_4_
Faith Serenity
I held my chest and exhaled after hiding behind the wall.
Susko. Nangangatog ang mga tuhod ko dahil sa lalaking ‘yon. It was him! It was him who was making out with Samantha during my debut. Siya ang lalaking gusto kong humalik din sa akin at para akong tanga na kapag may nakikitang nagtutukaan ay labi ng lalaking’ yon ang naikukiumpara ko.
Why all of a sudden he showed up? After three-long years of peacefulness, he rattled my world.
Napapikit ako at napangiwi. Nakakahiya na natumba ako sa harap niya tapos nakapalda pa naman ako.
Wala sa loob na bumaluktot ako at sinipat ang ilalim ng suot kong skirt.
“Hoy!” may kumalabit sa baywang ko kaya halos mapatalon ako sa gulat.
“My god!” piksi ko sa harap ni Joy. Bakit ba nangangalabit ang bakla na ito?
“Anong ginagawa mo r’yan? You’re checking your panty? Doon ka naman sa ladies’ room, iha kung magsu-survey ka ng regla.” Napalinga siya sa paligid para yata tingnan kung may ibang tao.
Nawala rin ako sa sarili.
“I’m just checking kung… kung ano…” I looked down again ang hauled my skirt. “Maitim ang singit ko.”
“What?!” gimbal si Joy at hinila ang braso ko nang medyo marahas. “Dito ka pa talaga tumitingin ng singit mo?” itinaas din niya ang skirt ko tapos tumingin sa pagitan ng mga hita ko.
I hung my mouth agape.
“Maputi ang singit mo. Tama naman sa kulay mong Haponesa, makinis, pino, malambot. Eh bakit ba? Ano bang problema ng singit mo? May hadhad ka ba?”
“Wala.” I looked away and checked the end of the hallway. Wala na roon si Mister Demure pero ang puso ko parang inaararo sa kaba.
“I’m just so shy. Natumba ako sa hallway. My boy leg is so short that it almost looks like a panty. Baka lang nakita ang singit ko.” She said worriedly.
“Gaga ka. Singit pa talaga ang inisip mo. Paano kung nabagok ang ulo mo? Sayang naman ang talino mo.” Sabunot sa akin ni Joy kaya napasimangot ako.
Kapag kaming dalawa ang magkausap, wala kaming katinuan. That’s the saying he forwarded to me anyway, ‘Ang tunay na kaibigan, hindi matinong kausap.’ Stupid, right but I agree.
“Gaga ka rin. Wala pang nakakakita sa singit ko, ikaw pa lang, babae ka pa…b-binabae pala. Eh ‘yong nakakita, lalaki tapos ano…” gwapo.
Susko. Siya ‘yong crush ko dati pa pero hindi naman ako ganito noon kahit naaalala ko siya. I was okay remembering his face. I mean, there’s no hammering heart inside my chest but now there is.
Crush ko pa rin siya hanggang ngayon at kahit na um-edad na siya, I still find him so dangerously attractive. I’m still attracted to him! I still am!
“Ano?” untag ni Joy nang manahimik ako saglit. “Ano siya? Mabuti man lang sana kung kamukha siya no’ng ama ng mga estudyante mong si Mister Grande, pwede kang mag-alala sa singit mo kung makulimlim.”
Napatingala ako sa kanya. Dati pa siya paulit-ulit ng Mister Grande na iyon. Since I came home and decided to teach his former students, he kept on murmuring about this Mister Grande. Wala raw tatalo sa gandang lalaki ni Mister Grande kahit na may asawa na.
Though I know that the Grandes are richer than I thought, I still haven’t seen any younger Grande before. Mailap sa camera ang mga iyon at parating si Senior Damien Grande lang ang sumasama sa mga gatherings and elite balls. His family is not into socializing. And besides, wala akong pakialam sa mga mayayaman sa mundo ng Alta Sociedad. My Dad belongs to the club but I never enjoyed being a Leviste. If I am enjoying it, it’s because I have a humble father and a very kind one, too. Si Abuelo ko ay kilala rin sa Japan bilang isang aeronautical engineer. He even owns various numbers of jets and so on and forth.
May estudyante akong Grande, sina Paige at Zayn and I really love those kids. Parang well trained sila ng Mommy nila at sobrang babait sa mga kaklase. They’re humble though rich.
Kung ganoon lang naman sana ang ugali ng lalaking nakabangga ko kanina, di inam! But it’s true he has luggage. Kahit na! Dapat tinulungan pa rin ako ng lalaking ‘yon!
“Sinong Grande? Si Mister Damien? That old Grande? Mukhang Santa Claus?” ngiwi ko.
“Hindi.” Kamot ni Joy sa ulo. “Hindi ko maipaliwanag ang kagwapuhan ng anak ng matandang ‘yon. Imagine, kambal ang mga pogi! Kasal na ‘yong isa pero ‘yong isa mukhang hindi pa! Ayeee!” nagtatalon siya at tuluyang lumabas ang pagiging pusong babae. “Kung ganoon ang bumangga sa’yo aba dapat kang ma-conscious sa singit mo. Patingin.” Itinaas niya ulit ang palda ko at ibinuka ko naman ang mga hita ko.
Joy looked at my inner thighs like a critic. Mabuti na lang nandito kami sa may opisina niya at madalang na ang mga tao dahil ang kabuuan ng parte na ito ng building ay para sa mga teachers na lang ng Faith’s Bright Angels.
“Maputi talaga.” Marahas niyang ibinaba ang palda ko tapos tumalikod siya papasok sa office niya.
Siya talaga ang sadya ko pero nagkabangga kami ng crush ko. Hindi ko talaga akalain na crush ko pa rin siya kahit ilang taon na ang lumipas.
I mean, he’s really attractive but that thought of being kissed by his luscious lips never left my mind. I still wanted it this time.
Napatutop ako sa mga pisngi. I am a preschool teacher yet I’m dreaming to be kissed by a stranger?
I’m so dead!
Nasaan ang delikadesa ko bilang isang ulirang guro? Bakit? Porke ba guro ay hindi na pwedeng magka-crush?
No mommy, please don’t let me.
I dramatically crossed my fingers and looked up at the ceiling, praying.
“Halika na. Heto na ‘yong USB na gagamitin mo ngayon.” Joy awakened me, pulling me harder this time.
Sukbit niya ang bag at kinaladkad ako pero para akong tanga na wala sa sarili.
That guy asked for my name but because of shame, I turned my back. Malay ko ba kung naitiman siya sa singit ko kahit na maganda ang kutis ko at hindi mana kay Daddy na maitim? Parang baluga kasi si Daddy.
Oops. That’s too much. My Dad is actually half Filipino, ¼ Pakistani and ¼ American n***o. Don’t even ask me how it happened because it was a long story.
Mas lumilitaw sa hitsura ko ang dugong Japanese ni Mommy at pagiging purong Asian lang.
“Hoy, nakikinig ka ba?” he nudged me that’s why I looked at him.
“H-Ha?” tuliro ako.
Ngayon lang nagsi-sink in ang kahihiyan na inabot ko.
Bigla na lang akong hinawakan ni Joy sa magkabilang braso at niyugyog ako.
“Hoy, Teacher Faith Serenity Matsuzaka Leviste, gumising ka nga. Sino ba kasi ang nakabangga mo at para ka ng mamamatayin?” inis na si Joy pero nang mapatingin ako sa dulo ng pasilyo ay naglalakad doon ang lalaki na nakabangga ko.
Kumabog na naman ang dibdib ko at napatago ako sa likod ng kaibigan kong matalik.
That guy is busy with his phone. He doesn’t have the trolleys anymore and just his nanny bag, filled with so much stuffs.
“S-Siya.” Turo ko sa lalaki.
Joy immediately looked at the end of the hallway and his jaws dropped.
“Oh my god! That? That? That? T-That?” nagpalit-palit siya ng tingin sa akin at sa lalaki. “Patingin nga ulit ng singit mo. Hala, baka maitim nga.” Itinaas niya ulit ang palda ko pero agad kong ibinaba dahil may ibang tao.
“Dapat ka ngang mataranta. Siya ‘yong sinasabi ko sa’yo. Siya si ano… Shanel Grande…ay…” napatutop siya sa labi. “Shalom Grande…S-Salon Grande. Ah bisit!” marahas niyang kinamot ang ulo kaya natawa ako.
“Siya rin ‘yong crush ko noong eighteen ako sa debut ko.” Mahinang usal ko at parang may kilig sa puso ko pero lalong ngumanga si Joy.
“Siya? Siya ‘yon nakikipaghalikan kay Samantha landi?” gulat na tanong ng kaibigan ko pero tumango ako habang nakahawak sa damit niya, at nakatago sa likod niya.
“Siya.” I looked at the man and he stopped from walking amidst the hallway.
He posed and braced his hand against the post. Dinudutdot no’n ang cellphone habang buhol ang mga kilay pero gwapo pa rin siya sa paningin ko.
He’s sarcastic, playful and I find him different. His dangerous but blithesome appearance enthralled me. I still like him after all this time.
“Lintik naman kasi. Nakalimutan ko ang pangalan niya kasi ang hirap pero pamangkin niya sina Paige at Zayn.” Joy rattled and my eyes widened.
“Huh?”
“Oo.” Tango kaagad ni Joy. “Siya nga ang naghatid ngayon sa mga bata at hindi nga magkandaugaga sa mga dala-dalahan kanina. Mukha siyang X-Mas tree.” Napahagikhik siya kaya ako rin pero nang maalala ko na baka nakita niya ang singit ko, nanginit ang mga pisngi ko sa hiya.
I really wanted to know his name and I was dying ever since but because of shame, I never had a chance to meet him.
Our first collision isn’t that good yet isn’t that bad as well.
Shalem!
“Shalem!” bulalas ko kay Joy nang maalala ko ang pangalan ni Mister Demure.
“Ayon!” tili naman ng isa kaya sabay kaming napalapat ng hintuturo sa mga labi namin.
“Ssssshhh!” we giggled.
“Come on. Say bye-bye na to old crush. Baka ma-kick out tayo ng mga bata. Sana pala anim lahat ang mukha ni Shalem no, hindi lang kambal. Ang gandang lalaki kasi.” Kekendeng-kendeng ang vaklush at isinalipit pa ang imaginary hair niya sa tainga.
Sumabay ako sa kanya at medyo ibinaba ko ang palda ko.
Napalingon na lang din ako at tiningnan ang lalaki. Hindi iyon mapakali at parang gusto ng ibato ang cellphone. What’s with people today? Ganoon din kainip si Fatimah kanina tapos dito sa eskwelahan ay inis din si Mister Demure.
All this time Grande pala ang lalaking hinangaan ko? I never had a clue that the man who first captured my interest as a woman is also inside my world. We are on the same cycle but I never knew it was him until today.
He asked for my name and said he was attracted to me, too.
Yaks!
Nanginit ang mga pisngi ko pero sabi niya masyado akong bata para sa taste niya. Bakit? Ilang taon na kaya siya?
Single kaya siya?
He’s too playful to have a wife or get committed.
“Hoy, wag mo naman titigan nang husto. Baka madapa ka.” Saway sa akin ni Joy kaya tumingin na ako diretso sa daan.
“I can’t help it.” I shake my head and bite my bottom lip.
“Kasi matagal mo ng crush at nag-krus ulit ang landas niyo. Ingat ka sa paghanga mo ha. Tatlong taon na ang nakalipas at di naman kayo magkakilala pero grabe ang epekto niya, ineng. Ingatan ang panty, ingatan ang hymen. He’s a temptation and I know you’re tempted ever since the world began…”
Nagkatawanan kami.
“Este—ever since this world officially welcomed you as a young lady and not a girl anymore.” Joy continued and I nodded.
It’s so true. Wala akong ibang bukambibig kahit na noong nag-aaral ako kung hindi ang lalaking ‘yon na nakita ko.
Pero siya kaya ‘yon at hindi ang kakambal niya? Eh kahit na, iisa naman ang mukha nila.
I will find out.
Kapag naaalala ko talaga siya, parating ‘yong halikan nila ni Samantha ang naiisip ko. Sabi ng babaeng ‘yon sa akin masarap daw humawak ng boobs si Mister Demure saka mabilis daw ang kamay. Umiilalim daw kaagad sa palda ang kamay at alam kaagad kung alin ang hahawakan.
Nyi.
At mahilig daw kumain.
Hmn.
Mahilig daw kumain pero bakit hindi mataba? Ano kayang kinakain niya at parang perfect ang tabas ng katawan? And he’s so tall but his built matches his height perfectly. Baka may chlorella growth factor ang kinakain niya. Sana pala kumakain din ako para naman tumangkad pa ako katulad ni Fatimah.