mama, si Tita Maureen na ang nag-alaga sa akin. Kahit sa gastusin ko sa eskwelahan at inuupahang apartment ay siya ang nagbabayad. Nang minsan kong sabihin na magtatrabaho na ako para ako na ang gumastos sa sarili ko ay hindi sya pumayag. She wants me to focus on my study. Kaya hindi na nakakapagtaka na parang ina na ang turing at tingin ko sa kanya. Sa kanya ko nararamdaman ang pag-aalaga at pagmamahal ng isang ina na akala ko ay hindi ko na mararamdaman. At katulad ko, ang tingin sa akin ni Tita Maureen ay parang anak na niya. Kagaya ko ay mag-isa na lang siya sa buhay. Wala siyang anak at ang asawa naman niya ay matagal nang namatay. Ang source of income niya ay ang pagmamay-aring club na dating pinagtatrabahuhan ni Mama noong nabubuhay pa ito. Pero ang alam ko, may isa pa siyang negosyo kaya kahit papaano ay may sapat siyang pera na panggastos sa sarili at sa akin. "Ano na pala ang balita sa plano mo?" Natigil ako sa pagkain ko ng ice cream nang marinig ko ang tanong niyang 'yon. Matapos mag-grocery ay dumeretso kami sa ice cream shop. Binitiwan ko ang hawak na kutsara at isinandal ang likod sa kinauupuan. My mood suddenly changed. "Gago ang lalaking 'yon, Tita. When I said I like him, he rejected me right away." Gusto ko pa sana sabihin sa kanya ang ginawang panghahamon sa akin ni Domino, pero mas pinili kong huwag na lang. Magdudulot lang 'yon ng pag-aalala sa kanya, at baka pigilan niya pa ako sa plano ko. "Suko ka na agad?" A smirk appeared on my lips. "No way." Nangingiting napailing siya sa sinabi ko, pero agad din sumeryoso. "Hindi mo naman kailangang gawin 'to, itigil mo na habang maaga pa. Hindi madali ang plano mo." Natahimik ako nang marinig 'yon. Pati ang ngisi ko sa labi ay biglang naglaho. Muling bumalik sa isipan ko ang plano. Nang mamatay ang buong pamilya ko at malamang nasa likod nito ay si Mrs. Alvarez ay nagsimula ako ng isang plano. Hindi ko nakuha ang hustisya para sa pamilya ko, kaya hindi ako basta-basta uupo na lang at walang gagawin. Inalam ko ang lahat ng impormasyong maaari kong makalap tungkol kay Mrs. Alvarez. Iilan sa mga nalaman ko ay may negosyo siya, pero mas nagtutuon siya ng atensiyon sa pamilya. Ang asawa naman niyang si Mr. Alvares ay isang chief of police, ito ang naging costumer ng ina ko. But what caught my attention about her was her son. Napag-alaman kong may anak na lalaki ang mag-asawang Alvarez, si Domino Alvarez. Nang siya naman ang hanapan ko ng impormasyon ay napag-alaman kong nagtapos ito ng business sa edad na dalawampu't tatlo. Sa kasalukuyan ay twenty four na siya. Ang isa pang nalaman ko tungkol sa kanya ay isa siyang womanizer. Doon na nagsimula ang plano kong dapat akong mapalapit kay Domino para makakuha ng iba pang impormasyon sa ina niya. Hindi naman puwedeng si Mrs. Alvarez agad ang harapin ko at baka kilala niya ako. Mas mabuti na ang mag-ingat. Sa kagaya niyang kalaban na mapera, ang pagiging maingat sa bawat galaw ang kailangan upang malabanan siya. Nang matapos ang ilan saglit na pananahimik, bumuntong hininga ako. "Saka lang ako titigil kapag nakuha ko na ang gusto ko." Napatitig na lang sa akin si Tita Maureen. At base sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay mukhang natanto niyang hindi na niya ako mapipigilan pa sa plano ko. Nang ihatid na ako ni Tita Maureen sa apartment ko gamit ang kotse niya, umalis na rin siya agad dahil may iba pa siyang aasikasuhin. Ako naman, isinalansan na sa ref at cupboard ang mga pinamili namin. Nang matapos ay saktong narinig ko ang pagri-ring ng phone ko. Mabilis kong nilapitan ito sa ibabaw ng island counter. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Xia sa screen nito, but I still accepted her call. "What's up?" I said to the other line. "Ang boring dito sa bahay. Let's go outside." "I just got home." "Ha? Bakit, saan ka galing?" Sumandal ako sa kanto ng countertop "Dumating si Tita Maureen. Ipinag-grocery ako." "Oh. Kaya pala." "Hmmm." "Pero sige na, samahan mo na ako. Sa mall lang. Wala naman tayong klase ngayong araw." Tumango ako na tila kaharap siya. "Okay, sasama na." Nang mamatay na ang tawag, kinuha ko na muli ang maliit na shoulder bag. Dahil nakapang-alis pa rin ako ay umalis na agad ako ng bahay. Nang magkita kami ni Xia sa mall, gaya ng madalas naming ginagawa ay nagtingin-tingin kami ng kung ano-ano sa bawat store na nadadaanan. Pero tanging siya lang ang bumibili. Kahit na may nagsusustento sa mga gastusin ko ay nagtitipid pa rin ako. Grabe na kasi ang hiya ko sa ginagawa ni Tita Maureen para sa akin. Kung tutuusin, hindi naman niya ako kaano-ano pero napakabuti ng turing niya sa akin. "Oh my God. Ang ganda nito!" Napailing ako nang makita ang kaibigan na naghuhugis puso ang mga mata habang pinagmamasdan ang hawak niyang damit na nasa hanger pa. Isa 'yong klase ng damit na kinulang sa tela. Nang makita ni Xia ang paraan ng pagtitig ko sa kanya, mahina siyang suminghal at inirapan ako. "Hindi ka makaka-relate sa nararamdaman ko. Masyado kasing simple ang taste mo sa fashion," aniya sa mataray na boses. Bigla akong natahimik. I don't feel offended because of what she just said, but I remember something. It's been a week after my first attempt to get close to Domino. Pansamantala muna akong tumigil para mag-isip ng paraan. Gusto ko, kapag muli ko siyang nilapitan ay hindi na ako mapapahiya tulad na lang ng huling nangyari sa akin. Nang bumalik na ang atensiyon ni Xia sa mga damit na nasa harapan niya, pasimple akong umalis sa tabi niya at nag-ikot sa paligid ng shop. Iba't ibang klase ng mga damit ang nakikita ko sa bawat dinadaanan kong rack. Tumigil ang mga paa ko sa harapan ng isang mannequin. Hinagod ko ng tingin ang damit na nakasuot sa kanya. It's a black lace bralette paired with a black skirt. Base sa tantiya ko ay hanggang kalahati lang ng hita ang haba nito. Para sa akin ay masyado nang maikli. I nibbled on my bottom lip when something came into my mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD