Chapter 5

1620 Words
  "Unnie!Unnie!"   "Oh bakit Audrey?" nagtataka kong tanong sa kanya   "May inaapi na naman ang mga impakta sa gymnasium!"   "What?! Diba kagagaling lang nila kanina sa Guidance?"   "Unnie, alam mo namang milya-milya ang mga sungay nila diba? saad ni Fiona   "Tsk.Tsk.Kailangan nating tumulong.Kilala mo ba kung sino yung inaapi nilang student?" tanong ni Cassadra   Biglang natigilan si Audrey.   "Hoy Auds, ba't natigilan ka dyan" --Fiona   "Ah kasi Unnie si Unnie Kyla inaapi ngayon nila Steffi"   "What?!Bakit hindi mo sinabi agad!?" bigla akong napatayo sa narinig ko. Pupuntahan ko siya. Ililigtas ko si chumz sa mga impaktita na yun! Mga walanghiya sila! "Unnie, maghunos dili ka naman wag kang basta-bastang susugod" may pag-aalala na sabi ni Jewel. "Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito" may ngiti kong tugon bago ako tuluyang lumabas ng Luxury Room namin at magtungo papuntang gymnasium Si Chumz hindi ko siya pwedeng pabayaan . Habang tinatahak ko ang landas patungo sa gymnasium, unting-unting bumabalik sa mga ala-ala ko kung paano kami nagkakilala ni chumz. **FLASHBACK* Grade Four ako noon,dahil sa ako ang anak ng may-ari ng eskwelahan na pinapasukan ko, ilag sa akin ang lahat.Kahit ang mga bullies sa school hindi magawang lumapit. Wala rin akong nagiging mga kaibigan. Ang mga kaklase ko ang tingin sa akin kaaway -lagi rin kasi akong nag-eexcel sa Academics.Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakikitungo nila sa akin ngunit isa lang ang nadaraama ko nang mga panahong iyon-Sobrang lungkot     Halos mga kapatid ko lang ang kaibigan ko.Gusto kong magkaroon ng mga kaibigan.Gustong-gusto ko. Araw-araw akong nagdarasal na sana'y kahit isang kaibigan lang ay mabiyayaan ako.Pinapangako ko na pag nagkaroon ako ng kaibigan,hindi ko siya pakakawalan.Kahit sa mga shooting stars yun lang ang hinihiling ko noon.         Nabago ang lahat nang may isang transferee na naging kaklase ko.Sabi nila huwag na huwag raw akong lalapit sa kanya dahil malas raw ang batang iyon at ang buo nilang pamilya. Kaya naman, kahit ako nilalayuan ko siya.    Pero sa paglipas ng mga araw,napansin kong pareho lang kami ng sitwasyon.Na parehong ilag sa amin ang lahat dahil sa walang kakwenta-kwentang mga dahilan.Ang problema nga lang sa akin ay hirap akong mag-approach.Siguro dahil sa pakikitungo ng mga tao sa akin rito kaya naging ganun ako.Tama yun nga ang dahilan.   Uwian na namin noon.Madalas na nagpupunta muna ako sa playground sa may park para mag-swing.Yun lang ang gagawin ko roon.Ang panoorin ang mga batang naglalaro kasama ang mga kaibigan nila.Ang sadista ko talaga that time.       Iinumin ko na sana yung Chuckie ko nang may narinig akong isang batang umiiyak.     "Bata bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. "Lumayo ka sa akin! Baka mamaya malasin ka pa!"     Wait lang,bakit naman ako mamalasin sa kanya hindi kaya ito si.. "Kyla  Kinsley Lee?"     "Eh ano ngayon kung kilala mo ang isang malas na katulad ko! May magbabago ba ha!" sigaw niya sa akin saka ulit niya niyakap ang mga tuhod niya at sinimulang umiyak Kawawa naman ang isang ito.Siguro grabe na yung nararanasan niyang pambubully niya sa school. "Oo meron!Merong magbabago!!"     Bigla siyang napatigil sa pag-iyak at lumingon sa akin. Nakatitig na siya sa akin ngayon.Hinihintay ang mga salitang lalabas sa bibig ko. "So ganun na lang!? maniniwala ka sa sinasabi nila sa iyo na malas ka?! Babayaan mo na lang  silang diktahan ka nila kumg magiging ano ka! Dapat ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo!  Sarili mo yan eh .buhay mo yan hindi BUHAY NILA. Diyan ka na nga! Aya ko sa mga tulad mong weak! Hindi kayang ipagtanggol ang sarili nila! Alam mo gustong sana kitang tulungan na ipagtanggol yang sarili mo eh pero parang di mo kakayanin" Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya.Nakakailang hakbang pa lamang ako nang marinig ko ang boses niya. "Sandali lang! Gusto kong tulungan mo ako ! Gusto kong tulungan mo akong  turuan na ipagtanggol ang sarili ko!"   **End of Flashback**     Malapit na ako chumz. Hintayin mo ako.   ARGGH HUMANDA KA SA AKIN STEFFI! SINASAGAD MO TALAGA PASENSIYA KO HA?!   Nang malapit na ako sa may gymnasium nakita ko ang kaawa-awang sitwasyon ng kaibigan ko. Para siyang basang sisiw buti na lang may varsity jacket siya ngayon.   Makikita mo ngayon ang hinahanap mo Steffi !!   “Paki-explain nga sa akin ng maayos kung anong nangyayari sa lugar na ito nang ganitong oras! Mga walanghiya kayo! Bakit niyo binababoy ang school ko!!” Sigaw ko sa kanila. Oh ano ngayon sila nganga.? Haha!  And yes, you've read it right, hindi lang ako ang panganay na anak ng may-ari ng school na ito.Dahil isa rin ako sa may pinakamalaking stocks and shares dito. Hindi niyo ako sasagutin ha?   "ANO MAGSALITA KAYO!" may awtoridad kong sinabi.   "Wow napasugod ka ata Ms.Sugar, nagkakasiyahan lang kami by the way do you wanna join us?"    "Talaga? Thanks but,NO THANKS.Hindi ko kasi gusto yang way ng pagsasaya niyo eh" at bigla kong pinatayo si chumz sabay binulongan ko siya:   "Chumz,gusto ko pareho tayong nakatayo pag gagawin ko yung next step"   "Next Step?" napakunot siya ng noo niya ng sabihin ko iyon pero it does'nt matter kung di niya magets agad, malalaman rin naman niya yun.NGAYON MISMO.   "By the way Steffi, may nakalimutan pala akong sabihin sa inyo" "What is that Ms.Lace?" nakangiti pang sabi ng impakta. "Base sa handbook of Rules and Regulations natin, sa Rule number 2.5,Section 3, Chapter 3, page 60, ang pagkakalat sa schooll/university prmises and vicinity.Kung kaya't inuutusan ko kayong linisan yang kinalat niyo."   '"What? Eh anong silbi ng mga Janitors natin?"   Aba at nagawa mo pang sumagot ha!   "Malaki ang silbi nila sa eskwelahan nating ito. Pinapanatili nilang malinis itong university,kaya naman nakakaawa lang kasi walang na silang ibang ginawa kundi linisin ang mga kalat ng mga iresponsable at WALANG KWENTANG mga Estudyante na KATULAD NIYO.At dahil sinagot mo pa ako,which is nasa handbook rin, lilinisin niyo itong buong gymnasium and oh! (Pinatanggal ko kay chumz yung coat niya) LABHAN MO YAN STEFFI.(sabay hagis sa kanya nung damit ni Chumz) Oh ano simulan niyo na! And don't you dare na mangdaya dahil mas daragdagan ko pa ang punishments niyo!   Kitang-kita na pulang-pula yung mukha nila Steffi sa galit haha! XD wala silang magagawa isa sa mga may-ari ng school na ang nag-uutos sa kanila!   Karapat-dapat lang silang maparusahan ng ganyan! "Chumz umalis na nga tayo rito."   “Wait lang Chumz, may isasauli lang ako kay Steffi” sabi niya   “Sige bilisan mo lang chumz,basing-basa ka na oh, baka magkasakit ka pa niyan” sabi ko sa kanya.   “Steffi! May nakalimutan pala akong ibalik sayo! “ pagkatapos ay may inihagis siya mula sa kanyang bulsa.   Bigla na lang nagsigawan ang mga impakta! Hahaha! Ang galing talaga ni chumz! Nagmana siya sa akin! Hahaha!   “Hoy Chumz! Matanong nga kita,saan mo naman nakuha yung patay na daga na yon ha!?” tanong ko sa kanya   “Sinabi ko na sa iyo-sa kanila rin galing yun” Umalis kami ng gymnasium na napakasaya at tawa ng tawa.     Lee’s POV “Dude may mga chikas daw sa gymnasium!”  pambungad ni Ken pagpasok niya sa tambayan namin Kahit kalian talaga napaka-babaero ng isang ito.  “At ano naming mapapala natin kung pupunta tayo roon?” sagot ni Sam Siya lang talaga ang may sense na kausap at ang matino sa aming lahat.   “Alam mo, pansin ko lang sa ating lahat ikaw lang ang hindi mahilig sa chicks bakla ka yata !”   “Ano ba yang mga sinasabi mo! Nababaliw ka na Ken!”   Kahit ako ganyan ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Ken.Mukhang tama nga si Sam baka nababaliw na talaga siya. “Pwes patunayan mo sa akin!”  sabi ni Ken sabay ngiti nang nakakaloko Biglang napatayo si Sam sabay sabing: “Sige! Sige! Pupunta ako doon,para mapatunayang hindi ako bakla!”   “Yan ang gusto ko, sayo ,napakatalino mo talaga ! Oh ano hindi niyo ba sasamahan ang kaibigan natin”   Sa bandang huli , wala kaming nagawa kundi ang samahan sila.   Pagpunta namin sa may gymnasium, nakita naming yung mga walang kwentang babaeng laging naghahabol sa amin. Meron na naman silang inaapi ngayon.Kitang-kita naming ang pagbuhos sa kanya ng tubig mula dahilan upang mabasa siya .Pilit niyang tinatakpan yung hinaharap niya.   Nakakabagot dito.Napakawalang kwentang tanawin.   Nagulat na lang ako nang lapitan ni Xander yung babaeng kinakawawa at binigyan ito ng University Jacket. Di ko akalaing “gentleman” pala siya.   “Pre,ikaw ba yan?” sabi ni James nang nakangisi. “Gago! Gangster lang ako,pero hindi ako bastos at m******s na katulad niyo!”    “Tama na nga yan! Mag-aaway na naman kayo” pag-aawat ni Sam   “Tara na ! Umalis na tayo wala namang kakaiba rito!” pagyaya ko sa kanila.   “Meron na ngayon, nandirito na si Ms.Ampalaya mo oh! Ayiee!” nakangising sabi ni James Awtomatiko naman akong napalingon sa kanya.   “Susugod ata si SugarBabes! Mukhang magandang eksena ang mangyayari ngayon” dagdag ni Ken sabay tawa.   Matawagan nga ‘yung mental hospital mamaya.   Kitang-kita ko sa hitsura niya ang sobrang galit. Mas matindi pa sa nakita ko noong first encounter namin. Nasasabik tuloy akong  makita kung ano ang kaya niyang gawin. “Paki-explain nga sa akin ng maayos kung anong nangyayari sa lugar na ito nang ganitong oras! Mga walanghiya kayo! Bakit niyo binababoy ang school ko!!”     Iyan kaagad yung pambungad niya sa kanila Sabi na nga ba, may pagka-fiesty siya.Ngayon hindi na boring ang eksena.     "Ano magsalita kayo!"     Eh paano naman siya sasagutin eh tinakot na niya. Kahit ako naman mananahimik na lang.Ngunit nagawa  pa  nung leader ng mga walang-kwentang-mga-babae na iyon na sagutin siya. Ganito na ba ang mga babae ngayon?     "Base sa handbook of Rules and Regulations natin, sa Rule number 2.5,Section 3, Chapter 3, page 60, ang pagkakalat sa schooll/university prmises and vicinity.Kung kaya't inuutusan ko kayong linisan yang kinalat niyo” Aba matindi! Saulado niya yung handbook.   '"What? Eh anong silbi ng mga Janitors natin?"—bobong leader ng fans club     Ang bobo  talaga nung leader.This time,you’re dead! Gusto niyo makipagpustahan pa ako kay James.Napailing na lamang ako sabi ko na nga ba . Ibang klaseng magalit ang mga may-ari ng mga eskwelahan.   “Oh Pre,bakit umiling-iling ka diyan may problema ba?” tanong ni Sam “Sus!Dahil lang iyan kay Sugarbabes or Ms.Ampalaya” – James “Tigilan niyo nga ako!” saway ko sa unggoy   “Yiee! Nagagalit naapektuhan na siya!” – unggoy   Bakit ba ang mga unggoy nakakainis? Umalis na lang ako kesa asarin pa ako ulit. Habang naglalakad-lakad ako hindi ko makalimutan yung hitsura ni Ampalaya kanina. Bumabalik-balik sa isipan ko yung pangyayari kanina at yung nangyari sa mini forest.Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko,parang sa kanya ako pinaka-interesado.Ibang klase ka talaga Ms.Ampalaya.   Sa lahat ng mga Ampalaya, sa iyo lang ako naging sobrang interesado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD