Chapter 6

1060 Words
  "Anak,alam kong mahirap pero makakaya natin ito. Magsisimula tayo ng panibagong buhay" Pilit na pinapagaan ni Mrs.Lace ang loob ng kanyang anak.  "Wala naman na akong magagawa. Kahit na magdramahan pa tayo rito,hindi na babalik si Daddy" malamig na tugon ng kanyang anak.  "Margaux!"  "Umalis na tayo rito,mas lalo lang nating papahirapan ang ating mga sarili kung magtatagal Pa tayo.  Lihim na napangiti si Mrs.Lace, bumibilib siya sa katapangan ng anak niyang si Margaux,kung wala ito sa tabi niya baka sundan na rin niya ang kanyang namayapang asawa. Ngunit para kay Margaux,lalaban sya,Mananatili syang matatag para sa anak niya.  "Ma!Tatayo ka na lang ba diyan! Nandito na yung sasakyan!" sigaw ni Margaux sa kanyang ina.  "Oo anak nandyan na!"  Masakit man sa kanya na lisanin ang bahay na ipinundar nilang mag-asawa,Kailangan niya itong gawin dahil nandito ang lahat ng Masasaya at Malulungkot na alaala na pinagsamahan nilang pamilya.Tama ang anak niya mas lalo lang silang mahihirapan. Nilibot niya ng tingin ang buong pamamahay bago tuluyang sumakay sa sasakyan.  Nagulat na lamang siya nang bigla siyang yakapin ng kanyang anak sabay sabing:  "Ma,wag kang mag-alaala,magiging okay rin ang lahat.Magiging okay rin tayo"  "Sana nga Margaux.Magdilang anghel ka sana"  ***  Huminto ang kanilang sasakyan sa pamamahay ng kanyang tiyuhin na kapatid ng kanyang ama.  Nag-doorbell ang kanyang ina.Ilang saglit pa ay may nagbukas ng pintuan at bumungad sa kanya ang kanyang tiyahin.  "Grace? Margaux? Alfred nandito na sila!Pasok kayo.Bayaan niyo na yang mga gamit niyo,may kukuha na niyan"  "Kamusta naman kayo Grace?" tanong ng kanyang tiyuhin sa kanyang ina.  "Ito,nag-aadjust pa rin kami hanggang ngayon"  "Haay,basta nandito lang kami ni Andrew,tutulungan namin kayo"  "Tama si Jeuliette.Nangako ako kay kuya na aalagaan ko kayo,teka lang ito na ba si Margaux? May dalaga na pala si Kuya"  "Oo nga at ang ganda ganda niya! Kamukhang-kamukha ni Kuya Jeff!" dagdag ng tiyahin niya.    “Alam niyo ba? Pati katalinuhan ni Jeff namana niya!Lagi siyang nasa top ng klase at dean’s lister rin itong si Margaux ko!” pagmamalaki ng kanyang ina. “Wow ang galing mo naman pala Margaux! Siguro ay maraming nanliligaw sa iyo?” tanong ng kanyang tiyahin. “Naku,Jeuliette yung mga manliligaw niyan tinatarayan niya kaya ayan,wala pa ring boyfriend hanggang ngayon” “Haha dapat hindi niya ginagawa iyon!”   Hiyang-hiya si Margaux.Pakiramdaman niya ay gusto na niya mawala bigla. “Ah hija,sa NALU ka nap ala mag-aaral maganda dun sa school namin! At tsaka inaasikaso ko na yung mga papers mo para makapag-transfer ka na roon” sabi ng kanyang tito Andrew.   “Maraming salamat po” “Oh kayong mga bata kayo, anong tinitingin-tingin niyo riyan hindi niyo ba kakamustahin ang pinsan niyo?!” sigaw ng kanyang mga tiyahin sa mga babaeng nakasilip sa may hagdanan . Isa-isang silang nagsibabaan at: “WAAAH! MARGAUX DITO KA NA TITIRA I’M SO HAPPY! TARA KAIN TAYO!” –Chantelle   “Mag-selfie nga tayo dali Margaux ipopost ko lang sa IG”—Cassadra   “Hoy ! Tigilan niyo nga si Margaux! Kararating-rating niya lang rito eh!” –Sugar   Nagulat na lang si Margaux nang bigla siyang yakapin ng kanyang pinsan na si Sugar nang napakahigpit. “Tss. Tigilan raw pero siya ang higpit nang yakap wag mo ngang patayin si Margaux!” –Fiona “Mga anak, tigilan niyo muna si Margaux, I’m sure pagod na sila ng Tita Grace niyo” saway ng kanyang Tita sa kanyang mga pinsan “Mabuti pa, samahan ka na naming sa Room mo Marge,kami nag-design niyon!” –Audrey  ----- Sabado.Maagang nagising si Margaux.Nais niyang maglakad-lakad. "Oh anak,ang aga mo atang nagising?" tanong ng kanyang ina. "Ma,gusto kong maglibot dito sa subdivision ngayon"   "Ha? Sigurado ka ba anak? Kararating lang natin dito" nag-aalalang tanong ng kanyang ina.   "Ma naman! Malaki na po ako! *pout* . Hindi po ako maliligaw ,Promise!" pagtitiyak niya sa kanyang ina. "Payagan mo na yang anak mo Grace,alam mo hija masarap mag-jogging dito pag ganitong oras,kaya payagan mo na yang anak mo Grace!" pangungumbinsi ng kanyang tiyuhin "At tsaka bayaan mo nang magliwaliw yang anak mo,malay mo makakilala pa yan ng gwapong anak ng mayamang negosyante rito"  pagkampi ng kanyang tiyahin Walang nagawa ang kanyang ina kundi ang pumayag sa kagustuhan niya udyok na rin ng kanyang mabait na mga tito at tita. "Eh kayo Ma,saan kayo pupunta ang aga niyo ata"  pagpuna Margaux   "Margaux,kailangan naming pag-usapan kung anong mangyayari sa company natin ngayong wala na ang Daddy mo"   "Ganun po ba Ma? Sige po mag-ingat po kayo" Nilibot ni Margaux ang buong subdivision sa pamamagitan ng pagbibisikleta.Nang mapagod na siya ay naisipan niyang magpahinga muna sa isang bench roon.Sa di kalayuan nakarinig siya ng isang usapan. Madramang usapan ng isang lalaki at ng isang babae. **SLAAAAAP** “Alam ko marami akong pagkukulang pero hindi sapat na dahilan yun para ganituhin mo ako Kristoff!” -- Girl   “Tss. Ang drama naman ditto makaalis na nga.Kay aga aga gagawa gawa ng eksena! “ nasabi ni Margaux dahil sa pagkainis Naghanap si Margaux ng convenience store at hindi naman siya nabigo dahil may nakita siya agad Nag-order muna siya ng isang cup noodles at kinain ito bago matulog. Oo natutulog siya sa convenience store. Hindi niya kasi mapigilan ang pagkaantok. Ngunit bigla niyang naalala ang kanyang ama dahilan upang mag-iiyak siya. Umub-ob na lamang siya sa may lamesa. Nakakahiya kasi kung may makakakita sa kanya na umiiyak siya. Nagulat na lang siya nang may biglang tumabi sa kanya. Sinilip niya kung sino ito. Isang lalaki. Hindi naman siya iniisturbo ng lalaki.Mapayapa lamang itong kumakain ng kanyang cup noodles.. Nang  maubos na nito ang kanyang pagkain ay bigla siyang kinalabit nito na siyang ikinagulat nito. “Miss,Miss, sa lahat ng pwedeng matulugan dito ka pa natulog. Bumangon ka na diyan Miss,tinitingnan na tayo ng manager oh, baka pagalitan na tayo”  bulong nit okay Margaux Sa inis ni Margaux ay bigla siyang nagsalita: “Eh ano ngayon kung mapapagalitan ako?! Bakit ba kasi napaka-pakialamero mo?! Pwede kung ayaw mong mapagalitan, umalis ka sa harapan ko!”   Nagulat ang lalaki ngunit hindi niya pinansin iyon. Dahil nag-aalala na siya kay Margaux ngayon .Halatang-halata kasi na umiiyak ito. “Miss sorry, hindi ko sinasadya wag ka nang umiyak”   “Wala kang pakialam kung umiiyak ako!” Umalis na si Margaux sa may convenience store na hila hila ang kanyang bisekleta,Ngunit hanggang ngayon ay sinusundan pa rin siya ng lalaki. “Miss,sorry hindi ko sinasadya.” Hindi umiimik si Margaux.Sa halip ay mas binilisan niya pa ang paglalakad. ‘”Miss!”   Nagulat na lamang siya nang bigla siyang hinila ng lalaki at niyakap siya nito! Pagkatapos niyon ay napansin niya rin na may isang napakalaking truck ang dumaan.Kumalas siya sa pagkakayakap sa lalaki at sinampal niya ito nang napakalakas. “WALANG HIYA! BASTOS!”   “Miss! Sandali lang! Hindi yun! Mali yung iniisip mo! Kasi--”   Hindi na niya pinatapos magpaliwanag ang lalaki.Kinuha niya ang kanyang bisekleta at sumakay rito. “Miss naman! Magpapaliwanag pa ako!” Yan yung sinasabi sa kanya ng lalaki habang hinahabol siya .Ngunit hindi na siya naabutan nito dahil  pinapatakbo niya ito ng sobrang bilis.   “Nakakainis siya! Bwisit siya!” nasabi ni Margaux sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD