Chapter 2

750 Words
  Napa- aray na lamang ako habang hinihimas ang aking mga braso’t binti. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong marami na palang mga estudyante ang nakakita sa aming 'AWKWARD POSITION' kanina.      Gaano ka-awkward yung position na iyon? Nakadagan siya sa akin tapos mga 10 cm na lang pagitan ng mga mukha naming sa isa’t-isa. Para kami nasa shooting ng isang romantic drama. Nakita kong nagpagpag siya ng damit.      "Watch Your Mouth. Parang wala kang pinag-aralan. Nakakaisturbo ka"    Nanigas ang aking katawan dahil sa mga salitang sinambit niya?   Walang pinag-aralan?  Nakakaisturbo?  Ang lakas ng loob niyang pagsabihan ako ng ganung mga salita!  Hindi niya ba ako nakikilala?  "HOY IKAW NA NGA ITONG NAKAPERWISYO! TAPOS AKO PANG PAGSASABIHAN MONG NAKAKAISTURBO?! JOGULAE?"    "Aniyo. Ayaw ko ng gulo" sabay talikod paalis pagkatapos ay sinundan naman siya ng kanyang mga alipores de higad.   Aba at nakakaintindi siya ng korean ha? At ayaw niya ng gulo eh ano itong ginagawa niya ngayon?   Porket makinis ang kanyang mga balat at para siyang webtoon character magagawa na niyang mamabastos ng isang napakagandang nilalang na katulad ko? Teka lang, why am I blabbering about him?   Erase! Erase! Let me rephrase it. Gwapo siya. Kasing Gwapo siya ni Shrek! An ogre faced man with a monster heart!  Hindi man lang alam kung paano sabihin ang salitang "sorry". Wala akong magagawa kung wala iyon sa vocabulary niya.      "Ate Sugar,okay ka lang po ba?" tanong sa akin ng isang babae. Actually parang ka-block mate ko ito. Tama! Ka-block mate ko nga ito! Isa ito sa mga nerds sa BSIT Block B.      "Okay lang ako. Thank you ha!"      "Wala pong anuman. Nicole Reine Menes po pala. Inaadvice ko po na mag-ingat na po kayo simula ngayon"  "Pwede ba, huwag ka nang mag-po at huwag mo akong tatawaging Ate, magka-sing edad lang tayo. At pakisabi nga kung bakit kailangan kong mas lalong mag-ingat ngayon?"    "Iyong lalaking nakadagan po sa inyo kanina.."   "Oh eh anong problema mo kay Shrek?"    "Sshh po! hinaan niyo ang boses niyo,baka marinig ka po nila" tapos aktong tatakpan niya ang bibig ko.   "Sinong nila? Yung mga fan girls po ni Lee Dae Shin."  Ah so may fans club pala si Shrek.Oh eh ano ngayon?      "Yung leader po ng fans club nya si Steffi Shane Samonte at yung ibang mga members, mga Bitches po sila"  Nicole's POV   Hindi ako makapaniwalang kausap ko siya ngayon.Ang isa sa mga iniidolo ko.    Mala-Greek goddess ang ganda’t alindog niya, palaging nasa dean’s lister, napaka-athletic at musically talented pa, ang ganda ng boses at ang hinhing magsalita. ALMOST PERFECT siya.    Feeling ko nagmumukha akong katulong kapag kasama ko siya ngayon.Naka-ka-insecure tuloy    "Hay.Naku hindi ako natatakot sa kanila! Silang dapat matakot sa akin! Kung b***h sila,kayang-kaya kong mas maging b***h pa kaysa sa kanila. Nicole ya! Are you listening?"   "A-ahm opo"    "What I have said to you earlier?"sabi niya na nakakunot ang noo.    "Sige hindi na p- ako mag po-PO sayo"    "Good!"   pagkatapos ay nag-smile na siya.  Ang cute niya pag nakangiti. Mas lalo siyang gumaganda. Parang natitibo na yata ako.   "Wow! Ang tapang mo naman Ms.Lace,ganyan ba talaga kapag anak ka ng may-ari ng school na pinapasukan mo?"    "Una,matapang ako dahil alam kong ako ang nasa tama,ikalawa at sino ka naman na basta-bastang nakikisingit sa usapan namin ng kaibigan ko? Alam mo may tawag diyah eh, ah alam ko na! KABASTUSAN AT KAEPALAN"    "Sorry po,kukunin ko lang po sana yung assignments ko nang marinig ko na pinag-uusapan niyo si Lee. Ako po pala si Ken Harvey David— kaibigan po Nicole"  "Wala ka na dun"  pagsusunigit nito   "Sige po.Nicole,yung notebook ko?" pagbaling sa akin ni Ken   Inabot ko naman kay Ken yung binder niya. Tapos sumenyas ako na dapat tumakas na siya kasi mukhang na-ba-badtrip siya pag na-me-mention yung name ni Mr. Lee.  Pagkatapos niyang magpasalamat ay umalis na siya.    "Pasensya ka na Nicole kung medyo rude ako dun sa kaibigan mo kanina,medyo may pagka-mahangin rin kasi tapos kaibigan niya rin pala si Shrek"    "Okay lang po"    "Wait lang,bakit nasa iyo yung binder niya? Wag mong sabihin ikaw ang gumawa ng assignments niya?"    Naku, mukhang nainis ko yata si Idol.   "Oo. Wala naman kasi po akong magawa sa bahay kaya ginawa ko na po"      "Ano ngayon kung pinag-uusapan namin si Shrek?"    "Pagpasensyahan niyo na lang po yung kaibigan ko na yun,medyo may pagka-cold talaga siya.At bakit po Shrek ang tawag nyo sa kanya?"  Umiling-iling siya sign na hindi siya sang-ayon    "Dapat hindi mo pinababayaang gawin niya yan sa iyo. Mamimihasa yun"    "Hindi naman po siguro. Wait lang 10 mins na lang SOFT ENG(Software Engineering) class na natin" Iniba ko na yung topic baka kasi kung ano pang sabihin niya.    "Sige! Wait lang! Nicole friends na tayo ha! Wala kasi akong ka-close dun sa block natin"    "Sure"    Napakasaya naman ng araw na ito. Nakausap ko na yung hinahangaan ko,naging magkaibigan pa kami. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD