Chapter 3

1543 Words
"KAITLYN SHENELLE LACE!! GUMISING KA NA!! TANGHALI NA!!"    Napilitan akong bumangon dahil sa mala-megaphone na boses ni Ate Chantelle.  Aish! Aigoo! Naman Ate Chantelle, ang ingay ingay mo! Natutulog pa yung tao. Dahil sa wala pa sa loob ko ang bumngon, muli akong napahiga at nagtalukbong ng kumot.   "30 MINS NA LANG,MALALATE NA TAYO. DIBA PE MO NGAYON? SI MAM DAVE PA NAMAN,INSTRUCTOR MO DUN ? ABA BANGON NA! ANTAGAL MO PA NAMANG MALIGO!!"    Torture po ba ito? Pero siyempre, kailangan ko na talagang kumilos. Napaka-strict pa naman ni Mam Dave. 1 minute lang sa kanya is considered late na.   "Hehe na maliligo na po! Buti na lang Unnie pinaalala mo! I love you Unnie kahit na daig mo pa ang wang-wang"    "Anong sinabi mo?"    "Wala Unnie. Sabi ko po maliligo na po ako"    Bakit kaya minsan nakakatakot pa yung mga Ate kaysa sa mga Nanay? Dahil nga sa hindi ako bumangon nang maaga, daig ko pa ang nag-marathon para sakto lang ang pagdating ko.   "Good Morning Mam" pagbati ko habang hingal kabayo akong pumasok sa room.   "Oh Ms. Lace, buti na lang nakahabol ka pa.Now lets proceed to the attendance proper. Abang,"      Nag-i-internal celebration na ako dahil nakahabol ako! Yahoo! Kung na-late na naman ako hindi lang si Unnie Chantelle ang manenermon sa akin. Si Unnie Sugar din.   "Arciosa?"     Nililingon namin kung nasaan na si Mr. Bully.   "I repeat, Arciosa"    "Nandito na po ako Mam!" ngayon ang atensiyon na ng lahat ay nasa kanya na. Nililingon namin kung nasaan na si Mr. Bully.   "I repeat, Arciosa"    "Nandito na po ako Mam!" ngayon ang atensiyon na ng lahat ay nasa kanya na. "Mr. Arciosa, you're LATE. AGAIN."    "Sorry po Mam,na-traffic lang po"    "I don't need your lame excuses. Na-de-delay tuloy ang klase natin"    Hahaha! Buti nga sa kanya! Bleh! Bully kasi! Kung puwede lang tumawa kaso baka mapagalitan din ako.  Practicum na namin. Pagkatapos ng discussion ay sinusundan ito ng practicum. Bale ang PE namin for this sem ay interactive dance. And para sa Prelims, Waltz ang pag-aaralan namin. Dancer naman ako kaya hindi masyadong mahirap pag-aralan yung mga steps para sa akin. Sino kayang makakapartner ko? Huwag naman sa si Mr. Bully , Please po..   "Mr. Arciosa and Ms. Lace, kayo ang magka-partner"    What? Paki-ulit nga yung sinabi ni Mam Dave. Mali yata ako ng dinig? Lalapitan ko na sana si Mam nang hinarangan ako ng bully na unggoy. Nakangisi pa at sinabi ba naman sa akin na siya ang kapartner ko? Ang ganda-ganda ko tapos kapartner ko unggoy? Lugi naman ata ako nun!  "Hoy! hindi kita ka-partner noh!" agad kong pagprotesta   Tapos hinila niya ako papunta kay Mam Dave at sinabing  "Mam,sino po ba ulit yung kapartner ko?"    "Si Ms.Kaitlyn Shenelle Lace ang kapartner mo! My God! Late ka na nga,hindi ka pa marunong makinig!" napa-facepalm na lang si Mam sa kakulitan niya.   "Sorry po Mam"    Pagkatapos ay lumingon siyang muli sa akin nang may nakaklokong ngiti sabay sabing:   "Narinig mo naman siguro yung sinabi ni Mam Dave diba?"    Loko to! Akala mo pogi! Bwisit!!  "Okay class lets start the practicum"  hudyat ni Mam   “1.2.3. hop!  1.2.3. hop!  1.2.3. slide  1.2.3 slide  now turn around your partners slowly 1.2.3.!”   Bwisit na James to,hindi marunong makaintindi ng salitang SLOWLY,tas hindi pa marunong magbilang! Paano ba naman,binilisan niya yung pag-ikot pagkatapos sa halip na 3 ikot lang, 6 na ikot yung ginawa niya. Oo, binilang ko talaga, dahil alam ko ang ugali ng unggoy na ito.Nahihilo tuloy ako.  "Mr.Arciosa! what do you think are you doing! hindi ka ba marunong mag-follow ng instructions! My Godness! Sumasakit na ang ulo ko sa iyo! Ms. Lace,are you alright?"    Haha. Mukhang masaya to. Kaya ilalabas ko muna yung makulit na Kaitlyn Shenelle.   "Actually po,hilong-hilo po ako sa ginawa niya sa akin. Pwede po bang mag-break po muna tayo ng sandali?"    "Okay Ms.Lace,magpahinga po muna kayo "  Tama yan.Dapat lang na pagbigyan mo ang request ko Mam! Kung ayaw mong mawalan ng trabaho.    "Class you can have your break now be back after 20 mins. understand?"    "Yes Mam"    "Mr.Arciosa,isa na lang and I’ll bring you to the Disciplinary Office”   "Opo Mam pasensya na po" nakayukong sagot nito   Humanda ka sa akin mamaya unggoy dahil hindi pa ako tapos sa iyo.    Matapos ang 20 mins break ay nagpracticum na kami and this time,cha-cha naman ang ipa-practicum namin. Sus! ang dali lang forward- backward, left and right. "Okay class face your partners. Forward-Backward! Forward- Backward!” Mam Dave commanded. "Ouch!"   Sino yun? Si Unggoy. Sinadya kong tapakan yung paa niya.Medyo mahina lang pagkakasabi niya kasi pag sumigaw pa siya,lagot na siya kay Mam Dave. Haha!   “ARAY!”   Oops! medyo napadiin ko ata yung pagtapak ko sa kanya.   "ANO NA NAMAN BA ITO MR. ARCIOSA?"   "Mam,Kasi si Kaityn po tinapakan yung paa ko!" sabay turo sa akin   Bwisit na unggoy to ha! Ipapahamak niya talaga ako!Pwes hindi na ako magpapatalo sa kanya! "Mam,hindi po totoo yan sa katunayan po niyan hindi ko po sinadyang tapakan siya,hindi niya po kasi makuha yung steps kaya natatapakan ko po yung paa niya. Mali-mali po siya"   "Hindi totoo yan!Sinadya mo yun!" depensa ni Unggoy.   "Gusto mo mag-demo pa ako eh!"   "Enough! Okay Miss Lace ipakita mo nga yang sinasabi mong demo mo. Denver paki-partneran si Ms.Lace"   Yung tinawag ni Mam ay yung assistant/co-instructor namin na beki.   At ayun na nga nag-demo na kami nung beki. FYI,hindi lang cha-cha ang pina-demo pati waltz rin.   Matapos ang demo ay sinabi ko dun sa beki: “Mr. Denver,natapakan ko po ba kayo?”   "No.Madamme ,you are so Magnificient!! Let us all give her a round of applause"   Kaya lahat sila nagpapalak-pakan pati na si Mam Dave EXCEPT kay Unggoy na nakabusangot ang pagmumukha. "Magaling Ms.Lace. Mr.Arciosa mag-usap tayo sa Office,For now tapos na ang klase natin.Goodbye Class"   WAHAHAHA ang saya-saya! Sa wakas! nakaganti rin ako sa taong nam-bubully sa akin sa loob ng 5 years! Ngayong wala na si Mam Dave at yung unggoy na buloy tumalon talon pa ako sa sobrang saya!Minsan, hindi naman masamang maging maldita at palaban. Kasi pag masyado kang mabait, AAPI-APIHIN ka lang nila. Kailangang mai-kwento ko ito kay Bessie at kina Unnie. Ayaw kong mag-alala sila sa akin. JAMES’S  POV   "Mr.Arciosa,alam mo naman siguro kung bakit ka nandirito.Ayaw ko nang i-enumerate kung ano pang mga pinagagawa mo sa klase ko kanina"   Oo Mam alam ko yun dahil ayaw mo lang ma-stress sa akin dahil bagong Botox ka lang.   "Opo. Mam Sorry po hindi na po uulitin"   Kunwari sobrang lungkot ako para maawa siya sa akin. "Talagang hindi na mauulit dahil next time na mangyari ito,ipa-pa-dean’s office na kita.Akala mo ba hindi ko alam yang ginagawa mong pambubully kay Ms.Kaitlyn? My God! anak pa ng may-ari ng school na ito yang binubully mo!"   Pareho naman nating alam kaya hindi mo na kailangang sabihin sa akin yan.   "Maghintay ka lang diyan Mr.Arciosa,sasagutin ko lang yung telepono" Ako naman heto’t nakatunganga. Kainis ang tagal ni Mam Botox sa telepono! Bakit kasi madadaldal ang mga babae! Maya-maya dumating si Mang Tonio,yung Helper dito sa school .   "Mang Tonio,parang mas lalo tayong pumopogi ah! Ano po iyan?" "Ang mga bata talaga hindi marunong magsinungaling! haha! Ito kasi yung kapeng pinapatimpla ni Mrs.Dave"   "Ganoon po ba akin na po yan ako na pong magbabantay diyan.Ilapag niyo na lang po dito"   "Maraming salamat iho may pinapautos pa nga si Mrs.Flores sa akin"   "Sige po umalis na po kayo ako nang bahala" pagkatapos ay kinuha ko sa kanya yung tray. Napangiti ako ng sobrang lapad. May naisip akong isang MATAMIS na plano. Maya-maya'y bumalik na rin si Mam Botox mula sa "pakikipag-kwentuhan" niya sa kausap niya. "Mr.Arciosa,dahil sa behavior mo,may special assignment ka sa akin at bukas ang pasahan nito.Gagawan mo lang naman ng Reaction Paper ang Game 3 ng Miami Heats Vs. Indiana Pacers.Is that clear?"   Bwisit na Mam Botox ito! Binigyan bigyan pa ako ng assignment! Gusto ko nang lukutin yung mukha niya kaso lang kailangang respetuhin ang mga matatanda.   "Opo Mam" "Makakaalis ka na"     Hindi pa ako nakalalayo ng Office ay napahagalpak na ako sa tawa.Mas lalong lumapad ang aking ngiti nang marinig ang reaksyon niya.. Dumoble ang sayang naramdaman ko nang marinig kong nag-hysterical siya. Gusto niyong malaman kung bakit ganyan yung reaction ni Mam Botox? Nilagyan ko lang naman ng pagkarami-raming asukal ‘yung kape.   Napaka-BITTER kasi pareho lang sila ni Shenelle. Mag-a-alas singko na nang matapos ko ang reaction paper na pinapagawa sa akin ni Mam Botox.   Akala niyo ipapagawa ko sa iba?Ang mga Bully na Gwapo na tulad ko ay nag-aaral din.Huwag niyong isipin na puro kalokohan lang ang laman ng kokote namin.   Who lives the pineapple under the sea! SPONGEBOB SQUAREPANTS!   Huwag niyo akong husgahan dahil sa ringtone ko. Yung kapatid kong may mahabang sungay ang may gawa niyan.   "Bro,nasaan ka ngayon?" Bakit naman kaya ako hinahanap ni chiKen?   "Nasa boring kong pamamahay bakit?" maikli kong sagot   "Nag-yaya si Lee sa kanila.Siguradong happy happy na naman ito Bro!" lagi naming excited itong si Ken. Kailan ba nagging hindi?   "Sige papunta na ako diyan"   Mukhang magiging masaya ang gabi ko makakabawi ako sa perwisyong dulot ni Shenelle at ni MAM BOTOX. Buti na lang badtrip rin si Lee. Kaya isa siyang hulog ng langit para sa akin.Sana araw-araw na lang siyang badtrip para lagi kaming mag-gogood time.   "At saan mo balak pumunta ha Kuya?" kapag minamalas ka nga naman oh. Nakapamaywang pa si Maldita habang nakaharang sa may pinto ng aking kwarto. "Huwag kang pakialamera Tiffanie kung gusto mo pang makita ang pinakamamahal mong One Direction"   Bwisit na ito akala niya siguro maiisahan niya ako. Tama lang na tinulak ko  siya.   "Waah! Kuya hindi naman, nagtatanong lang!" pahikbi niya habang hinihimas ang kanyang puwet na nag-landing sa sahig.    "Buti at naiintindihan mo" Dapat kasi hindi na siya humarang pa. Panakot ko kasi sa kanya ang ID dahil ako ang magiging chaperon pag pumunta siya sa mga concerts. Hindi kasi siya papayagan ni Mama hanggang hindi ako kasama.Malas na lang niya at mas bully ang kuya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD