_6_
Faith Serenity
Diyos ko. Paulit-ulit kong usal sa isip.
This really insane. I can’t concentrate. I can’t focus on the subject. I can’t still believe that he’s here in front of me, asked me out tonight. Hindi ko alam kung siya o ang kakambal niya ang crush ko pero iisa ang mukha nila.
Nahilo ako kanina sa pag-go-google ng tungkol sa angkan ng mga Grande at wala akong nakitang litrato ng mga iyon sa internet.
Nakatago ang mga litrato sa gallery ng website na para lang sa mga taong kabilang sa mayayamang tao sa lipunan. My Dad was one and I had to call him if I could use his account to fetch something on the net. It was a restricted sight and imprisoned so many people because of leaking private photos not meant to be sold.
The membership fee is too high. Nakakalagnat ang membership doon lalo na ang monthly subscription na umaabot ng halos singkwenta mil kada buwan.
Aatakihin ako kapag sumali ako roon that’s why I remembered my father because he subscribed to that site.
My Dad was chuckling over the phone. He was asking me what made me so involved while I never showed any interest of who I really am and where I do really belong. I belong to same club but I don’t want to subscribe to that website. Wala akong balak na magbayad ng kung ilang libo buwan buwan para lang makakita ng mga tao na balot ng dyamante at nakasuot ng mga damit na halos katumbas na ng panghabambuhay na sweldo ng mga simpleng tao.
Dad was asking me if I decided to have a boyfriend. Sino raw ba ang i-stalk ko sa elite world? May crush daw ba ako roon? Ang Daddy ko, masyadong excited na ipamigay ako. He’s excited to see me mingling but had a deal with himself that if ever I decided to settle down, I’d never leave his side. Magkasama pa rin daw kami at titira kami sa iisang bubong lang dahil kami na lang daw ang natitira na magkasama.
I love him and of course I never wanted to leave him so I agreed. Kung hindi papayag ang mapapangasawa ko sa ganoong set-up, eh di mag-asawa siyang mag-isa, iiwan ko siya! A man who truly loves me must embrace my father, too. My father is so kind and humble. Marunong iyong magpakatao basta tao rin ang kaharap at hindi kwago.
Nagamit ko naman ang account ni Daddy at hinanap ko kaagad ang mga Grande. There I saw twins, really the same. Walang pagkakaiba sa kanilang dalawa maliban sa ang isa ay halos hindi ngumingiti sa mga litrato at ang isa naman ay halatang napakapalikero. Bilang sa daliri ang mga litrato nila.
And I concluded that it was that Melchizedek Grande who married his adopted sister, five years ago. Ibig sabihin ay kasal na ang isa sa kambal nang mag-debut ako. Ibig sabihin din no’n na ang lalaking nakatitig sa akin ngayon habang nagpapaliwanag ako tungkol sa family day, ay ang lalaki talaga na kahalikan ni Samantha Collins sa England.
Palangisi ang lalaking ito at mapang-akit, iba sa aura ng kakambal na kung tumitig ay parang ibabalibag ang babae sa kama.
But this man in front of me has the same hidden gaze at the back of his beautiful eyes. He’s traded as the black prince of the Grandes while his twin was the angelic prince but really devilish as I look at that man from the outside appearance.
Melchizedek is the father of Zayn and Paige. This Paul Shalem is single and mingling.
Diyos ko po.
Bakit naman parang babaero pa yata ang na-crush-an ko?
Pilit kong ibinalik ang sarili ko sa huwisyo. I keep on ignoring Paul Shalem’s enigmatic gaze though my knees feel so weak.
“I have here the list of the family members your kids wanted to bring. Kung naaalala niyo po, may inuwi na papel ang mga bata at nagpalista ng mga pangalan ng gusto nilang isama sa family day. Kasama na rin dito ang sizes ng mga shirts na ipinagawa ng school for you. It’s available now and already grouped. Like for example…” tumingin ako kay Paul.
Sina Zayn at Paige kasi ang may pinakamaraming bibitbitin na miyembro ng pamilya at natutuwa ako na ang mga kasambahay ay hindi iba ang turing nila. They call their housekeepers, ate and lola.
“Zayn and Paige Grande listed twenty-three family members.”
Nagkatawanan ang mga magulang kaya napangiti rin ako.
“Inilista nila pati mga bodyguards nila but I omitted them. I left their lola Donna, Ate Edith, Ate Lerma, Ate Fely and ate Lala. Lahat ‘yon my shirts and their names are written at the back of the shirts. I have here…” humugot ako ng isang t-shirt para ipakita ang sample pero laking panghihilakbot ko na timing na Papa Paul ang nakalagay sa likod ng t-shirt.
God.
It’s too late to keep it. Kunwari na lang wala akong pakialam na iniharap ang damit sa kanila.
“This belongs to Zayn and Paige. This is for…Papa P-Paul.” Kamuntik akong masamid nang ngumisi siya.
Ang landi niya talaga.
Hindi ko siya pinansin.
“Papasok rito mamaya ‘yong assistant para sa pag-distribute ng mga shirts sa inyo and he’ll collect the payments, too—with receipts of course.” I smiled.
Wala naman silang tanong tungkol sa event so I think I’m done with this. Eksakto naman na pumasok na ang magdadala ng mga shirts in bulks so itiniklop ko na ang damit na nahugot ko kanina.
I put it again inside the plastic and tucked it with the other shirts for Zayn and Paige’s family members.
Naglakad ako papunta sa playpen para tingnan ang mga bata pero ramdam ko na may nakasunod sa akin ng tingin.
I ignored the hard pounding of my heart. This is so new to me. This is hilarious. Bakit para akong teenage girl na kinakabahan? Well, bata pa naman talaga ako at hindi ko rin akalain na ang kasing tanda ni Mister Grande ang magbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam.
I’m so conscious. I want to look in the mirror and find if my face is still okay. Mabuti na lang at hindi ako palalagay ng foundation at make up kung hindi lalo akong matataranta sa hitsura ko dahil baka mukha na akong cake na naglalakad.
“Those shirts on my desk are for the Grandes.” Sabi ko kay Remus na cashier din ng eskwelahan ko.
“Okay.” He smiled at me. “Are you okay? You look tensed.”
Ha?
“Am I?” para akong tanga talaga.
“Blushing. Hindi naman mainit dito sa loob ng kwarto, bakit namumula ka? Mestisa ka pa naman kaya kitang-kita.” He pinched my cheek and I instantly grimaced.
This is really insane. Namumula ako. Kung napapansin ni Remus ‘yon, malamang na pansin din ng lahat.
I’m really dead. I can’t hide this feeling. Talagang ang laki ng paghanga ko sa lalaking ‘yon, at nakakainis dahil lang ‘yon sa galing niyang humalik ng babae, or his gorgeous appearance, his almost perfect built, body, eyes that are so expressive.
No.
“Para…akong lalagnatin.” I just lied.
Napapasinungaling tuloy ako dahil kay Mister Grande. “Sige na, mangulekta ka na para makauwi na ako.” Utos ko kay Remus saka ako mabilis na umalis sa harap niya.
I slid the glass door of my playpen and smiled at my angels.
“Teacher Faith!!!” the kids yelled in unison and ran toward me, surrounded me with tight embraces.
Napahagikhik ako dahil ganito sila kahit araw-araw kaming nagkikita o kahit nasa kabila lang ako at nakikita nila ako sa glass walls, they still miss me that much.
And I so love the kids. Wala akong kapatid kaya gusto ko ng mga bata. When they poop, I wash their butts. I don’t call their nannies anymore. Kahit sa Britain ganoon din ako kaya nabigyan ako ng award. Sa lahat ng preschool teachers na pumunta sa Hongkong for that event called, I Love My Teacher; I won the award. ‘I Love My Students’ award and tawag doon. I never expected it actually. I am just dedicated to my work because I’m in love with this. My mother was also a teacher but she never made it to her doctorate degree because she died young.
“How are you doing here? Having fun, little angels?” I asked them, giggling.
Tumakbo ulit siya pabalik sa mga kanya-kanyang laruan nila.
“Tis is fun, teacher!” sigaw ng isa kong estudyante na nasa loob ng isang kastilyong gawa sa plastik.
Tumango ako at pinanood lang sila. I love to watch them every day because they never fight. Ang unang-una kong itinuro sa kanila ay huwag silang mag-aaway-away dahil magagalit ako. Gladly, they listen and really follow my orders. Para silang magkakapatid lahat at hindi sila nagdadamot sa isa’t isa.
Bigla akong napaigtad nang may tumikhim sa likod ko kasabay ng paghawak sa siko ko.
I thought it was Remus but I was so shocked when I found those green eyes.
“Mister Grande?” Salamat at hindi ako utal at hindi ako nagboses bubwit.
Bakit nanghahawak ang lalaking ito?
I tried not to feel so affected but his fingers brought something. Bakit parang may kuryente ang mga daliri niya? Poste ba siya ng Meralco?
“I’ll fetch you tonight. It means the security isn’t tight, right? Hindi mo naman ako lolokohin, Sassy. Believe me you’ll never love me as your enemy. Talagang kakalampagin kita rito.” Tumaas ang sulok ng labi niya tapos tumingin sa labi ko.
Sinimangutan ko siya kaagad at inisnab. “You think ganoon ho ako, Mister Grande?” I sighed. “I’ll tell the guards to welcome you with fireworks and a band.” Sarkastikong sagot ko pero tumawa siya nang malakas kaya napatigil ang mga bata sa paglalaro at tiningnan siya.
My god.
Nahihiya akong napatakip sa labi. Ano ba naman ito? He’s so off this world. Para bang wala itong pakialam sa paligid at tatawa ito kung gustong tumawa.
“Just welcome me with a kiss and it’d be fine.” He quitted chuckling and I instantly froze.
What?
Umawang ang labi ko at pumihit para magsalita pero laking panghihilakbot ko nang bigla siyang yumukod at hinalikan ako sa labi.
Mommy!
My knees shook and I instantly held onto the shelf. Para akong niyanig ng pinakamalakas na lindol at kahit na gusto ko siyang sampalin ay hindi ko ginawa. Hindi ko ginawa dahil may mga bata at mas lalong hindi ko yata magagawa sa kanya. Hindi ko ugali na manakit pero bakit niya ako hinalikan?
I heard giggles and those were from the kids. Kumukurap akong napatingin kay Zayn at Paige. Nagbubulungan ang magkapatid tapos nakatingin sa amin.
He kissed my lips. May nakahalik na sa akin. Hindi na ako virgin. Oh my god!
“Speechless?” Paul Shalem asked yet I never found the courage to talk. s**t! Nawala ang dila ko at parang nalusaw yata.
“I’ll see you tonight. And by the way, honey. I’m taking back what I said. Your age fits my taste.” Anito kaya agad na naman akong napatingin sa kanya.
Wala na talaga akong nasabi. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin sa kanya. Parang binabastos niya ako. Hindi ako nagpaligaw kahit kailan dahil tutok ako sa pag-aaral, but this man kissed me—on the very first day that we met?
I shook my head and felt disgust but at the same time, may kilig akong nararamdaman. Mali ba ito? I mean, tapos na akong mag-aral at may trabaho na ako. May naipon na ako galing sa sarili kong sikap at pagod. Mali ba na isipin ko naman na magpaligaw at magkaroon ng love life?
This thing never occupied my mind until today.
Wala na akong isinagot kung hindi pa-iwas ng tingin. Para akong matutumba sa kinatatayuan ko hanggang sa bulungan ako ulit ni Paul Shalem.
“Are you okay?” parang sinadya niya na gawing mahalay ang boses niya sa may tainga ko kaya halos magsipagtayuan ang lahat yata ng balahibo ko sa katawan.
Kulang na lang pati na buhok ko sa ulo ay tumayo.
“I’m… not okay.” Sabi ko sa kanya at bakit ako mahihiya na sabihin iyon?
I’m really not okay. I feel like I wanna pee. I wanna poop. “It’s my first kiss and you…y-you had it j-just like that?” I sounded harsh.
“Oh,” he sexily chuckled that’s why I closed my eyes. “Well, I guess I own it now, young lady. I’ll see you tonight.”
Tama si Samantha. Mabilis si Paul Shalem Grande.
Hindi ko na siya tiningnan pa. Hindi ko rin alam kung itutuloy ko ang hinihingi niyang date o baka mas mabuti na sa bahay na lang kami para iwas disgrasya ako. Magpapantalon ako at maglo-long sleeves. Hindi ako magsusuot ng ganitong skirt.
Susko po. I don’t know why I’m thinking this way. This is ridiculous. At ano naman ang iniisip ko na gagawin niya sa akin para magbalot ako na parang lumpia? Am I thinking about something more that just a kiss? Iniisip ko ba na gagawin niya sa akin ang ginawa niya kay Samantha Collins noon sa England? Iniisip ko ba na kakapain din niya ako?
How can I be this stupid and gross? I was never like this. Hindi ako ganito pero ngayong araw ay para akong sinaniban ng impakta.
Ganito ba ang nangyayari kapag ang long-time crush ay nakilala at nakausap, nasisiraan ng bait?
Saglit akong lumingon pero wala na ang lalaki kaya nailabas ko ang nerbyos na kanina ko pa itinatago.
Nahahapo akong napasandal sa book shelf at para akong lantang gulay. I could feel his soft lips against mine. That’s how his lips felt. Noon, napapaisip ako kung paano niya halikan, nagising na lang ako isang umaga na naranasan ko na—and that day is today!
Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin na dalawang batang humahagikhik. I looked down and saw Zayn and Paige.
“Batit po itaw nitiss ni Papa? Love ta po niya? Will you be our Mama? Nakangiting tanong ni Paige sa akin at parang masayang-masaya siya.
“Mommy and Daddy kiss often. They love each other. Do you love Papa Paul, teacher? Baday po kayo pero why do you look so youn’ like Mommy? Parang ikaw at si Mommy tapos si Papa at si Daddy naman ang madtapaheras.” Anaman ni Zayn kaya parang namula ako lalo.
Nakita nila ang ginawa ng Tito nila at hindi ko alam kung paano ko naman ipaliliwanag ang sarili ko.
Walang hiya ang lalaking ‘yon, matapos na manghalik ay basta na lang lalayas.