CHAPTER 8 - Billiard
"LOOK who's here."
Kaagad naming nakuha ng kaibigan ang atensiyon ng mga k*lalakihang nandito. Dala ng pagkakuryusidad, tinigilan ni Domino ang paglalaro ng billiard at bumaling sa tinitingnan ng mga kaibigan niya.
Awtomatikong nagkasalubong ang kilay niya nang makita kami ni Xia, pero ang mga mata niya ay sa akin lang tumuon. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang hindi matagalan ang titig niya.
"I forgot to tell you guys. Pinapunta ko sila," biglang ani Hunter.
Tumango lang ang iba, si Domino naman ay nag-iwas na ng tingin.
Nang makalapit si Hunter sa amin ng kaibigan, nabigla pa ako nang makitang sinalubong nila ang isa't isa ng halik. Nanigas ako sa kinatatayuan at hindi makapaniwalang napatitig sa kanila.
Anong ginawa ni Xia at sa loob lang ng maikling panahon ay naging ganito na agad ang relasyon nila ni Hunter? Kailangan kong magpaturo sa kaibigan!
Bumalik ako sa sarili nang mapansing parehong natawa ang dalawa dahil sa naging reaksiyon ko. Umiwas ako ng tingin dala ng hiya.
"Nga pala, gustong mag-sorry sa 'yo ni Thomas sa nangyari."
Bumalik ang atensiyon ko kay Hunter dahil sa sinabi niya. Bahagya naman akong nabigla nang makita ang kaibigan nina Domino na nangbastos sa akin kagabi, pero ang itsura nito ay ibang-iba na sa huling itsura niya kagabi. May sugat na ang gilid ng labi niya at tila namamaga ang mukha.
Nang makita niyang pinagmamasdan ko siya nang may gulat sa mukha, nahihiya siyang ngumiti.
"Huwag mong isipin ito, dapat lang sa akin 'to."
Napalunok ako sa sinabi niya, nabibigla at hindi makapaniwala.
"I want to apologize for what I did last night. Hindi sapat na dahilan ang pagkalasing ko kaya hindi ako magdadahilan sa ginawa ko. Nagkamali ako."
Mas lalo pa akong nabigla nang kahit ang ibang kaibigan ni Domino ay nanghingi ng tawad para sa ginawa ng kaibigan nila. Tanging si Domino lang ang tila walang paki sa nangyayari.
Nagkatitigan kami ni Xia habang bakas sa mukha namin ang pagkabigla. Parehong hindi namin inaasahan na ganito ang pag-uugali ng magkakaibigan.
"Ayos lang, kalimutan mo na... at sana ay hindi na maulit pa," tugon ko sa lalaking hanggang ngayon ay nasa harapan ko pa rin.
Sunod-sunod siyang tumango. "I promise, hindi na. Pasensiya na talaga."
Tanging tango na lang ang itinugon ko sa kanya. Naging speechless ako dahil sa nangyari.
Nang mapatawad ko na si Thomas, nagpaalam na ito sa mga kaibigan niya at sinabing mauuna nang umuwi. Mukhang masakit ang katawan niya kaya gusto nang magpahinga.
Naging normal na muli ang nangyayari sa loob ng billiard hall. Ang ibang mga kaibigan ni Domino ay bumalik sa paglalaro. Si Hunter naman, inasikaso muna kami ni Xia bago bumalik sa pakikipaglaro sa kaibigan.
Tumuon ang mga mata ko kay Domino na hindi nalalayo sa akin. Simula nang tapunan niya ako ng tingin nang dumating kami rito ng kaibigan ay hindi na 'yon muling naulit pa. Tila biglang naging hangin ako sa harapan niya. Masyado namang marami ang taong naririto kaya nahihiya akong lapitan siya.
Habang hawak ang baso ng juice na ibinigay sa akin ni Hunter kanina, sumimsim ako sa straw nito habang hindi inaalis ang tingin kay Domino. Pinapanood ko ang paglalaro niya ng billiard.
Wala akong kaalam-alam sa bagay na ito. Ni hindi ko nga alam kung paano ang tamang hawak sa tako o ano-ano ang rules nito sa paglalaro. Pero sa nakikita sa aking harapan, masasabi kong magaling si Domino sa ganitong laro. Bawat tira niya ay pumapasok, walang sablay, at higit sa lahat ay smooth. Tila ba kontrolado niya ang bola kung saan ito tatama o papasok. Kapag titira naman siya, seryosong-seryoso. Madalas pa ay magkasalubong ang kilay.
Nang mukhang nagiging masarap na ang laban, nakita kong may kinuhang kung ano si Domino sa bulsa niya. Napag-alaman ko lang kung ano 'yon nang ilagay niya ito sa pagitan ng labi niya at sinindihan. Isa palang yosi.
Napalunok ako at napatitig nang mapansing sumandal siya sa isang bakanteng billiard table. Hawak-hawak niya pa rin ang tako niya sa isang kamay habang patuloy na nagsisigarilyo. At sa tuwing ibubuga niya ang usok nito ay unti-unti itong kumakalat sa paligid niya hanggang sa dahan-dahan na naglalaho.
Why he looks so sexy while he's in that position and smoking?
Ito yata ang unang pagkakataon na humanga ako sa taong nagsisigarilyo, lalo na sa taong mukhang bad boy ang datingan. Para kasi sa akin, ang lalaking maayos, pormal, at hindi nagsisigarilyo ang gwapo. Kumbaga, good boy. Pero si Domino, tila bigla niyang binago ang pananaw ko dahil sa pagtayo niya sa aking harapan habang nagsisigarilyo.
He just gave me a new definition of the word sexy.
"Baka matunaw ang kaibigan ko sa katititig mo sa kanya."
Mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Domino nang marinig ang boses na 'yon. Nabigla ako nang makita si Hunter, nasa tabi na ni Xia. Hindi ko namalayang nagtungo na pala ito sa puwesto namin.
"What are you saying?" tila inosente kong tanong, kahit sa totoo lang ay alam ko ang tinutukoy niya. Hindi ko namalayang grabe na pala ang ginagawa kong pagtitig kay Domino. Ang malala pa, sobra-sobra na ang papuri ko sa kanya sa isipan ko!
Natawa lang si Hunter sa sinabi ko. Kahit ang kaibigan ko ay nakitawa. Taksil!
"Madalas ba kayo rito?" tanong ni Xia kay Hunter dahilan para sa kanya mapunta ang atensiyon nito.
He nodded his head. "Kapag wala kaming magawa, dito kami nagpupunta o kaya ay sa bar." Biglang bumaling ang atensiyon niya sa mga kaibigang abala pa rin sa paglalaro ng billiard. "Sa aming lahat, si Domino ang pinakamagaling sa billiard. Kaya sa pustahan, lagi kaming talo sa kanya."
"Ito ba ang hilig niyang gawin bukod sa pambababae?" tanong ko. Tumingin siya sa akin nang natatawa.
"Oo."
Bahagyang kumorteng bilog ang bibig ko. Nang mukhang makita ni Hunter ang interes ko sa sinasabi niya ay muli siyang nagsalita.
"Talaga bang gusto mo ang kaibigan ko?"
Mabilis akong tumango. Pakiramdam ko ay matutulungan niya ako kay Domino.
"Then, you should stop now. Wala kang pag-asa sa kanya."
Umawang ang bibig ko sa narinig. Ang pag-asa ko sa kanya ay biglang gumuho nang ganoon kabilis! Tila wala pang sampung segundo!
"Gusto mo bang siraan kita sa kaibigan ko para layuan ka niya?" seryosong tanong ko sa kanya.
Natatawa siyang umiling. "Calm down. I was just kidding." Bumaling ang tingin niya kay Xia at malalim itong tinitigan. "Isa pa, kahit ilayo mo ang kaibigan mo sa akin ay patuloy pa rin akong lalapit sa kanya."
"Kung ganoon, ibigay mo sa akin ang kaibigan mo at sa 'yo na 'yang kaibigan ko."
Muli na naman siyang natawa sa sinabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Xia na ikinataas ng kilay ko. I was just kdding, okay? Hindi ko ipagpapalit ang kaibigan ko. But of course, I only said that in my mind. Masusuka si Xia kapag narinig niya ito sa bibig ko.
Nang magkaron na naman ng sariling mundo ang dalawa sa harapan ko ay iniwas ko na ang tingin sa kanila at ibinalik na lang ito kay Domino. Hanggang ngayon ay abala pa rin siya sa paglalaro.
Habang pinagmamasdan siya ay bigla na lang akong natigilan sa kinauupuan ko. Napatitig ako sa seryosong mukha ni Domino bago bumagsak ang tingin sa billiard table na nasa harapan ko.
Now I know what to do to get him.
"CAN I have Hunter's number?" Iyon agad ang tanong ko sa kaibigan nang nasa jeep na kami. Dahil may iba pa kaming gagawin ay hindi na kami nagtagal sa loob ng billiard hall.
Katulad ng inaasahan ko, kumunot ang noo ni Xia. Mukhang naguguluhan sa sinabi ko.
"Nahihiya kasi akong hingin sa kanya kanina, kaya sa 'yo na lang," dagdag ko sa sinabi.
Tiningnan niya ako na tila may pinaplano akong masama.
"Anong kalokohan na naman ang iniisip mo?"
"I should ask you that question, Xia. Anong kalokohan ba ang iniisip mong gagaiwn ko kay Hunter?" balik kong tanong sa kaibigan. Pareho kaming nagsukatan ng seryosong tingin.
Humalukipkip siya at pinagtaasan ako ng kilay.
"Natatakot ka bang aagawin ko siya sa 'yo?" I teased her. Nagkaroon ng ngisi ang labi niya sa sinabi ko.
"Si Domino nga, hindi mo maakit. Siya pa kaya?"
Sumama ang tingin ko sa kanya. Kaya sa pagkakataong ito ay natawa siya. We both know that what we said was a joke. Tila ba normal na sa amin ni Xia na asarin ang bawat isa.
Nang magseryoso na, kinuha ni Xia ang phone niya at may kinalikot doon. Nabigla ako nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko na nasa loob ng shoulder bag ko.
"I already sent you his number," aniya. Dahil sa sinabi ng kaibigan ay hindi ko na kinuha ang phone. Mamaya ko na lang ito tititingnan.
"Thanks," I said and smiled at her. She just shrugged her shoulders and looked away.
Mas naunang bumaba si Xia ng jeep. Kaya ako na lang ang naiwang mag-isa. Nang tuluyang makauwi ng bahay ay nagpadala ako ng mensahe kay Xia para ipaalam na nakauwi na ako.
Tinungo ko muna ang banyo para maligo bago napagpasyahang ibigay na ang atensiyon sa phone ko. Ngayon ay pinagmamasdan ko ang numerong sinend sa akin ni Xia, ang numero ni Hunter.
May hiya pa rin sa akin nang magsimula na akong magtipa ng mensahe para sa kanya. Kinagat ko pa ang ibabang labi nang ipadala ko na 'yon sa kanya.
Lumipas pa ang ilang minuto bago tumunog ang phone ko. Sa wakas ay nag-reply na rin siya.
A smile appeared on my lips when I read his reply. Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko nang muli akong magtipa ng mensahe sa kanya.
Tila biglang gumaan ang pakiramdam ko. Kaya sa buong magdamag, naging napanatag ako. Naging masarap ang tulog ko at dala-dala ko ang pakiramdam na 'yon hanggang sa eskwela.
"Susunduin pala tayo ni Hunter ngayon," usal ko sa kaibigan nang pareho na kaming nagliligpit ng mga gamit. Tapos na ang klase namin para sa araw na ito.
"Hmmm, nasabi nga niya sa akin," tugon niya nang hindi nagbabaling ng tingin sa akin. Abala siya sa pag-aayos ng gamit niya. Nang matapos, sabay na kaming lumabas ng classroom.
Sa labas ng unibersidad ay sumalubong sa amin si Hunter. At dahil may dala siyang sariling kotse, hindi na namin kinailangan na mag-commute. Pareho pa kami ng kaibigan na naging komportable sa byahe.
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Xia nang pagdating namin sa billiard hall na pinuntahan namin kahapon ay walang ibang tao rito. Tanging kaming tatlo lang.
"What are we doing here?" tanong ni Xia at ibinaling ang atensiyon kay Hunter. Mukhang sa aming tatlo, si Xia lang ang hindi nakakaalam ng totoong pakay namin dito.
"You didn't tell her?" tanong ko kay Hunter.
Kumunot ang noo niya. "I thought you told her about this. She's your friend, remember?"
Napabuntong hininga ako sa narinig. Nakalimutan kong sabihin sa kaibigan ang tungkol sa bagay na ito.
Nasa mukha pa rin ni Xia ang matinding pagkagulo nang ibalik ko na ang mga mata sa kanya.
"We're here to practice."
Bumale ang leeg niya. "Nagsasalita ka ba ng lenggwahe ng alien?"
Napangiwi ako.
"Humingi ng tulong sa akin si Haelynn. Gusto niyang turuan ko siyang maglaro ng billiard," biglang usal ni Hunter. Mukhang napagpasyahang siya na ang magpapaliwanag kay Xia. Kaya sa pagkakataong ito, napalitan ng gulat ang naguguluhan niyang ekspresiyon sa mukha.
"Why would you want to learn how to play billiard?"
Nahihiyang ngumiti ako at nagkibit-balikat. "Kapag may isang bagay akong ginawa na bago sa akin, sino ang palaging dahilan nito?"
Nang marinig ang sinabi ko, bumuntong hininga siya. Napatampal pa siya sa sariling noo at umiling-iling na tila hindi makapaniwala sa akin.
"I should admit you to a mental hospital. Kakaiba na talaga ang epekto sa 'yo ni Domino, unti-unti ka nang nababaliw!"
Tinawanan ko lang ang sinabi ng kaibigan. Kahit si Hunter ay nakitawa.
Tinungo ko ang lalagyan ng mga tako. Maayos iyon nakatayo at nasa tamang ayos. Mula sa maikling tako hanggang sa pahaba nang pahaba. Kinuha ko ang tingin kong tama lang para sa akin.
Nang magsimula na si Hunter sa pagtuturo sa akin, seryoso akong nakikinig sa kanya. Ni isang salita ay walang pinapalampas.
Sigurado na ako sa magiging galaw ko ngayon. Ang billiard na ito... ito ang magiging susi para tuluyan kaming magkalapit ni Domino.